Hindi sapat ang salitang mahal kita para hindi ka niya iwan. Hindi dahil mahal ka niya habang buhay na kayong magkasama. Madalas ang salitang mahal kita ang siya ring mga salitang dudurog sa buo mong pagkatao. Tandaan mo hindi sapat ang katagang mahal kita para maging masaya.
Mahal kita... ang daling sabihin, ang hirap panindigan pero ibahin niyo si RJ. Magmula nung sinabi niya ang mga katagan iyan kay Meng walang araw ang lumipas na hindi niya ito napaninindigan. Minsan nga napapaisip na lang si Meng kung totoo ba talaga lahat ng nangyayari, napaka-impossible naman kasi nung mga bagay na ginagawa ni RJ para sa kanya. San ka pa ba makakita ng lalaki na matapos maging kayo hindi pa rin nagsasawang ligawan ka, yung lalaking literal na gagawin lahat para sayo, yung lalaking aalagaan at ipagtatanggol ka, yung lalaking papatunayan ang salitang 'mahal kita'. Masaya naman sila, kung tutuusin sobrang saya pa nga kaya lang yung tatlong taon nilang relasyon parang wala nang patutunguhan. Hindi dahil sa nagbago siya o dahil sa nag-iba na si RJ kundi pakiramdam ni Meng yung relasyon nila ang nagiging hadlang sa pagtupad ni RJ sa matagal na niyang pangarap - ang maging sikat na artista. Mahal na mahal ni Meng si RJ at alam niyang ganoon din ang binata sa kanya, hindi man nito sabihin pero nararamdaman niyang nahihirapan na rin si RJ sa sitwasyon nila at alam niya ring hindi siya isusuko ni RJ kahit anong mangyari kaya si Meng ang gumawa ng paraan para matupad ni RJ ang mga pangarap niya. Iniwan niya si RJ, iniwan niya yung lalaking pinakamamahal niya, iniwan niya yun taong walang ibang ginawa kundi iparamdam sa kanya kung gaano siya kaespesyal, iniwan niya yung binatang pinangakuan niya ng pag-ibig na walang hanggan, iniwan niya yung taong ilang beses niyang sinabihan ng salitang 'mahal kita'
Dalawang taon na ang nakalipas pero yung sakit ng pag-iwan ni Meng kay RJ hindi pa rin nagbabago. Animo'y kahapon lang nangyari ang lahat. Yung pagluhod niya at pagmamakaawa sa dalagang gusto niyang makasama habang buhay na wag siyang iwan. Yung pauulit niyang pagsusumamo na sabihin nito ang salitang 'mahal kita'. Yung mga hikbi at higpit ng yakap ni Meng na taliwas sa sinasabi niyang 'hindi na kita mahal'. Lahat nang iyong ay tila ba kahapon lang nangyari kung si RJ ang tatanungin mo. Oo, sa loob ng dalawang taon maraming nangyari, maraming nagbago pero yung magmamahal niya sa dalaga ay hindi lumipas. Umaasa pa rin si RJ na isang umaga, magmulat niya nandyan si Meng nakangiti sa kanya katulad ng dati. Umaasa pa rin siya na pag-uwi niya sa Laguna, nandoon si Meng para ayain siya kumain ng isaw tulad ng nakasanayan. Umaasa siya na bigla siyang susulpot at papagalitan siya dahil nakalimutan niya inumin yung vitamins niya. Umaasa pa rin siya na magkikita sila ulit at muli niyang maririnig sa mga labi nito ang salitang 'mahal kita'.
24 na buwan at walang araw na hindi niya naisip si RJ, kung kamusta na ba 'to? napatawad na kaya siya ng binata, masaya ba siya kasi natupad na yung pangarap niya, kung mahal pa ba siya ni RJ. Maraming araw na ang lumipas pero nakokonsensya pa rin si Meng tuwing maaalala niya yung pagmamakaawa ni RJ sa kanya. Nung mga panahong yung gustong-gusto na niya bawiin lahat ng masasakit na sinabi niya pero hindi niya ginawa kasi alam niya na makakamit lang ni RJ yung pangarap niya kung hindi sila magkasama. Para siyang pinapatay habang tinitigan ang lalaking mahal niya na umiiyak at nagsusumamong wag niyang iwan. Yung pagsabi niya sa kanya ng mga katagang 'hindi na kita mahal' parang pagsaksak sa sarili niya ng milyong-milyong beses. Yung hirap, yung sakit, yung sakripisyo lahat yun napapawi sa tuwing makikita niya si RJ sa TV, sa dyaryo, sa magazine o sa kung ano-ano pa. Oo, parang kinukurot yung puso niya sa tuwing makikita niya ang binata pero sa kabila nun masaya siya kasi natupad ng lalaking pinakamamahal niya ang pangarap nitong maging sikat na artista. Kahit nasa New York si Meng buong-buo ang suporta niya kay RJ, number one fan ika nga. Sobra siyang nagpapasalamat na hindi nauwi sa wala ang lahat ng sakit na nadama niya at naidulot niya kay RJ pero kahit ganoon nagdadasal pa rin siya na sana pagnagkaroon na siya ng lakas ng loob para magpakita at humingi ng tawad. Sana pareho pa rin sila ng nararamdaman para masabi niya ulit sa kanya ang salitang 'mahal kita'.