SIXTEEN

32.6K 746 38
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Pabalik na ng Mindanao sina Duncan at Roxanne. Pareho silang tahimik, kahit sa eroplano pa lang ay wala na silang imikan. Tulad ng napagkasunduan nila, mag eextend siya ng dalawang buwan kina Duncan bilang sekretarya nito. Marunong siyang tumupad sa usapan. Hindi pa nila napag-uusapan ang nangyari. Para kay Roxanne , mas maiging huwag nilang pag-usapan, natatakot sa sa mga sasabihin ni Duncan.

Si Duncan naman, nalilito pa rin. Parang ang bilis ng pangyayari. Hindi niya alam paano simulan ang lahat. Nung lumapag ang eroplano sa Awang National Airport ay ginising nan g binata ang dalaga.

"We're here Roxanne."

Wala pa rin itong imik na bumaba ng eroplano. Hindi sanay si Duncan, sanay siya sa makulit at madaldal na Roxanne. Mas gusto niya pala iyon kesa sa ganitong di ito nagsasalita. Dahil nasa kaibigan ang sasakyan niya at malapit lang naman iyon sa airport ay hindi na nila kailangang magcommute.

Samantala, mas ginusto ni Roxanne na magkunwanring tulog buong biyahe. Ayaw niyang makipag-usap sa bosing niya. Kahit gusto niyang kabisaduhin ang daan ng North at South Upi ay hindi na niya nagawa, sa kakapikit ay nakatulog na siya.

Dinaanan na lang nila si Kate sa Lebak.

"Tita Beauty! Namissed po kita, mabuti naman po at sumama kayo kay Papa pabalik. Akala ko hindi na kita makikita eh."

Hinalikan niya ito. "Pwede ba naman yun Baby Pretty, marami akong ikukwento sayo."

"Talaga po, Tita?"

"Kumusta ka naman Roxanne?"

"Ok lang po Mamita, kumusta po ang party ninyo? Sayang po at hindi ko nakita kung gaano kayo kaganda."

"Oo nga, sinabi sa akin ni Duncan ang nangyari sa Manila. May anak ka na pala, iha?"

Gusto man niyang magtapat kay Mamita ay 'di niya magawa. Kahit man lang sana sa matanda.

"Opo, Mamita."

"Nasaan ba ang ama nun? Naku, yang mga ganyan ka iresponsableng lalaki ay hindi na iniisip ha Roxanne. Si Duncan nga kahit na---

"Mamita" Pinutol ni Duncan ang anumang sasabihin ng lola niya.

"O siya, sige, umalis na kayo at ng makapagpahinga na si Roxanne. Ikaw Kate, magpakabait dun ha, wag pagpapatigas ng ulo."

"Opo Mamita." Humalik na ito sa matanda bago sila umalis.

Habang nasa sasakyan ay panay ang tanong ni Kate tungkol sa akala nito na anak ni Roxanne.

"Tita, mabait din po ba si Pot-Pot?"

"Oo naman Baby Pretty, kasing bait mo."

"Talaga po, sana Tita dinala mo siya para po makapaglaro kami, para may kalaro akong bago kapag andun ako sa bahay."

"Hindi pwde Baby eh."

"Magagalit po ang Papa niya?"

"Ha?"

Napasulyap si Duncan sa kanila. Kanina niya pa pinapakinggan ang dalawa. Talagang magkasundong-magkasundo ang mga ito.

"Wala na yung Papa ni Pot-Pot eh." Which was true.

"Ay ganun po ba, parang ako din po, wala din yun Mama ko. Naku, sabihin mop o kay Pot-Pot ok lang po yun Tita,sabi nga ni Mamita, makakahanap din daw po ng bagong Mama ko si Papa Duncan, 'di ba , Papa?"

Ang Promdi At Ang ProstiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon