4
"Kung gusto mo itapon mo na lang" pakiramdam ni Jimin ay nabingi sya sa narinig. Paano nasasabi ng lalaki sa harapan nya ang mga bagay na iyon? Na para bang isang bagay lamang ang gusto nyang ipatapon?
"Anong sinasabi mong itatapon?" tanong ni Jimin, halata sa mukha nya ang pagkalito dahil sa inaasal at sinasabi ng kaibigan.
"Yung bata, kung gusto mo ipaampon mo na lang o kaya itapon mo. Total wala namang mag-aalaga sa kanya" napatulala na lamang si Jimin kay Jungkook.
Ang buong akala nya kaya ito tumawag kanina ay dahil nasangkot na naman ito sa isang riot at naospital sya yun pala ay nanganak yung babaeng hindi nya alam kung girlfriend ba ni Jungkook o pampalipas oras lang.
"Paano mo nasasabi ang mga bagay na yan Jungkook?" nagkasalubong ang tingin nilang dalawa at pakiramdam ni Jimin ay hindi na nya kilala si Jungkook. Hindi na si Jungkook yung lalaking nasa harapan nya ngayon.
Ibang-iba na ang itsura nito simula nung huli silang nagkita. Mula sa pananamit at sa itsura nito. May ilang pasa sa mukha nya at malalim ang mga mata. Pumayat rin sya ng sobra.
Bumuntong-hininga si Jungkook at inayos yung buhok nya at muling ibinalik yung cap na sout nya dahil baka makilala sya ng mga awtoridad.
"Hyung at sinong mag-aalaga ng batang yan ha ako? Ni hindi ko nga mapakain yung sarili ko tapos magdadagdag pa ako ng isa pang palamunin!" pabulong pero halata sa binata ang inis. Samantalang hindi naman alam ni Jimin ang gagawin. Naawa sya sa bata, ayaw nyang itapon ito.
"Pero anak mo sya Jungkook!" asik ni Jimin.
"Hyung naman! Ni hindi ko nga gustong mabuo yang batang yan eh!" matapos nyang marinig ang mga salitang iyon ay nagdilim ang paningin ni Jimin at nasuntok nya si Jungkook na naging dahilan ng pagbagsak nito.
Natauhan naman sya sa nagawa at tinulungan si Jungkook na tumayo pero pabalya nitong inalis ang mga kamay ni Jimin nakahawak sa braso nya at naglakad palabas.
Gusto sanang sundan ni Jimin si Jungkook pero hinarang na sya ng nurse.