Chapter 16

4.6K 216 2
                                    

G's POV

It's been 3 week simula ng mangyari yung sagutan namin ni Rhian sa bar.

At sa 3 weeks na yun hindi din kami nagkikita

Nagpunta ako sakanila kinabukasan after mangyari yun pero ang sabi lang sakin ng maid eh umalis daw siya ng madaling araw at may dalang maleta.

Hindi ko din naman siya macontact dahil laging nakaoff ang cellphone niya. Kahit si Bianca 3weeks na ding wala dito. And just like Rhian hindi din namin siya macontact. Wala din namang alam sila Sheena at Mike kung san man sila nagpunta.

I know I've been a jerk that day at napasobra ata ang sinabi ko sakanya. I didn't mean it.

Pero nadala lang siguro ako ng sobrang kalasingan at sobrang selos kaya ko nasabi yun sakanya. At yung sampal niya ang nagpagising at nagparealize sakin na hindi ko dapat sinabi yun.

Nagkausap na din kami ni Jason a week after mangyari nun. He told me na the reason kung bakit siya magkausap ni Rhian is because she's asking him for some tips kung pano manligaw. Dahil balak niya nga daw akong ligawan.

Stupid girl. Why did she have to do that? Ok lang naman sakin na sabihin niya lang na mahal niya din ako. Then I will do the rest. Kahit ako na ang araw araw na manligaw sakanya ayos lang. Tsk now guilt is running in my entire system right now.

And God knows how much i miss her..
.
.
.
.
.
.
Rhian where are you???
-----------------------
Bianca's POV

Hi ngayon lang ako nagka POV dito. Short Intro lang. I'm Bianca. 5'3 height. Sexy. Maganda. Maputi. Matalino. Bestfriend ni Rhian since birth. Magbestfriend ang mga nanay namin kaya ganun. I know everything about her kahit yung mga deepest darkest secret niya. Ako at ang family niya lang din ang may alam tungkol sa sakit niya.

Kung itatanong niyo kung asan kami? Well nandito kami ulit ngayon sa Manila. Kakauwi lang namin kahapon galing New York. Pumunta kami dun kinabukasan after ng incident sa bar. Why? Because something happened to Rhian that night..

Flashback

Agad kong sinundan ang bestfriend ko sa labas ng bar kaya lang hindi ko na siya naabutan dahil nakasakay na agad siya ng taxi

Agad ko din naman kinuha ang kotse ko para makasunod sakanya but damn na stuck pa ako sa traffic

"Lecheng EDSA naman to oh. Kung kelan naman nagmamadali ako tsaka pa nagkatraffic" yun na lang ang nasabi ko.

After 1 1/2 hour narating ko din ang bahay nila Rhian

Hindi na ako kumatok dahil alam ko naman kung san nakatago yung spare keys nila kaya dali dali na akong dumiretso ng kwarto niya.

Nagulantang na lang ako ng makita siya nakahandusay sa sahig ng kwarto niya.

"RHIAAAAAAANNNN!!"

Hindi ko na alam kung pano ko siya nabitbit at naisugod sa ospital basta ang importante nadala ko siya.

Agad ko namang tinawagan ang mommy niya at binalita ang nangyari.

She instructed me na dalhin ko daw agad si Rhian bukas sa New York.

Umaagree na lang ako at ibinilin ko muna si Rhian sa mga doctor at nurse para ayusin ang gamit namin at magpabook ng flight.

Pagbalik ko ng ospital nakausap ko na yung doctor at sinabing stable naman na daw si Rhian at kailangan na lang daw magpahinga.

Kinabukasan hindi na nakapalag si Rhian sa pag.alis namin. Pagdating namin dun agad naman siyang ipinacheck sa mga specialists dun at naconfine pa siya ulit dahil madalas siyang nahihirapang huminga at nagsusuka

Her mom keeps on asking her kung anong nangyayari sakanya sa Manila at kung bakit siya nagkakaganito all of a sudden but she keeps on telling na dahil sa pagod sa school lang daw sa school yun. After nun hindi naman na siya kinulit ng mommy niya at nagpalakas na lang siya

*End of Flashback*

"Are you sure na ready ka ng pumasok ulit? Kaya mo na ba siyang makita ulit?" Tanong ko sakanya. Kasabay ko siya ngayon pumasok

Saglit naman siyang natigilan sa tanong ko at parang maluluha nanaman siya

"Oo naman kakayanin ko naman siguro" sabi niya sabay simpleng punas ng luha

"Okay sige basta bestie tandaan mo lang nandito lang ako for you okay?"

Ngumiti naman siya agad sakin at nag side hug.

"Thank you Bestie"
--------------------------
R's POV

Nakarating na kami ni Bianca sa school. Buti na nga lang at nakahabol pa kami dahil ilang minutes na lang magsstart na ang klase

Pagdating namin para namang natigilan yung mga kaklase namin at nagulat ng makita kami ulit

"Uy guys tagal niyong nawala ah"

"San kayo galing bat ang tagal niyong absent?"

"Welcome back Rhian and Bianca!"

"Namiss namin kayo girls!"

Yan yung ibang sinabi samin ng ibang kaklase namin

Pagdating naman namin sa upuan namin yung mga kaibigan namin eh nakatanga lang.

"Ano guys wala man lang bang "Welcome Back" hug dian? di niyo ba kami namiss?" Bianca

Pagkasabi niya nun agad naman tumayo yung babaeng nasa kaliwa ko at hinatak ako palabas ng room. Who else?

Dinala niya ako sa rooftop ng building namin

Pagdating na pagdating namin sa tuktok agad niya akong kinabig at niyakap

"I missed you... so much" bulong niya sakin habang nakayakap

"I missed you too" bulong ko din sakanya.

Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sakin at hinarap ako. May mga tumutulong luha sa mata niya.

"Bat ka umiiyak?" tanong ko

"Wala. Natutuwa lang talaga ako kasi nandito ka na ulit. Rhi Im really really sorry sa lahat ng nasabi ko sayo. Sorry kung nasaktan kita. Sorry ku--" nilagay ko yung hintuturo ko sa labi niya

"Sssshh tama na. Okay na. Kalimutan na natin yun"

"Hindi ka na galit?"

"Gusto mo pa bang magalit ako?"

"No. Of course not!" bigla niya akong niyakap ulit

"San ka ba nanggaling? Bakit ang tagal niyong nawala?"

Hindi naman ako nakasagot agad. Ayoko munang sabihin sakanya

"Uhh na-nagpunta kami sa bahay ng ate ko. Dun muna kami ng stay. Family matters."

"Are you sure? Hindi dahil sa gusto mo akong iwasan?"

"Well kasama na din yun kailangan ko ding magisip kaya nagpunta na muna ako dun"

"Dont ever leave me again okay?"

"Okay."

"Promise me?"

"Promise." She kissed my forehead

"Rhi.." pagtawag niya sakin

"Hmm?"

"Let's end this"

Naguluhan naman ako sa sinabi niya

"Ang alin?"

"Etong set up natin. Let's end this. Magbreak na tayo"

Para namang kumirot nanaman yung puso ko sa narinig ko sakanya. Akala ko ba--

"Ayoko ng maging FAKE girlfriend ka lang. I want you to be my Girlfriend
.
.
.
.
.
.
.
.
.
For real"
--------------------
A/N

Vote/Comment/ share

guys i need feedbacks po please Salamat din pala sa mga nagv.vote at nagbabasa at magbabasa pa lang!

Sorry sa errors or kung magulo man?

TC GB

-L


SHE'S DATING HER(RaStro Fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon