The siblings that sleep in one king size bed together kick asses of one another!

1.7K 44 7
                                    

1: The siblings that sleep in one king size bed together kick asses of one another!

          “Pumpkin wag ka ngang sumiksik jan sa pwet ko, uututan kita jan eh!” reklamo ni Muffin. “Pumpkiiiiin!!!” yung totoo, ano ba meron sa pwit ni Muffin at dun nakasiksik si Pumpkin?

          “Shut the hell up Muffin, tulog ako!” that’s Ginger. “Fuck you Pumpkin, stop snoring like a cow!”

          “Ouch!” that’s Pumpkin, sinipa ba naman ni Pepper. “Damn you Pepper, why’d you kicked me?”

          Si Muffin? Ayun busy na sya sa pagta-thumb-suck nya, favourite past time nya yan kapag tulog. World war seventy five ang magaganap kapag hindi nagtigil ang tatlo nyang kapatid sa kaka-sigaw sa isa’t-isa.

          “You sounds like a pig na dinala sa slaughter house, shut up ok!” sagot naman ni Pepper na tinakpan na ang muka ng unan. “Ginger ano ba, mahuhulog na ako eh!”

          They are the daughters of Mr. and Mrs. Lucian Smith, one of the most powerful young couple in the country, and when I say powerful I also mean rich! Oo mayaman sila, pero sadyang may sayad talaga si Snowy Smith at sa iisang kwarto lang nga pinapatulog ang mga anak nila kapag nasa bahay sila.

          Hindi na nakatiis ang nagpipigil na si Muffin, nadunggol kasi sya ni Ginger na kanina pa usog ng usog. Anong ginawa ng magaling na si Muffin? Ayun isa-isa nyang sinipa paalis ng kama yung mga kapatid nya.

          “PAKYU KA MUFFIN!!!” sabay-sabay na sigaw nung tatlo na hawak-hawak pa ang mga pwet nila.

          Dahil kabilang sina Pumpkin, Ginger at Pepper sa Smith family, at anak pa sila ni Snowy ay hindi naman sila papayag na ganon-ganon na lang yon. Isa-isang maingat na bumaba ang tatlo papunta sa kusina nila, at kumuka ng kawali at kaldero na may kasama pang sandok.

          Malakas ang panalangin ng tatlo na sana ay tulog na ang mga magulang nila, lalo na ang Mame nila na pinag-manahan nilang apat. After they got all the stuff they need, they are all in a hurry na makabalik sa kwarto nila.

          “One…” simula ni Pumpkin.

          “Two…” sunod naman si Ginger.

          “Three!!!” at si Pepper.

          Sabay-sabay nilang pinukpok na tatlo ang kaldero, kawali at sandok sabay kanta ng “When I grow up I wanna be famous, I wanna be a star, wanna be on movies!” habang hinahambalos ng sandok ang hawak nilang kaldero at kawali habang sumasayaw at tumatalon sa water bed na hinihigaan ni Muffin. “When I grow up wanna see the world, drive nice cars, I wanna have movies.” Hala sigi, tuloy pa rin sila sa party nilang tatlo.

The Pranks FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon