Kaliwa..
Kanan..
Likod..
Kahit saan ako pumunta ay hindi ko sya mahanap.
Naisipan kong itext nalang sya para malaman kung nasaan sya. Tumambad sakin ang 3 messages na dinedma ko kanina. Oo nga pala, may text ako kanina na hindi ko pa nababasa. Binuksan ko ito at nakitang galing lahat ito sa kanya.
1st message: "ui di ako makakasimba ngayon.."
Aw. Ansaklap naman. Unang message palang yan at alam kong ganyan din ang laman nung dalawa pa kaya naman di ko na binasa ang mga ito. Tinext ko nalang sa kanya ang mga katagang "SIGE".
At dahil sa Mission Failed ako ngayong araw, umakyat na ako sa simbahan at dumalo sa misa na sya naman talagang dapat na pakay ko sa pagpunta rito.
Teka..kailan nga ba ako huling nagsimba? Mag-iisang buwan narin pala. At kung bakit? hindi ko na maalala. Habang papalapit ako sa pintuan ng simbahan,parang naimagine ko na sa pagpasok ko sa loob ay unti-unting kakainin ng apoy ang katawang lupa ko. Pero itinuloy ko parin ang pag pasok at himala, HINDI AKO NASUNOG! Pero ilang sandali nakaramdam ako ng pagkabagot kaya naman naisipan kong pumunta nlang sa labas para magpahangin. Ok lang naman siguro dahil homily palang naman. Isang metro mula sa pintuan ng simbahan ay napansin kong may nakatingin sa aking babae. At dahil di ko naman sigurado kung sino siya, dinedma ko nalang at dumiretso na ako sa labas. Doon ay nakita kong paakyat si Bernard.
*Si Bernard Lampitoc, ang ultimate chickboy sa aming magbabarkada. 13 anyos palang e nakabuntis na. Astig noh? 20-anyos na sya sa ngayon,at sa pagkakaalam ko e meron na ata siyang limang anak na puro panganay. Nagkalat lang ng lahi kumbaga dahil sa hiwa-hiwalay na lugar nya ito ginawa.
P/S Kilala rin siya sa tawag na Boy Pating dahil sa sungki-sungki nyang ngipin.
Pero napaisip lang ako, bakit nga ba "chicks" ang tawag ng mga pinoy sa mga dalagang babae? Na sa pagkakaalam ko e "binibini" naman dapat? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ihambing ng mga pinoy ang mga dalaga sa isang sisiw?
"SISIW" : "DALAGA"
Anlayo diba? Paano ito maiintindihan kung kunwari sa tiga ibang bansa mo ito ibiniro..
"Hey maf fren! Chicks ohhh" sabay turo sa babaeng dumaan..
"Where?" *hindi na gets ang sinabi ni manong*
"chicks!" sabay turo ulit sa babae..
"thats a girl not a chicken"..
Oh diba? Kaya naman bilang respeto at pagiging tunay na lalake e dapat ay panatilihin natin ang karapat-dapat na tawag sa kanila. B-I-N-I-B-I-N-I. Pero siguro nga panahon pa ni Marcos ang ganung tawag sa kanila at hindi na IN sa ngayon. Unti-unti naring nawawala sa listahan uso ang RESPETO sa kanila. Pero bakit nga ba? Hmm siguro nga dahil sa kanila rin mismo. May mga babae kasi sa ngayon na kahit sila mismo e hindi kayang irespeto ung sarili nila. Paano sila irerespeto ng mga taong nasa paligid mo kung sila mismo e hindi kayang irespeto ang sarili nila? At kung nababastos man sila,sino kayang may kasalanan? mga lalake? o ung impluwensya ng lipunan? o sila rin mismong mga babae? Kayo na ang bahalang sumagot. Wala naman sigurong mambabastos na lalake kung matino lang ang kilos at pananamit ng isang babae.
Bigla akong nagising sa reyalidad ng biglang pumalakpak ng malakas sa mukha ko si Bernard. Magkasama pala sila ni Macky, at kanina pa pala nila ako kinakausap. Wala akong maalala sa mga pinagsasasabi nila kaya naman OO nalang ako ng OO.
Maya-maya ay natapos narin ang misa, at nag umpisa ng bahain ng tao ang pintuan ng simbahan. Pumagilid kaming tatlo upang hindi maging abala sa mga papalabas na tao. SOOOBBRAANNGG INGAY!! Daig pa nila ang mga nagsisiksikang tao sa LRT. Nang humupa na ang baha ay saka kami pumasok para sa aming weekly meeting. Oo nga pala, kasapi kami ng isang organisasyon ng mga kabataan sa simbahan at sa katunayan e tatlong taon na ako rito.
BINABASA MO ANG
Ang Alamat ni Totoy
HumorNuong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.. Kaliwa't kanan ang Nuclear Bombing sa mundo.. At isa sa mga binagsakan nito ay ang Japan. Kaya naman di nakaligtas sa Radioactive Radiation ang Pilipinas ng mga panahong iyon.Na nagresulta sa iba't ibang mutatio...