TWENTY-FOUR

32.4K 786 31
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

TWENTY-Four

"Marry me Duncan."

"What the hell are you talking about, Hazel?"

"Gusto mong makuha si Kate hindi ba? Ayaw mong malayo siya sa 'yo? Then marry me. Pag mag-asawa na tayo hindi na kayo magkakahiwalay."

Tuluyan ng nabwisit si Duncan.

"Tingin mo ganun lang kadali yun ha?"

"Bakit naman hindi? You offered marriage to me five years ago, nung nalaman mo na buntis ako kay Peter, you had accepted me, ang tanga tanga ko lang talaga nun na 'di ko tinaggap Duncan, it took me fiv'e years to realize that I still love you."

"Marami ng nangyari sa limang taon, Hazel. Hindi na tulad dati, nagbabago ang lahat."

"Madaling ibalik yung dati Duncan, si Kate nandiyan, I know you will still love me. Magsasama tayo, parang masayang pamilya."

"I'm sorry Hazel."

"Sorry, tingin mo ganun lang din kadali yun ha Duncan? I don't believe na napalitan na ako sa puso mo. Is this because of that bitch ha?"

"Huwag mong idamay sa usapan si Roxanne."

"Siya lang yung nakikitang kong dahilan kaya ka nagkakaganyan."

"Hazel, go back to your room, huwag mo nang ipagpilitan ang sarili mo sa akin." Nagtitimping sabi ni Duncan, he was frank with her, kilala niya ito eh.

Nagdadabog na umalis si Hazel. "You will surely regret this, Duncan!"

Hindi niya naabutan si Hazel kinabukasan, kinatok ito ni Duncan sa kuwarto nito para mag-agahan pero wala ang babae.

"Roxanne, nakita mo ba si Hazel?"

Gustong sabihin ni Roxanne na hindi siya hanapan ng taong nawawala. Isa pa, hindi siya interesado kay Hazel para alamin kung nasaan ito.

"Duh, waley!"

"I didn't get it Roxanne."

"Wala Bossing, hindi naman kasi ako hanapan ng nawawalang enek neng epes."

Natawa si Duncan. Ginulo niya ang buhok ng dalaga. "Silly"

Biglang tumunog ang cellphone ni Roxanne.

"Si Mamita? Bossing, bakit kaya siya tumatawag?"

"Sagutin mo." Utos ng binata.

"Hello, Mamita, bakit po kayo umiiyak? Nandito po siya sa tabi ko."

Ibinigay niya ang telepono kay Duncan.

"What!"

Kinabahan si Roxanne. Oo naiinis at napipikon si Duncan sa kanya, pero ngayon pa lang niya ito nakitang ganun ka galit.

"I'll be there Mamita."

"What happened?"

"I'll be back Roxanne."

Naiwan siyang naguguluhan. May problema yata.

"What happened Mamita?" Nakita niyang umiiyak pa rin si Mamita kasa nito ang katiwala nila.

"Si Hazel, kinuha niya si Kate."

"What! Saan sila pumunta?"

"Hindi ko alam, iyak ng iyak si Kate, Duncan. Ayaw niyang sumama sa Mommy niya."

Ang Promdi At Ang ProstiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon