Chapter 12: Tempted

8 1 1
                                    

Xander's POV

Tinext ako ni Sandara na may practice daw kami ngayon. Natuwa naman ako kaya tinext ko agad si Jasmin, na susunduin ko siya. Aangal pa dapat siya pero wala na siyang nagawa.

Wala kaming pasok ngayon kahit na Wednesday pa lang. May meeting kasi ang mga teachers tungkol sa Music Festival. Apurado na agad sila kahit na sa susunod na three months pa yun.

Mamayamaya ko pa susunduin si Jasmin kaya ginawa ko muna yung inutos ni Mama sa akin. Kinuha ko yung listahan ng mga bibilhin ko sa grocery at yung pera na iniwan ni Mama bago siya pumasok sa trabaho. Naglakad na lang ako papunta sa supermarket dahil malapit lang naman yun.

Ako talaga yung nag-ggrocery dahil dagdag abala pa sa katulong namin kung sila pa ang mag-ggrocery.

Bilin kasi sa akin ni Mama, kung kaya ko naman daw gawin yung isang bagay, wag na idedepende sa iba. Ganyan din yung laging sinasabi sa akin ni Mimi, sa tuwing sinasamahan niya akong mag-grocery. Lagi niya akong sinesermunan na parang siya yung nanay ko.

Natawa tuloy ako pero bigla akong nalungkot. Mababalik pa kaya namin yun?

Nakarating ako sa supermarket ng walang kahirap hirap. Tinanggal ko yung shades na suot ko at sinabit ko yun sa t-shirt ko. Kumuha ako ng shopping cart at saka nag-umpisang mag-grocery.

Hindi naman ako nahirapan kaya lang budget na budget ako dahil sabi ni Mimi, hangga't maaari, kung hindi naman kailangang gumastos, wag na gumastos. Kung pwede naman daw piliin yung mura pero may kalidad pa rin, yun na lang daw kasi mahirap daw ang buhay kaya dapat maging praktikal.

Naalala ko tuloy yung mukha ni Mimi habang sinasabihan ako. Sobrang cute kaya nun kapag nagseseryoso habang nanenermon.

Kaya nga kahapon nung binigay ni Jasmin yung sobrang ice cream sa mga bata, naalala ko siya bigla. Kasi kung si Mimi yung kasama ko, panigurado, ganun din ang gagawin niya.

Napangiti tuloy ako at may naalala akong bilhin bago ako matapos mag-grocery. Tinulak ko yung cart ko papunta sa section ng mga bwisket at tinapay. Naghanap ako ng Graham's cracker. Kumuha ako ng dalawang pack at saka nagpunta sa section na maraming sweets. Hinanap ko kung saan nakapwesto yung mga marshmallows. Nung mapadpad ako sa shelf ng marshmallows, hinanap ko yung brand na lagi naming binibili. Nakita ko yun at kukuha na dapat ng isa nang may makasabay akong kunin yung isang pack.

Napatingin ako sa kaagaw ko at nagupat ng makitang siya yun.

"Oh, Mimi. Nandito ka pala." bati ko sa kanya at saka binitawan yung pack ng marshmallows.

"B-bakit? P-pinagbabawal ba ako dito?" sabi niya na mukhang nagsusubok magtaray. Muntik na akong tumawa pero buti na lang at hindi.

"Hindi naman sa ganun." sabi ko habang nakangiting kumukuha ng dalawa pang pack ng marshmallow.

Kumuha din siya ng tatlong pack at nilagay niya ito sa basket niya. Ang takaw talaga nito kahit kelan.

Sinabayan ko siya sa paglalakad at pumunta siya sa powdered drinks' section.

"Mimi..." mahina kong tawag sa kanya habang namimili siya ng magandang brand ng kape. Nag-hmm naman siya bilang sagot.

"May gagawin ka ba ngayon?" natanong ko bigla. Tinanong niya ko kung bakit. Nag dalawang isip pa ako pero hayaan na lang. "Movie marathon tayo kagaya ng dati? Kahit sia bahay namin or sa inyo."

Nagdalawang isip pa siya pero sumang-ayon na din. Pwede naman ako mag-ditch ng practice kahit isang beses lang, diba?

Nung matapos ko na yung mga nakalagay sa listahan, chineck up niya pa yun isa isa para siguraduhing wala na akong nakalimutan. Nagbayad kami sa counter at bumili na din kami ng mga snacks.

Love Clash (There's No Falling Back)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon