♡ Chapter 1 ♡

404 13 1
                                    

Noong unang panahon . . .
May isang Prinsesang Makulit sa isang malaking Palasyo na nagngangalang Janessa.

Si Prinsesa Janessa .

Si Prinsesa Janessa ay ang bunsong Anak ng Mahal na Reyna Laura at Haring Roberto

Ang panganay na anak ng Hari at Reyna ay si Prinsesa Kathleen .

Magkaibang-magkaiba silang dalawang magkapatid, Si Prinsesa Kathleen na panganay ay isang mabuting bata, masunurin, masipag at mahinhin na babae.

Habang si Prinsesa Janessa ...

Ay isang makulit na prinsesa, masayahin at lahat ng gusto nya ay kailangan nyang makuha.

Kahit na hindi ito pwedeng humawak ng Espada.

Kahit na hindi ito pwedeng makipaglaban.

Kahit na hindi ito pwedeng sumakay ng kabayo.


Lahat ng yun ay hindi nya sinusunod. Dahil lahat ng yun ay kanyang kagustuhan.


"MAHAL NA PRINSESA BUMALIK PO KAYO RITOOOOOO!" Sigaw ng isang alipin kay Prinsesa Janessa, Habang si prinsesa Janessa ay sumuway na naman. Nakasakay ito sa isang kabayo at dali-dali nyang pinatakbo ito.


Nag-aalalang tumakbo ang Alipin sa Silid ng Hari't Reyna.


"Mahal na Hari! Mahal na Reyna!" Panik na sigaw ng alipin habang lumuluhod luhod pa ito sa harapan nila.


"Bakit na naman Protania? May nangyari na naman ba?" Tanong ng Reyna sa aliping si Protania.


"S-si Prinsesa Janessa po ay sumakay sa kabayo ng mga lalaking kawal." Pagpapaliwanag ni protania sa mahal na Reyna.


"Napakatigas talaga ng ulo ni Prinsesa janessa. Tawagin mo ang mga Kawal! At sabihin mong hulihin nila agad ang Prinsesa at dalhin saakin!" Sigaw ni Haring Roberto.


Mukhang tumataas na naman ang Dugo ng mahal na hari kay Prinsesa janessa. Ano kayang gagawin niya dito? At Madali kayang Mahuhuli ng mga kawal ang mahal na prinsesa?


-**-


Tumayo si Prinsesa Kathleen mula sa pagkakahiga nya at pagbabasa ng libro. Sumilip sya sa bintana at kitang kita nya na hinahabol n naman ng mga kawal ang kanyang kapatid na si Prinsesa janessa.


"Tsk tsk. Keylan ka ba magbabago aking mahal na kapatid? Lagi mo nalang pinapainit ang ulo ng ating mahal na hari." Sabi ni Prinsesa kathleen habang nakatingin ito sa bintana at nakatingin sa knyang kapatid na si Prinsesa Janessa.



Hinahabol. Tumatakbo.
Tumatakbo padin ang kabayong sinasakyan ni Prinsesa Janessa. Nagulat ito ng biglang may dalawang kawal na nakasakay sa kabayo ang nasa magkabilang gilid nya.


"Mahal na prinsesa! Itigil nyo napo iyan! Sumama nalang po kayo samin at makinig sa mahal na hari." Sabi ng isang kawal sa gilid ni Prinsesa janessa.


"HINDE! ETO ANG IKASASAYA KO KAYA LUBAYAN NYO NAKO! PABAYAAN NYO NKOOOO!" biglang sigaw ni Prinsesa janessa sa dalawang kawal sa magkabilang gilid nya at mabilis na binunot ng prinsesa ang mahabang Espada na nakakabit sa beywang nito at nang sasaksakin nya na ang Isang kawal sa kaliwa nya ngunit nakapaglabas din ito ng espada.


Habang nagtatama ang mga espada nila ay nakasakay padin sila sa Kabayo. Hindi namalayan ng mahal na prinsesa na matutumba sya. Kaya bigla itong nahulog sa damuhan at nabitawan ang espada. Wala syang nagawa at nahuli sya ng mga kawal.


The World of her PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon