1
Sa pangsampung pagkakataon sa araw na iyon ay napabuntong hininga na lamang si Jimin. Kasalukuyan syang naka-upo sa isa sa mga stool ng cafe ng kaibigan nya simula pa pagkabata na si Taehyung. Naka-ilang kape na rin sya dahil kanina pa sya naghihintay pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang hinihintay nya. Mahigit tatlong buwan na rin simula nung huli silang nagkita kaya hindi nya maiwasang hindi mag-alala sa tuwing naalala nya ang kaibigan.
"Hanggang ngayon hinihintay mo pa rin sya?" tanong ni Taehyung habang nagpupunas ng counter kaya napa-angat ng tingin si Jimin. "Hindi ka ba nagsasawa eh ilang buwan na simula nung huli kayong ah" dagdag pa nito.
"Darating sya Taehyung, alam kong darating sya" sagot ng binata, napatigil naman si Taehyung sa ginagawa nya at napatingin sa kaibigan. Nakakaramdam sya nang awa para sa kaibigan, kahit gusto nya itong patigilin na sa paghihintay sa taong hinihintay nito ay hindi nya magawa dahil alam nyang ito lamang ang kasiyahan ng kaibigan.
"Noong nakaraan sinabi mo na yan pero dumating ba sya? Sana naman bigyan mo ng panahon yung sarili mo" hindi na sumagot si Jimin sa halip ay inilabas nito ang wallet nya at kumuha ng pera at ipinatong ito sa lamesa. Tumayo sya at inayos yung suot nyang coat.
Lumabas sya ng lugar na yon at nagsimulang maglakad pauwi. Habang naglalakad ay hindi pa rin nya maiwasang isipin kung ayos lang ba si Jungkook. Kung ok lang ba ito, nakakakain ba ito ng maayos o nakakatulog sa maayos na tulugan.
Maraming nagsasabing nakakulong si Jungkook ngayon, meron ding nagsabi na patay na ito pero wala sa mga iyon ang pinaniniwalaan ni Jimin. Isang rebelde si Jungkook, marami na syang nakasangkutan na kung ano-anong kaso pero para kay Jimin hindi isang rebelde si Jungkook, para sa kanya si Jungkook ay isang tao na kulang sa pagmamahal at pagkalinga ng tunay na pamilya.
Sa kaka-isip nya tungkol kay Jungkook ay hindi nya namalayan na nasan tapat na pala sya ng bahay nya. Ayaw na ayaw ni Jimin na umuuwi, dahil kapag umuwi na sya ay magsisimula na naman syang mabingi.
Mabingi dahil sa katahimikan at kalungkutan ng bahay nya.