8
"Sarang!" tawag ni Jimin kay Sarang na kasalukuyang natakbo papalyo sa kanya. Hindi nya ito mahabol ng maayos dahil ang dami nyang dala mga pinamili.
Sunod na lamang na nakita ni Jimin na tumumba si Sarang, lalapitan na sana nya ang bata ng may tumulong dito para tumayo at huwag itong umiyak.
Inangat nung lalaking tumulong kay Sarang ang kanyang tingin at nagkasalubong sila ni Jimin.
"Yoongi" ilang taon na rin simula ng lumipat ito sa Seoul at wala na syang balita tungkol dito.
"Oh Jimin! Ikaw pala yan. Anak mo?" tanong nito. Hindi siya nasagot ni Jimin, nakatitig lamang ito sa kanya. Parang may kumukurot sa dibdib ni Jimin ngayon.
"Appa!" tawag sa kanya ni Sarang kaya nakabalik siya sa realidad. Ibinaba niya ang ilang plastic na hawak nya at kinuha si Sarang mula kay Yoongi.
"Salamat, salamat sa pagtulong kay Sarang" pagpapasalamat nya at saka hinila paalis si Sarang pero hindi pa sila nakakalayo ay humarang si Yoongi aa daraananan nila.
"Teka, hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa akin?" tanong nito. Tumingin si Jimin sa mga mata nito at "May mga bagay na hindi madaling kalimutan, Yoongi. Lalo na kung nagdulot iyon ng sakit"
Pinagsama-sama ni Jimin yung mga pinamili nila at binuhat si Sarang saka nilampasan si Yoongi. "Hindi ko naman sinasadya yung nangyari, Jimin. Hindi ko gustong mangyari yon" mahina ang pagkakasabi ni Yoongi ng ng salitang iyon pero narinig ni Jimin kaya napatigil din sya sa paglalakad. Kinalma nya ang sarili nya at saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Sa tingin mo gusto ko talagang makipag-kaibigan sayo? Gumising ka nga! Kahit kailan hinding-hindi ko gugustuhin na maging kaibigan ang isang tulad mo Jimin, tandaan mo yan"
"Appa! Antok Sarang" biglang sulpot ni Sarang sa harap ni Jimin na kasalukuyang malalim ang iniisip dahil sa pagpapakita ni Yoongi kanina. Hindi nya makakalimutan ang ginawang panloloko sa kanya ng dating kaibigan. Mali, hindi nga pala sya tinuring na kaibigan ni Yoongi noon. Isang malaking pustahan ang lahat.
Tinignan ni Jimin si Sarang na nakakalakad at nakakapagsalita na ngayon. "Ang laki mo na Sarang"
Tumayo si Jimin at binuhat si Sarang saka ito inihele. Ng makatulog na si Sarang ay dinala nya ito sa kwarto nito at saka muling bumaba para magsarado ng mga pinto at bintana.
Isasarado na sana ni Jimin ang huling bintana ng may maaninag syang pamilyar na pigura sa labas ng bahay nya.
Lumabas siya at binuksan yung maliit nyang gate.
"Hyung"