Chapter Twenty-Five

65.4K 1.6K 184
                                    

"What are we doing here?" nagtatakang dinungaw ko ang mataas na building mula sa bintana.

Pinatay ni Grant ang makina ng sasakyan kaya nilingon ko siya. Kumunot ang noo ko pero may ngiti rin na naglalaro doon kahit papaano.

Umaga pa lang ay sinabi na ni Grant na kukunin niya ako sa bahay at magsasabay kaming kumain ng dinner. Buti na lang at natapat na may out of town business si Daddy.

Ngayon ay nakaparada sa tapat ng De la Fuente building ang sasakyan niya. I'm not sure what but I know he's upto something. Or maybe he left something inside his office? His wallet or?

Ngumisi sa akin si Grant habang tinatanggal ang seatbelt niya. Lumabas siya ng sasakyan na hindi sinasagot ang tanong ko. Nanatili lang ako sa loob at pinanuod siya na umikot para pagbuksan ako ng pinto.

"Come on," he said as soon as he opened the door.

"Grant..." angal ko. Gusto kong sabihin niya sa akin kung ano ang ginagawa namin dito.

Nag buntong hininga siya at lumapit sa sasakyan. Inabot niya ang seatbelt na nakakabit sa akin para tanggalin iyon. Inilahad niya ang kamay sa akin. I sighed before taking his hand and letting him guide me out of the car.

Sa bungad pa lang ng main door ng building ay may sumalubong na agad sa amin na guard. He's wearing a polite smile on his face. He looked like a genuine person. Natutuwa talaga ako kapag may nakakasalamuha ako na mababait na tao. With them around, humanity is still evident.

Walang katao-tao sa lobby at sobrang tahimik. Bilang lang ang ilaw na nakabukas kaya sapat lang ang liwanag sa buong floor.

"Good evening po, sir, ma'am." magalang na bati nito sa amin. Nilingon si Grant na walang bakas ng kahit anong emosyon sa mukha. Mukhang wala siyang balak na sumagot kay Manong Guard. Umirap ako at tumingin ulit sa guard.

"Good evening din, Manong." masayang bati ko. Napatingin sa siya sa akin dahil doon. May gulat sa mukha niya, na parang hindi inaasahan na papansinin ko siya. Ngumiti na lang ako ng malaki.

"Everything settled?" seryosong tanong ni Grant kaya naalis ang tingin ni Manong sa akin. Sumeryoso na rin ang mukha nito.

"Yes, sir. Ayos na po." mabilis na sagot nito habang deretsong nakatingin sa amo niya. Tumango si Grant at nagsimula nang maglakad.

Sumimangot ako. Hindi ako nagpahila sa kanya sabay madiin na pinisil ko ang kamay niya. Napalingon siya sa akin nang dahil sa ginawa ko. Nakakunot ang noo niya at bahagyang iritado pa. I gave him a pointed look, glanced at Manong and then meaningfully looked at Grant again.

Ilang saglit lang ay naintindihan niya ang gusto kong mangyari. Napabuntong hininga siya at umayos ng tayo. Tumingin siya kay Manong Guard na mukhang nanunuod lang sa palitan namin ni Grant.

"Thank you." Grant lowly muttered.

Nagliwanag ang mukha ni Manong Guard dahil doon at ngumiti ng malaki. "You're welcome po, Sir!"

Hindi na iyon sinagot ni Grant. Hinila na niya ulit ako. Napangiti ako dahil sa pagiging suplado niya. Kumaway ako kay Manong habang naglalakad kami patungong elevator.

Pinindot ni Grant ang roofdeck button. Nang magsara ang pinto ng elevator ay huminga siya ng malalim. Nakangiti pa rin ako hanggang ngayon.

"You're too warm to everyone, Fallon." Grant softly said, which made me look at him.

"Of course. Ganon naman talaga dapat." nakahagikgik na sagot ko. Nakatingin lang siya sa akin kaya matamis na nginitian ko siya. Hindi siya ngumiti pabalik. Nakasimangot ba siya ngayon kaya napanguso ako. "Bakit?"

When I Chase (When #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon