Dear Ex-Boyfriend,Hi! Kanina kinakanta niyo ng kaibigan mo yung On bended knees. Damang dama ko talaga yung lyrics nung kanta lalo na doon sa Can we go back to the days are love was strong. Ako kasi gusto kong mangyari yon.
Gusto kong bumalik tayo sa dati kung saan matatag pa tayo. Yung mga panahon na masaya tayo sa isa't isa, nagmamahalan. Laging magkasama, nag dadamayan, nag aasaran, nag sisisihan.
Ang saya saya natin noon. Ano nga bang nangyari sa atin? Bakit tayo naging ganito?
Love, A.
