1

70 4 1
                                    

SKYE POV

Noong bata ako isa sa mga imposibleng pangarap ang makahawak ng ulap.Ngunit kahit papaano ayos na ng makita ko sila ng malapitan ngayon.Mula sa bintana ng eroplano kita mo ang mga ulap,masarap sa pakiramdam kapag nakakakita ka ng mga ganitong tanawin.

Kahit papaano dahil sa tanawin naging masaya ako kahit saglit lang.Magulo pa rin sa isipan ko kung tama ba ang ginagawa ko.Oo nga't tama pero masaya nga ba ako.

Saglit na huminto ang isang Stewardess sa akin at nagalok ng mga pagkain at mga babasahin.Ngunit mas pinili ko ang Magazine,pero mali ata na mas pinili ko iyon.Pagtingin ko sa Cover nito tila nagflashback ang lahat ng nangyari.

><><

FLASHBACK 

Sumalubong sa akin ang napakaingay at magulong mga estudyante sa pagpasok ko sa Gymnasium. Buti na lang at nakasalpak sa akin ang Headphone dahil panigurado na kapag wala iyon sasabog na talaga ang tenga ko.

Umupo ako sa pinakamalapit na Bleacher sa akin,kahit papaano ang mga katabi ko ay maayos na kung tutuusin.Muli kung pinagmasdan ang mga magugulong estudyante na nakaupo sa Monoblock Chairs,di ko mawari kung talagang magSe-SeniorHigh na ang mga taong ito o nasa KinderGarden parin.

Nasa kalagitnaan na ng Orientation,kahit papaano ang mga estudyante ay tumahimik bukod sa may bulungan ka pa rin naririnig.Maayos na sana kung hindi lang dahil sa katabi kung natutulog.Marahan kung tinulak ang lalaki dahil ginagawa pa na namang unan ang balikat ko.Mayamaya lang muli ko nanamang naramdam ang mabango niyang Ulo.

Tssskk...Mabango?Talaga Skye..?Inamoy mo talaga!!!? Tssssk...

Yung buhok niya lang naman ang mabango.Tulo laway pa rin naman.At dahil lalaki nga at malakas bigla ko nanaman naramdaman ang Mabigat at Tulo Laway niyang Ulo.

At kung tatanungin niyo kung Gwapo..Pwesss!!!Hindi ko makita ang pagmumukha niya dahil nakasunglass ito at ang matangos at mapulang labi niya lang ang nakikita ko.

THE HEEELLL!!SKYEE!!!..REALLLLY!!!.

At dahil iritang irita na ako Tinulak ko siya ng malakas kaya't malapit na siyang mahulog sa Aisle.Ngunit muli ko siyang hinila babalik,Tanga man pero nakakakonsensiya parin dahil agaw atensyon iyon at may seremonyas pang nagaganap sa orientation na ito.

Tsssssskkkk!..Skyee!!!..Ano bang nangyayari sa iyo.?

Muli kung tinignan ang lalaki,at buti na lang gising siya.Oo nga't gising ni hindi manlang napansin na tulo laway siya.TSSSkkk Gwapo sana Tulo LAway naman..

"Staring is Rude" 

WHAAT!!?ANO PANG PINAGSASABI NG LALAKING TOH!!  

At dun lang nagsink in sa utak ko..Akala niya siguro na nagwagwapuhan ako sa kanya..Tsssk!!Well nagkakamali siya..sa bibig niya ako nakatingin. sa tulo laway niyang bibig.

"Alam mo sabihin mo lang kung gusto mong hawakan ang kamay ko,yun nga lang hindi ko ito pinapahawak sa iba.o kung gusto mo pwede naman kitang halikan.."Sabi niya kasabay ng pagtanggal niya sa Sunglass niya at tinignan ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.

Aba't ang Yabang ng lalaking ito!. 

Kung di ko siya hinawakan baka nga tuluyan na siyang nahulog sa hagdan na baba sa Bleachers at masira ang gwapo niyang mukha..SCRATTCHH!!THAT!!!Ang tulo laway na Ulo!!!

Kinuha ko ang kamay ko ng marahas, at tinitigan siya ng masama at ganun rin siya sa akin.

"Well your'e drooling,alam kung gwapo ako pero-"

"Well your the one who are Drooling over me,look .."at tinuro ko ang bibig niyang tulo laway at tumayo na ako at iniwan ang Gwapong Mabango na Mayabang at Tulo Laway na Lalaki.

Ngunit muli akong napahinto nag napagtanto ko kung ano ang nasa utak.

SSSKYEE!!WHHHAT ARE YOU THINKING!Tama!!!Mayabang at Tulo Laway na LAlaki..Tama!! muli nagpatuloy ako habang umiiling dahil sa mga pinagiisip ko kanina..

Buti na lang at tapos na ang Orientation at nakaalis na ako sa Tulo Laway na lalaki.

><><

It's been One or two weeks ata since nagsimula ang pasukan pero feeling ko parang isang taon na akong nagaaral.Pagdating ko sa Classroom namin muli ko nanaman nasalubong ang Tulo Laway na lalaki at nakangisi itong nakaharap sa akin.

"Well Good Morning"bati niya sa akin.

Di ko na lang siya pinansin, at umakto na parang walang narinig.At dahil nga nakasalpak ang Earphones ko akala niya siguro wala talaga akong naririnig ganun na rin mga kaklase ko na nagbubulungan.

"Npakayabang talaga..?"

"Sino pa siya para hwag pansinin si ..."

"Napakalandi talaga.."

Dumiretsyo ako sa upuan ko sa pinakalikuran sa tabi ng bintana.At sumunod ang Tulong LAway na ito sa harapan ko.Tinignan ko lang siya habang hinaharap ang kanyang upuan sa akin at umupo na may ngisi sa pagmumukha niya.

"Alam mo ba na kinakainisan ka ng mga kababaihan dito..?"

Muli di ko siya pinansin at linagay ko na lang ang bag ko sa ibabaw ng Mesa.At muling tumingin sa kanya..Hindi ba obvious na nakatingin sa atin ang lahat ng kaklase natin at mga babae ay may nakakamatay na tingin sa akin? NapakaStupid naman ng lalaking toh!

"Alam mo bang naasar sila dahil di mo ko pinapansin?"

Ano bang pinagsasabi nito..?Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya kaya bakit ko pa siya kakausapin?Oh wait I know him ..Ang Tulo Laway na lalaki..

Yup I know him..But he's not worth it para pansinin ko..ISTORBO!!

Nagunan na lang ako sa Bag ko at pinikit ko ang mga mata ko.At ang alam niya siguro di ko siya naririnig dahil nakasalpak ang Earphones ko,pero nagkakamali siya.Linagay ko lamang iyon para di na nila ako pansinin dahil nakakairita talaga.

Ngunit akala ko kapag ginawa ko ay lulubayan ako,hindi pala.Muli siyang nagsalita na siyang ikinagulat ko.

"Skye,Tulungan mo ko"sabi niya ngunit pabulong.Hindi ko pinahalata na nagulat ako ngunit naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.

"May mamamatay" sabi niya ng pabulong.Siguro pinagtri-tripan lang ako nito kaya pinagsawalang bahala ko lang ito.

Ngunit nagulat ako sa huli niyang sinabi...

"Alam ko ang sekreto mo.."





Skye in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon