Chapter 13

21.3K 844 137
                                    



Sky's POV

"Good morning Tita!" nagulat ako sa sigaw ni Racey. Gee nagiging magulatin na talaga ako.

"Good morning din Racey. Ang aga mo magising." sabay na kaming pumunta sa kusina.

"Nag-jogging po ako." sabi nya at uminom ng tubig. Ako naman ay kumuha ng aalmusahin ng tatlo.

"Tita nameet nyo na po si Tita LA?"

"Hindi pa nga eh. Hindi naman sinasabi ni Ar-ar kung ano ang fullname ni Wifey." nakita kong napangiti ng malapad si Racey.

"Wifey huh? Dapat baby kasi yun ang tawagan nyo." namula ako at umiwas ng tingin.

"Tulungan mo na lang magluto dito." sabi ko para makaiwas. Hindi na sya umimik pero narinig ko syang mahinang tumawa.

Nagsimula na kaming magluto ng almusal. Nagluto kami ng pancake, hotdog, egg at sopas para kay Maddison. Yun muna sa ngayon ang almusal namin. Habang niluluto ni Racey ang sopas, pinagtimpla ko ng chocomilk at gatas ang dalawa. Pagkatapos namin maghanda pinagising ko kay Racey si Ar-ar at ako naman kay Maddison.

Chineck ko kung may lagnat pa sya at mabuti naman dahil bumaba na ang lagnat nya pero baka mabinat 'to, hindi ko muna sya pinapasok.

"Hmm..Skylight good morning." nakangiting sabi nya at umupo.

"Good morning din. Kain na tayo? Hindi ka pa pala pwedeng pumasok ngayon baka mabinat ka." nag-pout sya.

"Okay." nginitian ko sya. Sabay na kaming lumabas at pumunta ng kusina. Nadatnan namin don yung dalawa na nag-aasaran.

"Wait, who is she?" tanong ni Maddison. Hindi nya nga pala nakilala si Racey dahil sa sakit nya.

"Sya si Racey, future daughter ni Ryle." 

"What? Seryoso? Paano sya napunta dito?" nakakitbitbalikat ako. Hindi ko din alam.

"Mommy si Racey oh!" panunumbong ni Ar-ar. Tinignan ko naman si Racey na tawa ng tawa. Hindi talaga ako magtataka na sila ang magkatuluyan sa huli. Dyan naman nagsisimula ang lahat 'di ba? Sa asaran.

"Kumain na lang tayo. Kayong dalawa ang aga aga ah."

"Sya po nanguna eh." sabi ni Ar-ar na nakapout. Ang cute talaga nito.

"Ayaw mong magising eh." tawa naman ni Racey. Nailing na lang ako sa dalawa.

"Naniniwala na ako na bully talaga si Ar-ar sa anak ni Ryle." bulong sakin ni Maddison. Nginitian ko sya at pinaghanda ng sopas.

"Para kayong mag-asawa." biglang sabi ni Racey. Nagkatingian kami ni Maddison at ngumisi sya.

"Mag-asawa daw." ngising sabi nya. Namula ako at hinampas sya sa braso.

"Magtigil ka nga." pero ang loko tinawanan lang ako, talagang wala na 'tong sakit.

"Pero hindi pwedeng maging sila." sabi ni Ar-ar at sumimangot.

"We know." sabi ni Maddison at tahimik na kumain. Nagtaka ako sa kinikilos nya pero hinahayaan ko na lang baka nilalagnat pa.

"Wala ka man lang preno." sabi ni Racey at kumain na din. Anong nangyayari sa mga 'to?

"Ar-ar hindi ka ba kakain?" tanong ko dahil hindi nya ginagalaw ang pagkain nya.

"Gusto mo ba subuan kita?" napatingin ako kay Maddison, may halong pag-aalala sa mukha nya. Napangiti ako dahil kahit na hindi nya anak si Ar-ar tinuturing nya pa din itong anak nya.

"Hindi ka po ba galit sakin?" tanong ni Ar-ar. Huh? Bakit naman magagalit si Maddison sa kanya?

"No, of course. Bakit naman ako magagalit? Naiintindihan ko naman 'yon eh." sabi ni Maddison.

Future SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon