"ZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz"
"ZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz"
"ZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz"
*BOOOGSH!!!*
Ouch! Ang sakit ng ulo ko. Hanep!
"Ano ba yun?!" sigaw ko
"Aba! Sinisigawan mo na ko ngayon??" Patay si Inay pala ito. Lagot.
"Ai! Sorry po Ma. Akala ko naalimpungatan lang ako eh."
"Ano pang ginagawa mo dyan? Bumangon ka na."
Teka. Déjà vu? Parang nangyari na ito ah. Shems. Napaisip ako.
"Ano pa bang iniisip mo dyan? Malalate ka na. May practice pa kayo ng graduation po ngayon hano po?" Sabi ni Inay.
"Ma. Anong nangyari?" Nagtataka kong tanong.
"Anong nangyari?" Pag-uulit niya.
"Umalis po ba ako? Kahapon, kagabi?" Tanong ko pa.
"Nagpaalam ka lang naman sa akin kahapon yung tungkol sa offer ng simbahan pero hindi ko alam kung makakapunta ka pa doon. May dumating nga palang sulat para sayo." Sabi ni Mommy saka iniabot sa akin ang isang letter.
Binasa ko yung sulat na para sakin. Galing yun sa isang school na kinuhanan ko ng entrance exam at nakapasa ako! Narealize ko na ang lahat pala nang nangyari ay isang panaginip lamang. Walang nangyari. Wala lahat. Nandito pa rin ako sa kwarto at hindi ako nagstay sa simbahan. Walang nagtapat ng pag-ibig... Walang umalis...
Totoo yung tungkol sa program ng simbahan pero wala yung offer na sa simbahan ka magsstay. Yung program nila ay para sa gaganaping youth camp.
Nabunutan ako ng isang malaking tinik. Nakahinga ako ng maluwag dahil mabuti na lang at walang totoo sa mga nangyaring kalokohan na yun tsk. Pero... Ramdam ko ang panghihinayang...
Nasa school na ako para sa practice ng graduation. Nakakapagtaka kasi na kakaunti pa lang ang tao at kung tutuusin, late na nga ako. Filipino time talaga pssshhh.
"Ate para sayo daw." Sabi sa akin ng isang bata. Elementary siguro ito.
Huh? Rose? Nagtataka ako sa ibinigay ng bata. Susundan ko sana ng tingin yung bata pero nagsunod-sunod na yung mga nagbigay sakin hanggang sa umabot ng 12 piraso yung mga bulaklak. Nice naman! Very sweet pero kaynino kaya to galing? Hmmmm... Nakapagtataka.
"Gail.." Sambit niya.
OMG No. This is not true...
"PJ ikaw pala." Sabi ko na medyo naiilang pa nga.
Inabot niya sakin ang isang teddy bear. Nagulat ako sa ibinigay niya. Kamukha kasi yun nung teddy bear sa panaginip eh. Yung binigay ni father Nico bago siya umalis? So kay PJ pala galing ito at hindi kay Fr. Nico tsk. Well, that's life.
"Ano tong mga ito PJ?" Tanong ko sa kanya kasi bigla lang akong naguluhan sa mga nangyayari.
"Gail, matagal kong pinagisipan kung paano ko ito gagawin at eto na nga!" Pagsisimula niya. Ako naman ay nakatingin lamang sa kanya. "Gail, I like you. I like you and I want to court you. Can you give me a chance?" Sambit niya.
Napanganga ako, literally. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko sa kanya. Parang ang bilis? Kailan ba kami huling nagkausap? Kahit hindi sa panaginip, si PJ ay isa talaga sa mabubuti kong kaibigan. Hindi ko lang naisip na hahantong sa ganito ang pagkakaibigan namin. Wala naman sigurong masama kung ibigay ko sa kanya yung chance na hinihingi niya diba?
Tinignan ko si PJ na nakatingin pa rin sa akin at naghihintay ng sagot. Kita ko sa mga mata niya ang pag-asa at syempre yung kaba. Nginitian ko siya at umaasa na magbabago ang reaksyon niya. Napahinga lamang siya ng malalim at naghalf-smile rin pero hinihintay pa rin ang sagot ko.
"PJ..." Sambit ko kaya nasa akin talaga ang buong atensyon niya. Ngumiti ulit ako sa kanya saka ako tumango. Meaning, pumapayag ako.
"Talaga? Pumapayag ka?" Tanong niya. This time, mas malaki na ang ngiti niya.
"Oo." Sagot ko na lang dahil naaliw ako sa reaksyon niya.
"Thank you! Thank you talaga!" Sabi niya at hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Hindi ko nga napansin na napapalibutan na kami ng mga classmates namin at ng iba pang estudyante. Hinawakan ko tuloy ang mga pisngi ko dahil sa hiya at alam na alam kong sobrang pula ko na ngayon.
Ayun at heto na nga sa unang pagkakataon nagpunta ako sa simbahan ng si PJ ang kasama. At boom! Si Fr. Nico lang naman ang nagmimisa. Siguro ganito nga ang buhay, sobrang mapaglaro. May mga bagay talaga na kailangan nating marealize, maintindihan at tanggapin. Hindi lahat ng gusto natin ay masusunod. May mga bagay talaga na tama at mayroon ding mali. Siguro nga, si Fr. Nico ay isa lamang inspirasyon na nagturo sa akin kung gaano talaga kalakas ang trip ng buhay. Dapat kaya mong sakyan yung mga trip niya. Sa pamamagitan ng panaginip, nadama ko ang lahat, naintindihan ko. Nainform din pala ako ng panaginip tungkol kay PJ.So ayun nga, kailangan nating tanggapin na si Fr. Nico ay si Fr. Nico baka nga naman kasi na kung sino pala talaga ang katabi at nakakasama natin, si PJ, pala talaga ang nakalaan para sakin.
Ilang araw na lang ay graduation na. Napagsdesisyunan ko rin na sa isang presterhiyosong Unibersidad ako magcocollege. Malalayo man ako sa pamilya ko, okay lang dahil kapalit naman ng sakripisyong ito ang magandang buhay. Pumasa rin sa Unibersidad na ito si PJ at ilan naming mga kaklase kaya kahit iba-iba kami ng mga kurso ay kahit papaano ay magkakasama pa rin kami.
Alam kong hindi ko pabasta-basta makakalimutan si Father Nico. Ang taong nagpaintindi sa akin kung ano ang pagmamahal. "All we can do is hope and try." eka nga. Umasa ako na totoo ang panaginip kahit na alam kong masasaktan lang din ako sa huli. Pero narealize ko na si Father Nico ay isa lamang tao na gumulo sa aking isipan at naging way para maintindihan ko kung ano ang kayang gawin ng buhay sa akin.
"Hindi mo man ako kasama sa pag-abot ng mga pangarap mo pero Gail nandito lang ako. Babantayan kita."
Agad kong naalala ang mga katagang iyan mula kay Father Nico. Hindi man talagang direkta na nanggaling sa kanya,alam kong nandyan lang yan sya. Siguro nga, dito na natatapos ang lahat ng kay Father Nico. Kailangan kong ipagpatuloy ang nasimulan ko at maging handa sa bagong buhay na susuurin ko.
Sabi nga niya,
"Forget about everything. Just be happy, okay?"
*****
Awts. Siguro nga hanggang dito nalang kasi nadestino na sya sa ibang lugar.... :(
BINABASA MO ANG
My Forbidden Love [Completed]
Teen FictionHindi kasalanan ang magmahal. Magmahal ka na't lahat 'wag lang si Father. :) [2015] Unedited