Opening the Curse

15 0 0
                                    

[Jencelissa Bagtas]

"Ay palaka! Hey! Ramyela. You know you're so nakakagulat! What are you doing here ba? Like duh? Why did you gulat me ba?"
High toned kong tanong sakanya. Pano ba naman kase it's already midnight then bigla syang mag-aapear and manggugulat like duh right?

Hindi nya ako sinagot. Pero I saw something weird on her. Wait.. Is she crying ?

"Wait what's the problem? "

Muli ay hindi sya sumagot. Muling tumulo ang mga luha niya. Umiling-iling rin sya. Wait what's happening ba?

"Hey do you hear me?" Winave ko ang mga kamay ko sa mukha niya.
Laking gulat ko nang biglaang sumulpot mula sa likod niya ang isang bulto ng tao.

"Waah! Michael??? Hi-hindi bat pa-patay ka-kana?" mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin..

"Muling nabuksan ang sumpa.."
Malamlam na sabi niya sa akin.

"Wha-what do yo-you mean?"
Hindi mawala ang panginginig sa aking mga kamay habang palapit siya ng palapit sa akin. Dahil sa kaaatras ko ay hindi ko napansin ang isang bote ng alak sa aking likuran kaya naman nang natapakan ko ito ay hindi na ako nakabalanse pa at nataob ako. Lalo pa siyang lumapit. Tatayo na sana ako pero laking gulat ko ng biglang kumirot ang mga paa't kamay ko..

"Oh my gosh! My hands! My hands!" Halos mapaiyak ako nang makita ko ang mga bubog na nakabaon sa mga paa at kamay ko.

"Hayop ka! Ikaw ba ang may gawa nito? Ano? Sumagot ka!!! Ikaw ba?
Walang hiya ka! You're dead right? So why are you here? May sa demonyo ka talaga!"

Laking gulat ko nang biglang lumaglag mula sa kisame ang isang lambat na may lamang....

Oh my gosh!! Mga pugot na ulo ng mga kaklase ko? Waaaaahhh!!

May lalong bumilis ang tibok ng puso ko at halos magwala na ito sa loob ng didib ko nang all of a sudden ay biglang bumulagta sa harap ko at duguang katawan ni Ramyela. Biyak ang bungo nito at halatang pinutol ang dila niya. Wala ring tigil ang pagsirit ng dugo mula dito..

Hindi ko na ininda ang sakit ng mga kamay at paa ko. Dali-dali akong tumayo at tumakbo. Bawat pagtapak na gawin ko ay ramdam ko ang sakit ng pagbaon ng bubog sa aking mga paa.

Tuloy-tuloy na rumagasa ang luha sa aking mga mata. Hindi ko na kinaya ang sakit bigla nalang akong bumagsak.

Laking gulat ko nang maramdaman ko ang prisensya ng isang tao sa likod ko.. Isang palakol ang sumalubong sa akin nang lingunin ko siya..

Death Class : Cheating deathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon