7: Pangako ng Maganda
▪◊▪The Mrs. Smith POV▪◊▪
“I can file complaints against this school because of what happened to my daughter.”
Ano, wala man lang bang balak magsalita ni-isa sa dami ng kaharap ko? Tititigan na lang ba nila ako? Fuck, pano na lang kung may nangyaring hindi maganda sa anak ko, kaya ba nilang buhayin ang anak ko kung nagkataon?!
“We are very sorry for what happened, hindi rin namin ginusto ang nangyari Mrs. Smith.”
Anong hindi ginusto ang nangyari, ginagago ba nila ako? “What? Hindi ginusto ang nangyari? My daughter told me that my other daughter Muffin asked Mrs. Brigino if she can go out for a while, but she didn’t allow my Muffin to go out for a minute. Muffin bother to tell her reason pero hindi nya pinag-bigyan ang anak ko!”
Nandito ako ngayon sa office of the president ng lecheng university na to! Gagawin ko ang lahat para managot ang may gawa nito sa anak ko, hindi ako papayag na basta-basta na lang kakalimutan at hahayaan ang nangyari sa anak ko.
“Is that true Dean Brigino?” tanong nung pangulo sa bwisit na Dean ng mga anak ko. “Answer me Mrs. Brigino?”
“That’s true Mr. President, but I thought she’s just making an excuse para maka-alis sa office ko.” What a lame excuse, sampalin ko kaya sya gamit ang sapatos na gamit ko ngayon. “I received complaints against them, may ginawa na naman daw pong perwisyo ang Smiths’ Quadruplets last Wednesday. Nilagyan ng glue at sinira ng ibang armchair sa classroom nila.”
Naku pigilan nyo talaga ako at masasaktan na talaga sa akin ang matandang to na ubod ng sinungaling. “How come na sila ang may gawa ng mga sinasabi mo, one week kaming nasa Germany ng mga anak ko!?” aba, talagang sinisubukan nya ang pasensya ko. “Do you have any proof that my quads were the one responsible for those acts?”
Kapag may naipakita sya sa aking ebidensya, kahit na ako pa ang magsabi sa kanila na patalsikin nila ang mga anak ko. Pero may maipakita man silang ebidensya sa akin o wala, I’ll withdraw my daughters in this bullshit university.
“May ebidensya ba kayong maipapakita kay Mrs. Smith, Dean Brigino?”
Oo nga pala, si Muffin ok na sya at binabantayan ng ama nya at mga kakambal. Hindi na ako nagpasama sa kahit isa sa kanila, because I know I can handle all of these alone.
“Wala po Mr. President, but I already asked those who are complaining for their evidences, pero hanggang ngayon ay wala pa rin pong nagbibigay.”
Tangina talaga, ang sarap saktan ng matandang to. “See, what if I filed a complaint againts you Mrs. Brigino? Wala ka pa palang ebidensya na hawak pero hinold mo ang mga anak ko sa office mo, reason why they can’t attend their class.” Tutuluyan ko talaga sila eh.
Bigla naman na-alarma yung president ng pesteng paaralan na to. Oo nga pala, nandito din ang magaling kong pinsan na si Skylar sa tahimik lang na nakikinig at ngumingisi kapag sumasagot yung matandang si Brigino. Problema nya? Bakit parang siyang-siya pa sya sa nangyayare sa matandang Dean?
“Hindi na natin siguro kailangang umabot sa ganyang punto, Mrs. Smith.” Biglang sabi nung presidente. “But I know I can’t tolerate that kind of act. Don’t worry Mrs. Smith, I will talk to Dean Brigino about this matter.”
![](https://img.wattpad.com/cover/6468351-288-k619291.jpg)
BINABASA MO ANG
The Pranks Family
HumorAnemic ka ba, at gustong medyo tumaas ang blood pressure mo? Sino ba sa kanila ang gusto mong makasama? Option 1: Makasama mo ang isang maarte na lampa pa? Option 2: Makasama ang isang antukin na makulit pa? Option 3: Makasama ang isang moody na mas...