Chapter 3

6.4K 236 8
                                    

Glaiza's POV

Nandito kami ni Chynna sa cafeteria ng university. Ngayon pa lang kami kakain dahil sunod sunod ang dating ng mga professors namin.

Akala ko ba tuwing first day kadalasan hindi pumapasok ang mga prof? mukhang masyado atang masisipag ang mga prof dito ah -_-

Nagpaiwan na lang muna ako dito sa table namin at hinyaan ko na si Chynna ang umorder para sakin dahil tinatamad ako.

Pansin ko naman magmula nung pumasok kami ni Chynna papunta sa room namin hanggang dito sa cafeteria eh kanina pa ako pinagtitinginan ng mga estudyante dito

May mga mangilan ngilan pa nga na kumakaway pa sakin.

Mapababae o mapalalake

Uggh ngayon lang ata nakakita ng dyosa tong mga to *flips hair*

Binigyan ko na lang sila ng isang matipid na ngiti para naman di nila sabihing snob ako

Mahirap na..bad impression na nga ata ako kanina sa room namin dahil sa sigawan namin ni Megaphone kanina

Pati ba naman dito mab.bad impression pa din ako

Speaking of the megaphone.. Ayun natatanaw ko siya ngayon at kakarating lang niya dito at may mga kasama pang iba bukod dun sa babaeng kasama niya kanina sa room.

Mukhang naghahanap sila ng mauupuan pero mukha ding puno na yung buong cafeteria.

Sabay sabay din kasi atang nagdismiss ang mga prof kaya ganun

Bigla naman dumating si Chynna dala yung pagkain namin. Tumingin din siya dun sa direksyon na tinitignan ko.

Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw..

"Rhian!!!" Dinig kong sabi niya..

Napalingon naman ako sakanya saka niya ako binigyan ng nakakalokong ngiti.

Napakunot naman ako ng noo at nagtaka. Magsasalita pa sana ako pero bigla naman siyang tumakbo paputa sakanila.

Tinititigan ko lang sila habang nag.uusap pero parang bigla na lang ata akong nanigas nung nakita ko silang papalapit sila sa table namin

Teka don't tell me ---

"Tsong dito na natin sila paupuin tutal naman wala ng bakante. Nga pala guys si Glaiza bestfriend ko"
Sabi niya dun sa mga kasama ni Megaphone

Nag.Hi naman silang lahat sakin at sinabing kilala na daw nila ako dahil kinuwento daw ako ni megaphone sakanila kanina

Tinignan ko naman siya saglit at inirapan lang ako ng mata.

Wow ah sayang ka talaga miss. Maganda ka sana ma.aatitude lang talaga.

Nagpakilala muna sila isa isa bago sila umorder ng pagkain.

Pumunta na si Sheena at Mike sa counter habang si Rhian at si Bianca (yung kasama nia sa room kanina) eh nagpaiwan na lang dito sa table

Nagk.kwentuhan na si Bianca at Chynna ng kung ano ano samantalang kami ni Rhian eh tahimik lang at mukhang nagpapakiramdaman

Sa totoo lang hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit kanina ko pa siya sinusulyap sulyapan

Actually siya din naman nahuhuli kong nakatitig sakin kaya lang bigla lang din niya akong iirapan.

In fairness naman sakanya maganda talaga siya

Teka ilang beses ko na bang nasabi yun??!

Well yung itsura niya kasi is parang isang Walking BARBIE DOLL

SHE'S DATING HER(RaStro Fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon