Chapter Six

71.8K 1.8K 297
                                    

Tomorrow's the first day of second semester. I was bummed and thrilled at the same time. Pagkatapos ng semester na ito, summer gvacation na. Then I'll be officially a fourth year student. In a year and a few months, I'd be graduating. I'd be done with school and I'll be working in our company. Wala pa akong plano sa ngayon, but I want to travel.

Next year, I'd be twenty-one and in my books, masyado pang bata iyon para maging abala sa kompanya namin. I want to travel for a year... or two. I know I can convince my father about that. Sabihin ko lang sa kanya na tatanggapin ko ang kahit anong position ang ibigay niya sa akin sa company, I know he'll say yes. He'd always been keen on making me learn the word 'responsibility'.

At isa pa, I'm still not giving up the idea of singing. Kapag naabot ko ang pangarap kong iyon ay alam kong hindi ito ipagkakakait sa akin ni Daddy. He knows that my mother would support me if she was still alive.

My father wasn't the controlling type. He doesn't dictate what I do. He disciplines but he never caged me like some bird. He gives me rules but still gives me my rights. Kahit na pinapagalitan at pinagsasabihan niya ako ay kailanman hindi ko magagawang magalit sa kanya. I know he's just trying to be a father to me. He wants what's best for her only daughter.

"Fall, pass the chips please." narinig ko ang boses ni Johan na nakapagpabasag ng pag-iisip ko.

I was distracted kaya imbis na ngumiwi at kumontra ay inabot ko ang chips mula sa lamesa at tumayo para tumungo sa gilid ng pool at ibinigay iyon sa kanya. Bago ko pa mabasa ang nasa isip niya ay huli na ang lahat.

Ngumisi si Johan at inagaw ang junk food mula sa akin at ibinaba iyon sa gilid ng pool bago ako hinila sa tubig. Isinara ko ang bibig ko at tumigil sa pag hinga nang bumagsak ako sa tubig. Narinig ko ang sigaw at tawanan ng mga kaibigan ko at si Johan naman ay ligalig na humalakhak.

Nang makabawi ako sa ilalim ng tubig ay hinawi ko ang buhok na dumikit sa mukha ko at huminga ng malalim. Itinaas ko ang dalawang kamay ko at ibinigay ang nararapat sa kanila. "Muck you!!"

It only made them laugh harder. I groaned and then grimaced at my shirt. It was now drenched with water and was clinging to my body. Iritadong hinubad ko iyon at inilagay sa gilid ng pool. Naiwan ako sa shorts na suot ko at asul na bikini top.

"Ang lalim naman kasi ng iniisip mo. We're here to enjoy the last day... night of sem-break, remember?" rinig kong sabi ni Maia na nagpapalutang sa malalim na bahagi ng pool.

Sinundo nila ako sa bahay kanina para mag swimming at sleep over sa bahay nila Rio. Ipinagpaalam nila ako kay Logan at hindi naman mahirap mapapayag si Logan as long as nagpapaalam ako sa kanya ng maayos.

It's a good thing that Dad wasn't home from his another business trip until tomorrow. At dahil hindi magtatama ang oras naming dalawa ay hindi niya ako mapapagalitan sa hindi ko pagpunta sa dinner. Thank God.

"Just worried. Wala akong kasama sa vacant ko bukas." hinawi ni Noelle ang tubig kaya tumalsik iyon sa mukha ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ngumiti lang siya sa akin.

"Vacant lang yon. You'll live." inabot ni Nikolai ang ibabaw ng ulo ko at tinapik-tapik iyon. Hinawi ko naman palayo ang kamay niya at lumangoy palayo sa kanya.

"I'm really excited for next week though." nakangiting sabi ni Rio. Napangiti din si Maia at nang magsimula na silang magkwentuhan para sa plano ng grupo sa susunod na linggo ay sumisid na ako.

Nang umaga ay sabay-sabay kaming pumasok. Sa hapon ay may plano kaming tumambay sa condo ni Noelle dahil iyon ang pinakamalapit sa campus. We wished each other luck for today before parting ways. Magkakaiba ang building namin para sa unang klase, sadly.

When I Chase (When #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon