Chapter 7

5.3K 204 4
                                    

Rhian's POV

I insisted na ihatid siya sa condo niya at hindi naman na din siya nakipagtalo sakin.

Inaya din niya ako na pumasok muna since umulan pa nga ulit.

Pagkadating namin sa unit niya binigyan niya ako agad ulit ng towel at bagong mga damit at undies

"Ligo ka muna dun at magpalit ka. Baka mamaya magkasakit ka. Sisihin at sampalin mo nanaman ako ulit" medyo may pagka sarcastic yung pagkakasabi nia

I just rolled my eyes on her and proceeded to  the bathroom.

Pagkapasok ko napabuntong hinga na lang ako.

Dammit Rhian you're really doomed

Ok pa sana kung siya yung Glaiza na una kong nakita at nakilala eh.

Yung antipatika, walang modo, at manyak na Glaiza

Baka hindi siguro ako nakokonsensya ng ganito ngayon

Kaya lang based from what i've been seeing and feeling right now pakiramdam ko gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko ngayon, magpakain sa lupa or magpalunod sa baha dian sa labas 

Glaiza seems so gentle, nice, and sweet. At kahit na hindi maganda yung una naming encounter hindi yung naging hadlang for her to treat me nicely and to give me some clothes so I could dry myself.

Bahala na sasabihin ko na talaga sakanya yung totoo.

Pagkatapos kong maligo at makapagisip kung anong sasabihin ko lumabas na ako ng banyo.

Nakita ko naman siya na nagluluto at mukhang nakaligo at nakapagpalit na din siya

"Inumin mo muna yang hot choco sa lamesa habang hinihintay tong niluluto ko. Saglit na lang din to" sabi niya

Kinuha ko naman yun at ininom. Nilatag na din niya isa isa yung mga plato, kutsara't tinidor pati yung kanin.

I watched her as she gracefully move around the kitchen. Di ko mapigilang mapatitig na lang sakanya

Hindi ko din maintindihan kung bakit parang bumibilis yung tibok ng puso ko at parang may kung anong hindi mapakali sa loob ko.

Bat parang nag slow mo ata lahat?Tsaka bat parang nawawala lahat ng nakapaligid samin? At siya lang yung nakikita ko?

Unti unti siyang lumalapit sakin. Nakangiti.May mapang.akit na mga mata.Matulis ang ilong niya.

At yung labi niya. Ano kayang pakiramdam ng mahalikan nun.

Unti unti pa niyang nilapit ang mukha niya sakin. Gawd hahalikan na nga niya kaya ako?

Pero teka? Bakit hindi ako gumagalaw? Bakit hindi ako umiiwas? Ibig sabihin gusto ko rin to?

Ilang pulgada na lang yung layo namin. Wala na akong ibang nagawa kundi ang pumikit at hintaying lumapat yung labi niya sakin.

1

2

3

4

5

"RHIAN?"

Bat antagal?! Bat hindi pa lumalapat?!

"RHIAN!!" May biglang sumigaw at pinitik yung noo ko

"AY BUTIKING MAY BANGS!!"aiisshhh muntik pa akong malaglag sa kinauupuan ko

"Bat ka ba namimitik dian?!" Tanong ko sakanya

"Eh kanina pa kasi kita tinatawag at kinakausap dian tapos nakatitig ka lang sakin. "

"Tapos bigla ka pang pumikit at ngumuso dian. Kala ko nababaliw ka na kaya pinitik na kita!" Mahabang paliwanag niya. Dinemo pa nga niya kung pano ako pumikit at ngumuso

SHE'S DATING HER(RaStro Fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon