9

706 58 6
                                    

9

Ayaw na ayaw na umuuwi ni Jimin sa kanyang bahay dahil sa tuwing nasa bahay na sya ay nabibingi lamang sya sa katahimikan at kalungkutan nito. Ngunit ng dumating si Sarang sa buhay nya ay nagkaroon na ng ingay at saya ang dating malungkot at tahimik nyang tahanan.

Pagpasok nya ng bahay ay nakita nya si Jungkook na naka-upo sa sofa at nakatingin lang kaya Sarang na naglalaro ngayon.

Nahulog yung nilalarong building block ni Sarang at gumulong ito malapit kay Jungkook. Nung una ay nagdadalawang-isip pa si Jungkook kung aabutin nya ba ito at iaabot sa anak pero sa huli ay pinulot nya ito at inabot rin kay Sarang. Lihim na napangiti si Jimin sa nakita. Hindi nya alam kung bakit pero may humahaplos sa puso nya dahil sa nakita.

"Hyung nandito ka na pala" sabi ni Jungkook sa kanya ng makita sya nito. Naglakad sya papalapit kay Sarang at kinapa ang likod nito.

"Jungkook paki patay naman yung electric fan" utos nya sa nakababata at agad naman itong sumunod. Pumunta si Jimin sa ilang pirasong damit ng bata sa may gilid at kumuha ng isa.

"Sarang" tawag nya sa bata na naglalaro pa rin hanggang ngayon. Tumingin ito sa kanya at sinenyasan nya itong lumapit.

"Magpapalit ka ng damit kay Jungkook Oppa mo" utos nya dito sabay bigay nung damit na kinuha nya.

Napatingin kay Jimin si Jungkook dahil sa sinabi nito. "Hyung" tawag nya dito pero hindi sya nito pinansin. Sunod na lamang na nakita ni Jungkook ay nasa harapan na nya si Sarang at inaabot sa kanya ang damit na hawak nito.

"Hyung hindi ako maruno--" hindi na natapos yung ssasabihin ni Jungkook dahil nilampasan na sya ng nakakatanda.

"Kaya mo yan" payo nito sa kanya bago tuluyang pumasok sa kusina para maghanda ng hapunan.

"Ang gandang bata" narinig ni Jimin ang sinabi ni Jungkook tungkol sa anak nito. Tumabi sya rito pero mukhang hindi dama ni Jungkook ang presensya nya dahil nakatingin pa rin ito sa nahihimbing na si Sarang.

"Syempre mana sa Tatay eh" sagot naman nya. Tumingin si Jungkook sa kanya at sinuntok sya ng mahina.

"Si Hyung talaga" parang nahihiyang sabi nito. "Ano? Akala mo ikaw yung tatay na sinasabi ko? Ako kaya" kunwari seryosong sabi ni Jimin at pareho silang natawa.

"Salamat hyung, salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin at para kay Sarang" hingi ng pasasalamat ni Jungkook.

"Wala yun" sagot naman ni Jimin.

Naghari ang katahimikan sa dalawa at sobrang saya ni Jimin ngayon. Maya-maya ay may tumawag kay Jungkook sa telepono kaya lumayo ito kay Jimin.

Matapos ang ilang minuto ay hindi pa rin nabalik si Jungkook kaya napagpasyahan ni Jimin na bumaba.

Malamig na hangin na galing sa bukas na pinto ang sumalubong kay Jimin pagkababa nya.

His Worth (#JiKook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon