Add my official facebook account (char!) Xian Randal
Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal
Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)
SIX
Maaga na namang nagising si Roxanne ng araw na iyon, pupunta sila ulit ng farm, sa ibang pag-aari na naman ng binata. Talagang bilib na siya dito. Ang dami ng ari-arian sa ganoong edad pero parang ang lungkot ng buhay niya, wala namang kalove life love life. Hindi naman siya makakuha ng impormasyon kung sino ang ina ni baby pretty Kate.
Pero aminado siya, ang gwapo naman talaga ng Bossing niya. Matangkad, Moreno, maamo ang mukha kahit pa nga madalas nakakalimutan yata nitong mag –ahit, o siguro dahil sadyang mabilis lang tumubo ang balbas nito. May six pack abs na natural na natural dahil sa trabaho nito sa bukid, higit sa lahat, kahit alam pa niyang suplado ito pagdating sa kanya, may mabuting kalooban ang binata, patunay ang pagiging responsableng ama nito kay Kate.
Saan kaya ito nakilala ni Faye? Mas lamang naman ito ng ilang paligo sa kinahuhumalingan ng demonyitang pinsan niya na si Kier, o malamang hindi ito umubra kay Duncan. Siya nga na halos maghubad na sa harap nito ay wala pa ring epekto. Nalungkot siya sa parteng iyon, paano kaya kung nagkakilala sila sa tamang panahon na siya si Roxanne na isang university teacher, magkakagusto kaya ito sa kanya? Natawa siya, para na naman siyang tanga na nangangarap.
Malapit na siyang magdalawang buwan rito, pagkatapos nun, tatlong buwan na lang yung bubunuin niya, babalik na rin ang lahat sa dati, sa ayos. Maghahanap na lamang siya ng bagong papasukan kapag wala na siyang babalikan pang trabaho.
Samantala, kanina pa nakatingin si Duncan sa kanyang sekretarya. Bakit kapag ganitong walang imik ang dalaga at maayos ang pananamit ay parang ang paniwalaan ng dati nitong trabaho sa Maynila? Madalas kapag tinitignan niya ito ng hindi namamalayan ng dalaga ay nakikitaan niya ng finess. Minsan nga nahuhuli niya itong nagtuturo ng kung anu-ano sa mga anak ng trabahante niya kapag walang ginagawa sa bukid. Parang sanay naman ito. Yung mga bata naman tutok na tutok sa kanya. Baka ganun talaga kapag may anak, siya nga kay Kate napagtitiyagaan niya.
Maganda ang kanyang sekretarya, lalo kapag disente ang pananamit nito. May mga mata itong biglang lalaki kapag nagugulat o inaasar siya, yung ilong nito na katamtaman lang ang tangos, mga labi na madalas kulay pula dahil sa lipstick at-----
"Bossing!" Nagulat si Duncan sa biglang pagsalita ni Roxanne. Hindi niya namalayan na nakatanga na pala siya rito.
"Mabuti at maaga ka.Hindi na kita gigisingin."
"Hindi naman ako nagpapagising ah, pero pag kakatok ka sa gabi Bossing, ay naku, hindi ka magsisisi." Patawa na lang niya, naconscious kasi siya sa titig nito kanina.
"Maaga pa Roxanne." Saway niya rito.
"Asus! If I knowing, nagkaka crush ka na rin sa akin. The more you hated the more you crusher." Heto na naman ang English niya.
"Kumain na nga lang tayo." Nilampasan niya ito at tinignan kung sunog na naman ang kakainin niya.
"Bossing, hindi tostado ang ulam ngayon. Pinagpraktisan ko yan.
"Ano ba ang inihanda mo?" Sana nga hindi tustado.
"Noodles!" Masayang balita nito.
"Ang malas ng mapapangasawa mo!" Naglagay na siya sa bowl ng inihanda at pinagpraktisan nitong instant noodles!
"Bossing, pag ikaw napangasawa ko, jackpot ka!"
"Roxanne, gusto mong dugtungan ko pa yan?" Pambabara niya, baka kasi kung saan na naman mapunta ang pinag-uusapan nila.
"Naman! Nagbibiro lang, ang agang pikon." Umupo na ito at nagsimulang kumain.
As usual, riding in a motorcycle with his hunk boss makes her weak. Lalo at mabato ang daan, napapakapit siya rito. Kilig much nga kung baga. Lagi niya na lang sinasabi na i-enjoy niya na lamang niya ang ginagawa. Naging busy na ang lahat nung dumating sila sa farm. Tag-ani kasi ng manga ngayon, pagkatapos manganganak pa yung inahing baka.
Roxanne is so excited. Ngayon lamang kasi siya makakakita kung paano ang tamang proseso ng pagkuha ng manga. Ang gagandang tignan ng mga punong hitik na hitik sa bunga. Parang bata siya na takam na takam sa mga bunga nito. Ganun pala iyon, kahit pala pagpitas ay may tamang strategy at nang hindi masira ang mangga.
Natutuwa namang tinitignan ni Duncan si Roxanne. Sa madalas na pagpunta nila sa bukid ay hindi siya nito binigyan ng problema. Wala itong arte sa katawan, yung inaasahan niya na sakit ng ulo sa trabaho ay di nito nakita sa babae.
Napipikon lang talaga siya kapag yung mga trabahador niyang lalaki ay lumalapit sa dalaga, although alam naman niya na talagang pansinin ito kahit pa nga simpleng jeans at t-shirt lang ang suot niya.
Ito namang sekretarya niya, aliw na aliw yata sa atensiyon kaya ramdam niyang panay ang pagpapacute nito sa kanila. Kaya nga wala na siyang pinapatulog na trabahador sa bahay nila simula ng dumating ito, baka makita ng mga ito ang dalaga na masyadong maikli ang suot kapag nasa bahay lang.
"Roxanne, kailangan kita rito!"
"Coming Bossing." Pag nakikita niyang nakasimangot at salubong na ang mga kilay ng binata ay alam niyang pikon na naman ito. Sinasadya kasi niyang makipag kuwentuhan sa mga trabahador nito, alam na alam naman kasi niya na mababait at masayahin ang mga ito.
"Pakiinventory kung ilang kilo ng mangga ang inani natin."
"Okay Bossing!"
Tinawag naman si Duncan ng isa sa mga trabahador, dumating na raw ang kaibigan nitong veterinarian para tignan ang manganganak na baka at ilang hayop na may sakit. Agad niya itong sinalubong.
"Pare, kumusta. Nasaan yung titignan ko?"
"Okay naman, Pare, nasa likod."
Napatingin ang bagong dating kay Roxanne na noon ay abala sa pagbibilang ng manga.
"Sino siya?"
"Sekretarya ko."
"Hindi mo naman sinabing may tinatago kang magandang dalaga rito pare." Kusang lumapit si Doc Rafael Tan sa dalaga. Hindi na hinintay pang makapagsalita si Duncan.
"Hi, I'm Rafael, kaibigan ni Duncan at binatang beterinaryo." Nakipagkamay siya.
"Roxanne." Naasiwa si Roxanne sa bagong dating, ang higpit kasi ng hawak nito sa kamay niya. Kahit naman nakikipag flirt siya ng konti sa mga tauhan sa paligid, hindi naman siya nagpapahawak sa kanila.
"Nice meeting you Roxanne." Hawak pa rin nito ang kamay niya.
"Ehem, baka nakakalimutan mo Rafael, sekretarya ko yan at nandito ako." Seryoso si Duncan. Agad na binawi ni Roxanne ang kamay niya.
"Tignan na muna natin yung baka." Agaw atensiyon nito sa kaibigan na ang lagkit ng tingin kay Roxanne.
"Would you like to be with us, Roxanne?" Yaya ni Rafael.
"No, marami pa siyang gagawin, Pare." Si Duncan ang sumagot.
Natawa si Roxanne, hindi halatang ayaw siyang isama ng bosing niya. Sabagay, gusto niya iyon. Ayaw niya kasi sa bagong kakilalang mukhang presko.
"C'mon pare, minsan lang tayo nakakakita ng magandang dalaga." Hindi sumusukong sabi ni Vet. Rafael. Sadya yatang nabighani sa kagandahan ni Roxanne.
"Hindi na dalaga yan kaya tigilan mo na." Naiinis na sabi ni Duncan.
"Ha?"
Tinubuan ng inis si Duncan, pagkatapos ni Mike, itong si Rafael na naman? Ano ba itong mga lalaking sa kanila para namang si Roxanne lang ang maganda sa lugar nila.
Hapon na nung nakauwi sila. Bago nga umalis si Rafael ay niyaya pa nitong bumisita si Roxanne sa animal clinic nito, o di kaya siya sa bahay ni Duncan.
BINABASA MO ANG
Ang Promdi At Ang Prosti
Humor"O pag-ibig, pag pumasok ninuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang." Hindi naman kasi lahat ng nakikita totoo,madalas palabas lang ito. Roxanne, who was a university professor, went to a far province of Mindanao just to work as a secretary. A...