Valeen Monteverde's POV
"Bakit ka ba kasi bumalik? Alam kong maraming fans ang naghahanap sa'yo." Mahinahong sermon sakin ni Sam, katulad kong namamasukan din dito sa canteen.
"Mabuti na din siguro 'tong ginawa ko. Ayaw ko na kasing bumalik sa race life. Ngayon ko lang narealize na mapahamak." Dahilan ko habang nagpupunas ng lamesa.
"Ayaw na sa race life or ayaw mo nang makita si Papable Adonis?" Bull strike. In short, exactly. Ayoko na ngang makita si Adonis matapos kong marinig na pinagpustahan lang pala nila ako.
Masakit para sa'kin yun pero kailangan kong tiisin dahil hindi naman siya worth it. Pero inaamin ko, sobra ko na siyang minahal dahil sa pagmamahal na binibigay niya sa akin. Hindi ko nga lubos akalain na pinagpustahan pala ako dahil ramdam kong totoo yung pagmamahal niya pero mali ako.
Sobrang sakit para sa'kin dahil wala namang tao ang pinangarap na mahalin sila dahil sa isa lamang na pustahan.
"Bye, Sam." Pagpapaalam ko at kinuha na yung bag ko saka naglakad pauwi sa amin.
Nandito nga pala ako sa Batangas kung saan kami nakatira. Nagmula lang ako sa normal na pamilya at dahil sa pagsisikap, ito na ang bahay namin ngayon. Simple pero may dating.
Nung bata pa lang ako, passion ko na talaga yung racing dahil mahilig ako maglaro nun sa xbox ng pinsan ko. Pinangarap ko maging racer at hindi nagtagal, tinupad 'yun ng dyos.
Meron kaming piggery dito sa Batangas. Dahil dun, nakakadagdag income para saming pamilya. Sabi na sa inyo simple lang yung pamilya namin pero nagsisikap kami. Nag-iisa lang akong anak kaya hindi ako nahihirapan sa mga expenses.
Hindi na ako nagtatrabaho dahil may business na kami. Kay papa, piggery, kay mama, puro carving ng sari-saring furnitures na gawa sa mga maka-lumang bagay at ako naman, racer lang at stunt woman sa mga pelikula. Sapat na 'yun para sa akin no. At least may kinikita.
Lakad lang ako nang makarating sa bahay. Nakakapagtaka dahil tahimik yung bahay. Eh kasi palagi na lang sila nagkakantahang mag-asawa pero pagkapasok ko...
"A-adonis? Anong ginagawa mo d-dito?" Nakita kong kinakausap niya sila mama't papa.
"Valeen." Bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit. Namiss ko 'tong yakap niya pero kailangan ko na siyang kalimutan.
"Anak, hindi mo sinabi sa aming may nobyo ka na pala. Bakit mo siya iniwan sa Maynila?" Tanong ni Mama.
Kumalas siya ng yakap sa akin at saka ako nag bless kila Mama. "Ma, hindi ko siya boyfriend."
May pinakita siya sa aking pictures namin ni Adonis. Yung iba magka-halikan pa.
"Anak naman. Bakit hindi mo sinabi? Eh alam mo namang ikatutuwa naming malaman na totoong babae ka nga." Sabi naman ni Papa.
Oo, akala kasi nila tomboy ako dahil 23 years old na ako at hindi pa rin ako nagkaka boyfriend. Pero ayokong ipakilala sa kanila yung lalaking hindi naman deserving.
"Ma, Pa, excuse lang ha. Adonis, sumama ka sakin." Lumabas ako sa bahay para makipag-usap sa kanya.
"Valeen, sorry. Alam kong mali yung ginawa na---"
"I don't need your explanations, I just need you to come back where you belong." Sabi ko habang naka-crossed arms.
"Paano ako makakabalik sa pinanggalingan ko kung nilalayo mo ko sa puso mo?"
I rolled my eyes, "Adonis, kailan ka ba seseryoso? Ha? Lagi mo na lang akong sinasaktan. Pwede ba wag mo na 'kong guluhin dahil tahimik na yung buhay ko dito!"
"Edi dito na lang din ako titira. Please? What can I do for you to forgive my mistake? Valeen, please. Tell me."
"Hindi ako Diyos na palagi na lang magpapatawad. Sorry is not enough." Tumalikod na ako sa kanya pero...
"Then anong pwede kong gawin para mapatawad mo ako? Kahit ano gagawin ko. Valeen, mahal na mahal kita."
BINABASA MO ANG
Break Your Little Heart [ON-HOLD]
OverigAdonis, a famous Actor, was dared to let a hot girl racer fall in love to him and break her heart when she fell in loved. What if Adonis was the first who fell in love? But if his friends knew about it, the girl will be killed. Will their love wort...