Chapter 15

21.3K 869 108
                                    



Sky's POV

"Hindi pa din tumitila ang ulan." sambit ko. Nandito pa din ako sa unit ni Rain hanggang ngayon kasi ay bumabagyo pa din. Maggagabi na nga eh. Namimiss ko na si Ar-ar.

"Mommy!" napangiti ako nang halikan ako ni Archie sa pisngi.

"Tapos na work out nyo?" pinunasan ko pawis nya dahil pawis na pawis sya. Nasa gym room kasing silang dalawa kanina, everyday daw sila nagwo-work out.

"Yup! Pero si Mom nasa gym room pa. Mommy ano ulam? Nagugutom na ako."

"Maligo ka muna baka matuyuan ka ng pawis. Magluluto na ako ng adobong atay." pagkasabi ko non ay napahiyaw sya. Paborito kasi nila ang adobong atay.

"Sige Mommy maliligo na ako." dali daling umakyat ng kwarto nya si Archie.

Nailing at pumunta ako sa gym room. Nakita ko si Rain na tinutorture ang punching bag. She's wearing a sports bra and cycling short. Damn ang hot nya idagdag mo pa na pawis na pawis sya.

"Rain kanina ka pa dito ah wala ka bang balak magpahinga?" tanong ko sa kanya. Lumingon sya sakin at nag-pout. Eh?

"Wala ka talagang kasweet sa katawan 'no?"

"Huh?" Ano bang problema nito?

"I'm your future wife right?" alanganing tumango ako. Hindi ko pa kasi nasi-sink in sa utak ko na sya si Wifey. Masaya akong makita si Archie pero hindi sa hindi ako masaya na nakilala ko na si Wifey which is si Rain hindi lang ako makapaniwala na si Rain pala ang mapapangasawa ko. I don't know why. Ang gulo ko 'no? Ako din naguguluhan sa sarili ko eh.

"Pawisan ako oh hindi mo lang ba ako pupunasan." sabi nya na naka-pout. Bigla akong namula na maisip na pupunasan ko ang...ang sexy nyang katawan. Sa isip ko palang tila ako hihimatayin eh.

"Ka-kaya mo naman laki mo na eh. Umakyat ka na at maligo, magluluto na ako ng ulam natin." sabi ko at iniwan sya don. Gee!

Pumunta na ako sa kusina at nagsimula ng magluto. Maya-maya ay tinulungan ako ni Archie sa pagluto. Habang nagluluto kami nagkwentuhan kami tungkol sa panahon nya at syempre ang asaran nila ni Racey. Madami syang sinumbong sakin sa pagbubully sa kanya ni Racey. Sa kanilang tatlo nila Caiden, Kishin at sya ay sya daw ang laging binubully, sumunod sa kanya si Caiden. Kishin naman daw hindi mabully ni Racey dahil masungit si Kishin parang si Rain daw kaya waepek.

"Nga pala may girlfriend ka daw huh?" tanong ko sa kanya. Bigla naman namula si Archie. Ang cute nya.

"Syempre naman Mommy sa gwapo kong 'to walang girlfriend?" Ang hangin lang. Biro lang, gwapo syempre anak ko, may pinagmanahan eh.

"Alam ba ng girlfriend mong nandito ka? For sure mamimiss ka non."

"Alam po at tsaka kung hindi ko magagawa ang mission ko dito baka hindi sya magkaboyfriend na katulad ko."

"Oo nga pala. Ano bang nangyari at napunta kayo dito ni Ar-ar?" hindi ko pinansin ang huli nyang sinabi.

"May isang tao po kasi sa panahon namin na pumunta dito at yung taong yon ay patay na patay sayo Mommy kaya nandito ako para pigilan sya sa pagbago ng future. Natatakot si Mom na baka hindi kayo ang magkatuluyan dahil minsan mo daw minahal ang taong yon. Nag-break pa nga kayo dahil sa taong 'yon pero dahil mahal ka ni Mom gumawa sya ng paraan bumalik ka lang sa kanya."

Hindi ko maiwasan hindi mapangiti.

"Syempre gusto ko rin naman mabuhay kaya nagpresita ako na ako ang magbabalik sa taong 'yon. Hindi ko hahayaan na kayo ang magkatuluyan Mommy ng taong 'yon. Si Mom ang the best wife and the best Mom in the whole world kaya gagawin ko ang lahat maibalik ang taong 'yon sa panahon namin." ngumiti ako at niyakap sya.

Future SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon