Chapter Three: Provoking

1 0 2
                                    

a short message from this lonely writer: halloo guys! may nagbabasa ba? may nagbabasa ba?! okay then. so, medyo mahaba ang last chapter. haha. maikli lang ang chapter na 'to, don't kill me. pero, sana magustuhan niyo. lahat small letters para mapansin niyo. wahahaha. ciao a tutti ;) xx Ü

Chapter Three

Tiningnan ko si Thad na para bang meron siyang napakalaking sungay sa gitna ng noo niya. My eyes then wondered over to the very giant intimidating looking steel vault next to us. Balik kay Thad, then back to the vault.

"Parang-awa mo na, sabihin mo sa akin na nawala mo lang talaga ng panandalian ang utak mo nang tawagan mo 'ko," I hissed, backing away from the giant hunk of metal that could clearly get us arrested. Nakatayo kami sa safe room ng bahay ni Clark, at hindi ko alam kung paano kami nakapasok.

Of course, Thad wouldn't let me have it, and grabbed me by the arm and dragged me back to stand next to him. Tumingala ako para tignan siya, halata sa mata niya ang determinasyon, at ang hawak niya sa kamay ko ay parang nagmamakaawa. Bumuntong hininga ako at nagtaas ng dalawang daliri sa hangin. "Meron kang dalawang segundo para magpaliwanag bago ako umalis at subukang hindi magmukang lasing sa harap ng mga magulang ko."

Crossing my arms and tapping my foot, I raised an eyebrow.

Umiling siya at binuksan ang bibig para sana magsalita, pero hindi niya na naituloy nang bigla akong magsisigaw ng napakalakas dahil sa takot, jumping into his arms so fast, he had to catch me mid-fall.

Out of nowhere, may biglang lumitaw sa harapan namin kasabay ng pagbukas ng pinto. Nakasuot sila ng isa sa mga maskara na pang Halloween at nakakatakot ang mga posisyon nila. "Boo," kalma nilang sabi.

Muli akong sumigaw at lalo pang isiniksik ang sarili ko kay Thad, na ngayon ay nanginginig na sa tingin ko ay dahil din sa takot. Nagsimula siyang maglakad papunta sa amin, nakataas ang mga kamay sa ere, their Frankenstein walk creeping the hell out of me. "Thad, do something!" Ako na ang umatras para mailayo kaming dalawa. Malas nga lang at maliit ang kwarto.

"Bakit ako?" he gasped. Para siyang nawawalan ng hininga, na para bang aatakihin siya o ano.

"Dahil asawa kita, at pinoprotektahan mo dapat ako!"

Wala na kaming paraan para makatakas pa. Naabot na namin ang gilid ng kwarto, nasa likod ko si Thad, at ako naman at nasa harapan niya like a shield. Great, on top of having a bipolar idiot for husband, I also have a girl husband. Dapat pinoprotektahan niya ako, not the other way around!

"Lumayo ka!" Sigaw ko sa nakamaskara. "Wala akong pera! Paniwalaan mo 'ko, kung meron man, hindi ako mapupunta dito," pinagpatuloy kong sabihin. Nanginginig pa rin si Thad, ramdam ko since nakadikit siya sa katawan ko.

Two more steps and we were doomed. Paano kung meron siyang armas? Oh my gosh, I was going to die. I was going to die. I was going to die. Siguro dapat ko nang simulan na magdasal. Oo, magandang ideya yun ngayon. Ano ang dapat kong sabihin? Dammit. Jesus, Allah, Budha, Zelda, pinapangako ko na hindi na ako magrereklamo pa sa kasal na ito kung matatanggal niyo lang itong bwis-- I mean, nakakatakot na nilalang sa harapan namin. Please, please, please. Huwag niyo akong hayaan na mamatay. Takot ako sa sakit, I cannot handle it.. please...

"Thea, Thea, open your eyes," Thad said. Mahina niya akong iniyuyugyog. Napakalapit ng katawan niya sa akin. Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko, nakita ko ang malaking ngisi sa mukha ni Thad at ang labis na pagkapula ng mga pisngi niya. Halos maluha na siya sa kakatawa.

Dahan dahan akong lumingon at nakita ko si Clark na nakahawak sa maskara at nakakibit balikat. Motherfucker. "Sana nakita mo ang mukha mo. The way you were holding onto Thad." Tumawa siya na parang bakla at napagtanto ko na mahigpit pa rin ang hawak ko kay Thad.

Princess By SurpriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon