Chapter 8: Jealousy

11 0 0
                                    


AUTHOR'S NOTE: Sorry for the long waiting. Dumadami na reads. *Insert proud author here* Anyways. Let's get back to the story.

------

(During the first part of Jasmin's POV)

Xander's POV

Isa lang ang masasabi ko. Awkward. Ang awkward na nandito ako ngayon sa tabi ni Asatomy.

Simula nung hindi niya na ako pinapansin, nag-umpisa ng magkaroon ng distansya sa pagitan naming dalawa. Pero syempre, sya pa rin ang bestfriend ko.

Tahimik lang kaming dalawa habang pinapanuod namin ang mga kaklase namin sa kanya kanya naming mundo, o ako lang yun.

Tinignan ko si Asatomy at natutulog siya. Di ko alam kung bakit, pero napatitig ako sa mukha niya. May kung ano akong naramdaman na hindi ko maexplain.

Pagod na siguro siya dahil sa kung ano anong ginagawa niya. Kaya siguro nakakatulog siya dito sa classroom. Matutulog na rin dapat ako ng bigla niyang inangat ang ulo niya at saka niya iyon pinatong sa balikat ko. Natutulog pa rin sya at baka siguro hindi lang siya kumportable sa pwesto niya kanina. Sumandal naman ako para hindi din ako mahirapan. Hahayaan ko na lang siya diyan tutal ngayon na lang ulit kami naging ganito kaclose sa isa't isa.

Iniwas ko na lang ang paningin ko at nabaling ang atensyon ko kina Rhiane, Karl, at kay Bakla.

Nag-uusap silang tatlo tapos biglang tumayo si Bakla at pumunta kay Jasmin. Nag-uusap silang dalawa at gusto ko ng lumapit dun pero hindi ko magawa dahil may kung anong pwersa ang pumipigil sa akin.

Baka magising ko si Asatomy.

Sumandal na lang ulit ako at saka ko sila pinagmasdan mag-usap. Nakakaungas yung Baklang yun, ngumingiti ngiti pa. Hayst.

Hindi ko na makita yung ginagawa nila dahil nakatalikod na sila. Hindi ko naman magawang gumalaw sa pwesto ko, kasi for sure, magigising ko si Asatomy.

"Xander..."

Napatingin ako sa mukha niya. Nananaginip ba to?

Di pa ko tapos titigan yung mukha niya ng bigla siyang dumilat. I was froze in the moment. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Matapos ang ilang segundo, natapos ang titigan namin at saka kami sabay na nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam pero talagang nailang ako. Hindi ako makagalaw, pero hindi din ako mapakali. Para namang baliw, Xander.

"Ehem." Napabaling ako ng tingin sa kanya nung marinig ko siyang tumikhim. "Salamat."

Inayos niya yung buhok niya at yung uniform niya. Nagulat ako nung bigla siyang tumayo.

"San ka pupunta?" mabilis kong sabi at di ko namalayan nahila ko pala yung palapulsuan niya. Sabay tuloy kaming napatingin sa kamay ko na nakahawak sa kanya.

Binawi niya yung kamay niya. "Bakit?"

"Busy ka ba?" Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naitanong ko yun. Hayst. Bahala na nga. "Pwede ka bang makausap?"

Tinignan niya ako, confusion is evident.

Kailangan ko na din siyang makausap. Hindi naman pwedeng mauwi lang sa wala yung pagiging mag bestfriend namin. After all, siya pa rin ang first love ko.

"Please?" I used all the cuteness inside of me para pagbigyan niya ko. Hindi bagay to sakin e. Mas bagay magpa-cute si Bakla kasi bakla naman siya.

Her dark expression softened. Tumalikod siya kaya sinundan ko naman siya.

Naglalakad lang siya ng mabilis pero dahil mahaba ang binti ko, nakakahabol ako sa kanya.

Love Clash (There's No Falling Back)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon