Chapter 18

16.7K 721 117
                                    


Sky's POV

"Sky! Wait!" tumigil ako sa paglalakad at lumingon kay Lucas. Hinintay ko syang makalapit sakin.

"Lucas anong nangyari sa mukha mo?" medyo putok ang labi nya at may mga pasa sya sa mukha.

"Umm..." napakamot sya sa batok nya, don palang alam ko na na nagdadalawang isip syang sabihin sakin. Kilala ko si Lucas bawat kilos nya ay alam ko.

"Lucas wag kang mag-isip na magsinungaling. Napaano yang mukha mo? Sino may gawa nyan?" tanong ko pero nginitian nya pa ako. "Hoy wag mo akong nginingiti dyan. Sino may gawa nyan?"

"Namiss ko ang pagiging overprotective mo sakin." napatigil ako nung ma-realize ko. Tinignan ko sya na may ngiting malapad sa mga labi. Siguro nasanay lang ako kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Wag mo akong idaan sa ganyan. Sino may gawa nyan?" napakamot sya ng ulo nya. Akala nya makakaligtas sya sakin ah.

"Si King." si King? Bakit? "Kinausap ko sila at in-explain ang lahat. Ayun nakatanggap ako ng suntok kay King. Grabe ang lakas nyang sumuntok, taob agad ako sa isang suntok lang." sabi nya na nakangiwi.

"Ikaw ba naman kasi eh." naaawa ako sa kanya dahil parang maiyak iyak na sya habang hawak ang panga nya pero nakakatawa sya dahil para syang bata.

"Pauwi ka na ba? Hatid na kita" tumango na lang ako sa kanya at naglakad kami palabas ng FU.

"Umm...Sky pwede ka ba sa sabado?" nakita ko ang pamumula ng tainga ni Lucas habang sinasabi yon. Nahihiya sya?

"Wala akong gagawin non so pwede. Bakit?"

"Yaya-"

"Langit!" nilingon ko si LA na tumawag sakin. Katulad ni Lucas hinintay ko syang makalapit.

"LA, bakit?" tanong ko nung makalapit sya. Napatingin sya kay Leo na bitbit ko pa rin.

"Hatid na kita sa inyo? Baka mahirapan ka kay teddy bear." sabi nya at kinuha si Leo. Napatingin naman ako kay Lucas.

"Ah kasi..."

"Pre may maghahatid na sa kanya, so back off." seryosong sabi ni Lucas.

"Sino ikaw Lucas? So ikaw ang karibal ko huh?"

"Oo bakit? Natatakot ka na?"

"Nagpapatawa ka ba? Bakit naman ako matatakot sayo? 'Di ba dapat ikaw ang matakot dahil mas lamang ako sayo?"

"Lamang? Sige matalino ka nga pero mas gwapo ako sayo at minahal ako ni Sky."

"Narinig ko na ex mo nga si langit pero 'di ba may Arlene ka na?"

Mukhang hindi ko ata gusto 'tong nangyayari ah.

"Walang kami ni Arlene at kahit kailan hindi ko sya minahal dahil sa pesteng business na yan kailangan kong pakisamahan ang taong 'yon."

"Pero mas pinili mo sya kaysa kay langit." hinawakan ko ang kamay ni LA.

"LA tama na." pinopersonal nya ang nangyayari. Napatingin ako kay Lucas.

"Oo pinili ko nga si Arlene at isang malaking pagkakamali ang ginawa kong 'yon. Ngayon na tama na ang lahat gagawin ko ang lahat maibalik sakin si Sky. So please? Nauna akong mag-aya sa kanya na ihatid sya kaya mauuna na kami." akmang kukunin na ni Lucas si Leo kay LA nang inilayo ni LA.

"Wala sa una 'yan. Ako ang nagbigay nito sa kanya so ako ang maghahatid sa kanya."

"Ang babaw ng dahilan mo LA, nauna ako kaya ako ang maghahatid sa kanya."

Future SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon