Chapter 35

13.7K 525 35
                                    



Sky's POV

"Skylight!" nakangiting sinalubong ko si Maddison na nag-aabang sa gate. Lalapitan ko sana sya kaso hinawakan ni Rain ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya na nagtataka. Nagpout sya pero nawala rin at bumalik sa pagiging poker face. Natawa ako ng mahina at bumaling kay Maddison na nagtatakang nakatingin sa kamay namin.

"Kamusta bakasyon?" biglang lumawak ang ngiti nya. Mukhang may nangyaring maganda ah.

"Kami na ni Ryle!" wow sila na? Masaya ako para sa kanila at sigurado pati si Racey dahil ngayon nagkatuluyan yung dalawa na kung mag-away parang aso't pusa. "Pero napilitan lang sya." natatawang sabi nya.

"Napilitan? anong ginawa mo?" napakamot sya ng ulo at umiwas ng tingin. "Maddison, masaya ako na kayo na pero anong ginawa mo? Ikaw ah baka naman kung anong ginawa mo sa bestfriend ko ah."

"Sinabi ko na kapag hindi nya ako sasagutin ibibigay ko kay nerd lahat ng pictures nya na meron ako at mga gamit nya. Dahil sa takot nya sa nerd sinagot nya ako hehe." nailing ako sa kalokohan nya.

"Parehas kayo ni Rain." tumingin ako kay Rain. Nakatingin lang sya sa kamay namin na pinaglalaruan nya.

"So kayo na?" tumango ako. "Teka napilitan ka lang din?"

"Oo pero balak ko naman talaga syang sagutin pero hindi sa mismong araw na kinulit nya ako." at naalala ko na naman yung araw na 'yon. Kung hindi ko 'yon ginawa baka hindi nya ako kausapin.

"Dapat hindi mo yan sinagot." napatigil sa paglaro ni Rain sa mga kamay namin at tumingin kay Maddison.

"I'll punch your face." hinigpitan ko ang pagkahawak sa kamay nya at pinanlakihan sya ng mata. Grabe naman 'tong si Rain.

"Under." ngisi.ng sabi ni Maddison.

"Gusto mo talagang masaktan ano?" hinila na ako ni Rain papasok ng school at nakasunod naman samin si Maddison. Ang aga-aga ang init agad ng ulo nito ni Rain.

"Iunder mo yan si Levinson na walang masaktan nyan." hirit pa ni Maddison.

"Stop it Maddison mamaya magkapikunan kayo." sabi ko, nakitbitbalikat lang sya pero nakangiting nang-asar.

"Langit!/Sky!" kaming tatlo ay napatingin sa tatlong taong tumawag sakin.

"Sky!" nagulat ako sa pagkayakap sakin ni Jin kaya napabitaw ako kay Rain. "I miss you." bulong nya. Napangiti ako.

"Okay okay tama na yan. Kailangan nakayakap?" inilayo ako ni Maddison kay Jin. "May masasapak si Levinson." bulong nya. Napatingin ako kay Rain na nakatingin kay Jin pero walang emosyon. Mukhang hindi naman.

"Bawal na bang yakapin ang bestfriend ko?" tanong ni Jin.

"Kung bestfriend ba ang tingin mo." sabi ni Lucas. Lumapit sya sakin at pinitik ang noo ko.

"Masakit." sabi ko at nagpout pero napangiti din ako.

"Namiss kita." nagulat ako ng halikan nya ako sa noo. Hinila ulit ako ni Maddison palayo kay Lucas.

"Ikaw naman, kailangan hinahalikan sa noo? Gusto mo atang masaktan eh." sabi nya kay Lucas tapos tumingin kay LA. "Wag ka ng magbalak pang lapitan si Skylight kung ayaw mong masaktan." nalungkot ang mukha ni LA kaya natawa ako.

"Bakit ba? Kung umasta ka parang girlfriend ka ni Sky." sabi ni Jin. Natawa naman si Maddison.

"Hindi nga pero yung babaeng nasa likod nyo oo." at lahat sila napatingin kay Rain.

"Kayo na?" tanong ni Lucas. Namumulang tumango ako.

"Seryoso?" tanong ni Jin. Pansin ko sa boses nya ang pagka-excite.

Future SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon