Dear Ex-Boyfriend,Uy! kahapon christmas party natin tss nakakairita ka. Alam mo bang di ako makakain ng ayos dahil lagi kitang nahuhuling nakatingin sa akin? hindi ko na nga inubos yung pagkain ko. Nakakailang ka kasi tuwing susubo ako nakatingin ka
Kinuwento ko 'yun sa kaibigan ko. Sabi niya feeling daw niya may nararamdaman ka pa para sa akin. Tumawa lang ako at umiling. Sabi ko imposible. Ayoko nang umasa.
Tas last time nabanggit ng kaibigan ko sayo na malapit na birthday ko, tinanong ka rin niya kung naaalala mo pa nung niregaluhan mo ako. Sabi mo naalala mo pa tas tumawa ka non. Iba yung tawa mo e, parang may something. Hindi ko alam kung dahil ba sa kinikilig ka o naaalala mo lang talaga yung katangahan mo noon para gawin yun.
Love. A.
