{ Jaycee's POV. }
Nagising nalang ako wala na sa tabi ko si Janessa? Nasan na naman yun? Lagi akong nauunahan nung babaeng yun na gumising.
Pumunta na muna ako ng kwarto ko at nag ayos at naligo. Pagbaba ko . . .
Si Kathleen lang ang nasa Sofa at nanonood ng Tv. Pumunta pa ko sa kusina para tingnan kung nandun si Janessa pero wala din.
Nasan yung babaeng yun?
San naman kaya pupunta yun?
Bumalik ako sa sala, nandon pa din si kathleen. Tuwang tuwa sa pinanonood nya. Hay, pansin ko lang mas maganda si Kathleen sakanilang dalawa ni Janessa? Pero bakit kaya kay janessa ako nahulog?
Siguro dahil sa mukha syang inosente at Mahal ko sya. Teka? Anong sinabi ko? Hay, oo na nga. Mahal ko nman talaga si janessa. At para sakin siya ang pinaka magandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko.
Pero teka nga, bago ang lahat. Nasan na ba yung babaeng yun? Yung babaeng mahal ko.
Teka? Bat ko sya hinahanap eh nasa puso ko nga pala sya.
Author : Hoy! Kakornihan mo dyan Jaycee! Hanapin mo na nga lang sya. Hindi yung nag che cheezy lines kajan! Dami mong pinapakilig oh?
Umalis ka nga dyan otor, oo na! Hahanapin ko na sya. Hinanap ko nalang ulit si Janessa. Baka kasi mamaya lumabas na naman ng out of nowhere si author.
Maya maya .. napansin ako ni kathleen. "Oi! Hanap mo ba si janessa?" Tanong nito sakin. Pano nya nalaman? Ay oo nga pala. Nakita na kmi niyan ni kathleen na magkatabi kaming matulog ni janessa nung nagkasakit ako. Tss! Yun yung araw na hinalikan ko si Janessa sa ulanan.
First Kiss namin, nagkalagnat pa ko. XD
"Hah? Hindi ah! Bat ko sya hahanapin?" Tanggi ko kay kathleen. Akala ko sasabihin nya kung nasan si Janessa kahit umakto akong walang pake pero hindi nga nya sinabi.
"Ahh. Hindi naman pala. Ok" yun lang sagot nya! Shet! Pano ko malalaman kung san napadpad si janessa? Hindi nya ba pwedeng sbihing .. "nasa ano si janessa eh." Kahit na wala akong pake kunware diba?
Tss. Talagang walang pilit pilit. Ok agad? Kung si janessa toh. Pinipilit nako non ngayon.
Asan na ba yun?! Matanong na nga!
"Hindi kathleen! Nasan sya?" Tanong ko. Kay kathleen. "Tinatanong mo kung nasan yung kapatid ko?" Ayy. Hindi. Hindi ko tinatanong! Tss. Ayoko nang ulitin yung tanong ko. Halatang nag aalala na ko kay janessa lalo na sa tono ng boses ko eh.
"Oo nga. Nasan sya?" Sabi ko kay kathleen. "Sino?" Ay lintek! Ang hirap kausap nito ah. Ang hirap kayang ulitin .. Kinakabahan ako. "S-si janessa nga!" Wala! Naiinis na ko dito.
"Si janessa ba talaga? O yung taong mahal mo?" Ayy shete! Pano naman natanong ni Kathleen yun sakin? Eh iisa lang naman si janessa at yung taong mahal ko eh. Eto na naman tuloy ako. Chumecheezy lines na naman.
"Ewan ko sayo! Gulo mong kausap!" Sbi ko nalang kay kathleen at nag walk out. Narinig ko pa syang tumawa. Tapos paakyat nako nang biglang *BOOOOOOGSH*
"Aray! Bat ka nangbabato ng remote control? Ang sakit sa ulo!" Sigaw ko kay kathleen na bigla bigla nalang nang babato ng remote control sa ulo ko. Ang sakit. Mukha pakong nabukulan.
BINABASA MO ANG
The World of her Prince
FantasyIsang Prinsesang gustong bumaba ng Mundong ibabaw. At nang siya'y makababa . . . There she is! ♡ In The World of her Prince. ♡ "Genre : A Fantasy Half Teen Fiction"