Chapter 41

3.7K 173 12
                                    

No one's POV

Maghahating gabi na ng dumating si Glaiza sa bahay nila.Nanatili pa din siya sa loob ng kotse niya. Matapos kasi niyang dalawin si Rhian ay tumungo pa ito sa bar para sana maglabas ng sama ng loob

Milagro na nga lang na nakauwi pa siya ng buo at ligtas dahil halos lunurin niya ang sarili niya sa alak.

Pakiramdam niya nagiisa lang siya..na napakatanga niya..na wala siyang kwenta..na wala siyang puso dahil alam niya na patuloy niyang nasasaktan ang taong alam naman niya sa puso niyang mahal na mahal niya

"Gulong gulo na talaga ako! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi ko na alam kung sino ang papaniwalaan ko! Bakit pa kasi kailangan mangyari sakin to!!" Galit na galit si Glaiza sa sarili niya. Wala siyang ibang mapagbuntunan kaya sinabunutan na lang niya ang sarili niya saka inumpog umpog ang ulo sa manibela

(An..tama yan Glaiza..lakasan mo pa ng matauhan ka 😁✌)

"Kung naghahanap ka rin lang naman ng sakit sa ulo at katawan..mabuti pa bumaba ka na lang diyan at ako na mismo ang magbibigay nun sayo!"

Napahinto bigla si Glaiza sa paguntog sa sarili ng may taong biglang nagsalita sa labas ng kotse niya..nakasandig ito sa pintuan ng driver's seat habang nagyo.yosi

"Lovi?!"bulalas niya

Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ito ngayon..matagal ng huli silang magkita nito 10 taon na ang nakakaraan..halos hindi na nga niya makilala ito dahil sa laki ng pinagbago ni Lovi..kundi lang dahil sa birthmark nito sa may bandang balikat ay hindi niya talaga ito makikilala

Nakita na niya ito kanina sa ospital ngunit nakatagilid ito..narinig din niya ang usapan ng mga kaibigan niya na si Lovi ang nagligtas kay Rhian

Ibinaba na nito ng tuluyan ang bintana niya magkaintindihan silang mabuti

"A-anong ginagawa mo dito?!"takang tanong ni Glaiza

"Obvious ba? Eh di hinihintay ka!"inirapan naman siya ni Lovi

"Bakit? Anong kailangan mo?"

"Nakita kita kanina sa ospital..dinalaw mo si Rhian tama?! Naabutan kitang nagd.drama sa may hallway kaya naisip ko na baka kailangan mo ng kausap"


"Hindi ko kailangan nun..kaya makakaalis ka na"sumandal naman si Glaiza sa upuan niya


"How rude naman you my friend, ganito ka na ba magwelcome ng kaibigan mong matagal mo ng hindi nakikita? At ano naman sa tingin mo ang kailangan mo? Kausapin ang sarili mo? Goodluck na lang talaga kung makakakuha ka ng reasonableng sagot dian..baka mamaya sa mental pa ang bagsak mo"

Hindi na muna nagsalita si Glaiza dahil pakiramdam niya sasabog na ang ulo niya dahil sa alak, sa paguntog ng ulo niya at sa bunganga ni Lovi

Agad namang tinapon ni Lovi ang yosi niya at tinapakan ito saka dumungaw sa bintana ni Glaiza

"Balita ko may amnesia ka daw? Bakit pala kilala mo pa din ako?"pagtatanong ni Lovi

Bumaba muna si Glaiza sa kotse niya saka hinarap ang kausap

" Hindi ko naman nakalimutan lahat ng alaala ko Lovi, just the recent ones lang..at sa pagkakaalam ko hindi ka naman RECENT so matatandaan talaga kita" sabi ni Glaiza at siya naman ang nagumpisang magsindi ng yosi

Natawa naman ng konti si Lovi sa sinabing yun ni Glaiza

"Hanggang ngayon pala hindi pa din nawawala ang pagiging sarkastiko mo..buti hindi mo din nakalimutan yun noh?"

Nagkibit balikat naman si Glaiza "I guess hindi mo na maiaalis ang mga bagay na INBORN..tulad din ng pagiging MAGANDA ko" kinindatan niya muna ito at nagsimula na din itong humithit ng yosi

"Gusto mong isaksak ko sayo yang yosi mo ng tuluyan ka ng manahimik at di na makaalala ulit?" tinignan siya ng masama ni Lovi kaya napa taas na lang si Glaiza ng dalawang kamay niya..nagtawanan pa silang dalawa

Sumandal na sila ulit sa kotse ni Glaiza at pansamantalang nanahimik..tila nagpapakiramdaman

"Si Rhian..wala ka ba talagang kahit na anong natatandaan tungkol sakanya?" naka side view na ngayon si Lovi at naka cross arms pa habang in interrogate si Glaiza

"Sa totoo lang meron naman talaga..alam kong si Rhian ang babaeng laging nagpapakita sa panaginip ko..alam kong si Rhian ang babaeng lumalabas sa mga paunti unting memories na nagfflashback sa utak ko..alam kong may malaki siyang bahagi sa buhay na nakalimutan ko"pagamin ni Glaiza


"Kung ganun bakit pinipigilan mo yung sarili mo na maniwala sakanya kung yung sarili mo ng puso ang nakakakilala na sakanya?"

"Dahil may mga bagay pa din na naguguluhan ako..may mga bagay pa din akong hindi maintindihan kung bakit nangyari at nangyayari pa din..Lovi hindi ko na alam ang papaniwalaan ko" naguumpisa ng mamuo ang mga luha sa mata niya

Napailing na lang si Lovi sa mga sinabi ni Glaiza

"You're not making any sense" diretsahang sabi ni Lovi

"I know..simula nung una pa lang alam ko na yun"

"Eh alam mo naman pala eh..eh bakit hanggang ngayon nagiistay ka pa rin dian sa paniniwala mo?"

"Natatakot kasi ako eh.."

"Tangina naman Glaiza!!nung mga bata tayo ni minsan hindi ka natakot na ipaglaban ako sa mga nambubully sakin! Given the fact na lalaki sila at malalaki din ang katawan nila kesa sayo..pero ngayon..ngayon na tumanda ka na simpleng logic lang hindi mo pa kayang gawin?! Wag na na wag mong idadahilan sakin yang amnesia mo kundi ingungudngod talaga kita!! Kelan mo pa balak gumising pag huli na ang lahat?! Pag napagod na siya sa kakaintindi sayo at naagaw ko na siya sayo?!!" Parang armalight na sunod sunod na sabi ni Lovi na siya naman ding tuloy tuloy na tumama sa puso ni Glaiza

Pero imbes na pagkamatay ang maging sanhi nito kay Glaiza ay para pa siyang nabuhayan sa mga sinabi nito

"Wait.What?! aagawin?!" Bigla namang nagpantig ang tenga nito atnahimasmasan sa mga sinabi ni Lovi

"Oo Glaiza..ngayon palang aaminin ko na sayo para aware ka..I like Rhian..kahit pa kakakilala ko lang sakanya wala akong pake..basta gusto ko siya..at handa akong gawin lahat para lang wag siyang umiyak at masaktan..I will protect her at all cost..at kung itutuloy mo pa yang katangahan mo sisiguruhin kong mawawala siya sayo"buong tapang na pagamin ni Lovi

"It won't happen..alam kong ako lang ang mahal niya!" Matigas na sabi Glaiza


"Wag kang pakasiguro Glaiza..hindi lahat ng bagay o tao ay mananatiling iyo kung hindi mo naman kayang alagaan"

Unti unti namang nakakaramdam ng threat si Glaiza sa mga sinabi ni Lovi..malayong malayo na ito sa Lovi na nakilala niya noong mga bata sila na takot at duwag..mukhang nabaligtad na ang sitwasyon nila ngayon..Si Lovi ang palaban..Si Glaiza ang duwag

Pero hindi..hindi siya papayag sa ganun..oo naging unreasonable siya pero hindi pa rin siya papayag na may ibang aagaw kay Rhian









"I WON'T BACK DOWN LOVI..DI KO HAHAYAANG AGAWIN MO SAKIN ANG MAHAL KO..MAGKAKAMATAYAN MUNA TAYO BAGO MANGYARI YUN!" Mariin ang pagsasabi ni Glaiza kay Lovi

Ngumiti na lang ito ng nakakaloko sakanya saka umalis..

------------------------------
AN:

Dear Rhian...pakiputol naman po ang buhok mo oh sobrang haba na eh..dalawa pa nagaagawan sayo!

Oh kayo kanino kayo? Team Glaiza or Team Lovi?!

Am I still making any sense here? Votes and comment plesss thanks!!



-L

SHE'S DATING HER(RaStro Fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon