Dear Ex- Boyfriend,Hindi ko makakalimutan yung araw na nakipag hiwalay ka sa akin. Yung araw na tuluyan mo na akong iniwan. Ang saklap kasi di manlang tayo nakapag usap ng personal.
Sabi mo, pagod ka na. Sabi mo wala nang patutunguhan yung relasyon natin. Sabi mo ayaw mo nang patagalin pa kasi ayaw mo akong masaktan. Hindi ko alam kung gaano ako katanga noong araw na yon dahil hindi ko manlang nagawang ipaglaban yung relasyon natin.
Pinalaya kita. Binigay ko sayo yung gusto mo. Ganon kasi kita kamahal e. Totoo nga yung sabi nila, Kapag mahal mo magagawa mong isakripisyo yung kaligayahan mo.
Halos mawala ako sa sarili ko noon. Iyak ako ng iyak. Ang pinaka gusto ko lang gawin ay matulog. Kasi doon nawawala yung sakit ng nararamdaman ko. At sa tuwing gigising naman ako eh iiyak ulit ako. Hindi ko alam pero hindi ko talaga kayang pigilan yon. Ultimo sa pagligo ko umiiyak ako. Halos isang buwan rin ata akong ganoon. Sobrang hina ko noong mga araw na yon.
Eh ikaw? Anong ginawa mo noong mga panahon na iyon? Umiyak ka rin ba kahit isang beses lang? hindi ka ba nakaramdam ng lungkot kahit konti lang? kahit kailan ba hindi ka nanghinayang sa atin?
Love, A.