Entry 1

192 6 0
                                    

Dear Ex-Boyfriend,

           Hi! Kamusta? Ano kayang ginagawa mo? Dati kasi alam ko lahat ng ginagawa mo, alam ko kung nasaan ka, kung sinong kasama mo, kung anong gagawin mo, kung kumakain ka ba o natutulog o kung ano man.

          Kung alam mo lang kung gaano ko namimiss yon at kung gaano kita namimiss. Eh, ako? namimiss mo kaya ako? Dumadaan ba ako sa isipan mo kahit isang beses lang sa isang araw? Ako kasi, Oo. Hindi lang isang beses kundi lagi. Ikaw lang ang laging naiisip ko. Pag gising ko hanggang sa pagtulog. Kahit sa mga simpleng bagay ikaw ang naaalala ko.


          Bakit ganon? Ang daya no? kasi ang hirap mong kalimutan. Ilang buwan na bang wala tayo? Anim? Pito? nakakatawa no? kasi di ako maka move-on.


          Para kong tanga na hanggang ngayon umaasa padin kahit alam kong hindi na mababalik sa dati ang kung ano man ang meron tayo noon.


          Masaya ka na. Alam ko 'yun. Nakikita ko yun sayo araw araw. Nakikita ko sa ngiti mo, sa mga mata mo, sa mga kilos mo.


          Ayun din siguro ang dahilan kung bakit di kita makalimutan. Kasi araw araw kita nakikita, nakakasalamuha, nakakasama. Kaklase kasi kita e!

Sana makalimutan na kita.

Love, A.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon