Medyo sinwerte ata ako ng uwi. Walang tao sa bahay. Wala pa si Papa. Walang sermon. Ayos.
Tinignan ko ang oras.
10:52
Mag-aalas onse palang pala. May oras pa para magluto at gawin ang mga dapat gawin. Madalas kasi e kung hindi alas onse e 11:30 na kung umuuwi si Papa. Agad ko nang kinuha ang kaldero at saka dumakot sa dispenser ng bigas. Tinubigan at saka isinaing.
Dumiretso ako sa kwarto para magbihis at para makabili narin ng ulam na pananghalian. Dahil madalas nasa shop at nag tatrabaho, ako madalas ang pinag hahawak ni papa ng budget ng tanghalian. Umuuwi nalang sya para kumain saka sisibat ulit.
Palabas na ako ng bahay nang makita ko si papa na nagsasara na ng gate. May hawak siyang dalawang malalaking supot (ung galing grocery) at isang supot ng nilagang baboy.
“Pa ano yan?” pambungad kong tanong. Hindi kasi madalas na naguuwi si papa ng ganun karaming bilihin.
“ tulungan mo muna ako dito at sasabihin ko sayo mamaya kung para saan ang mga yan. Wag ka na rin palang bumili ng ulam. May binili na akong nilaga dito.”sagot niya sa isang masayang tinig. Mukang maganda ata ang mood. Ganun nga ang ginawa ko sa pag asang may marinig na maganda at ikasusurpresa ko pagpasok ng bahay. Ipinatong ko sa lamesa ung dalawang malalaking supot kung saan dati nang nakalapag yung nakasupot na nilaga. Dumiretso kasi agad si papa sa kwarto niya para magbihis kaya ako na ang naghanda nung ulam sa isang mangkok. Naisipan kong buksan ung dalawang supot na dala ni papa. May mga laman iyong tsokolate, biskuit, noodles, kape at tatlong kilong bigas sa ilalim. Yung isang supot naman ay pawang mga pandekorasyon ng bahay, mga bagong kurtina at iba’t ibang itsura ng babasaging pigurin.
“Totoy yung kanin sunog na!!”
Sheeeet! Oo nga pala. Nakalimutan ko ung sinaing ko.
Kumaripas ako ng takbo sa kusina para patayin ang pesteng apoy ng kalan na nagpahamak na naman sa akin sa ika limang daang beses. Palagi kasing nangyayari ito sa akin. Kung hindi sunog e nasosobrahan lagi sa kulo ang sinasaing kong kanin duon. May sa-demonyo atang kalan.
“sunog na naman?”tanong ni papa habang nagsusuot ng kamiseta na lumabas ng kwarto.
“di naman gaano. Nangamoy lang.”
“ayos lang yan. Malapit naman na tayong makakain ng matino-tinong kanin e” natatawang sabi ni papa.
“anung ibig nyong sabihin?” nagtataka kong tanong.
“UUWI NA SI MAMA?!!”
Nabitin pa sa ere ang hawak kong kutsara ng kanin sa sinabi ni papa. Pero pakunwaring gulat lang yan. Kagabi ko pa kasi alam na uuwi si mama. Tinawagan ako habang isinusulat ko ung unang bahagi ng kwentong to. Sayang din naman kasi ung effort ni papa na surpresahin ako kung di ako magrereact na nasurpresa.
At un naman pala ang dahilan kung bakit sangkaterbang groceries ang binili ni papa ngayon. Medyo matagal narin kasi nung huling nalamanan ung cabinet namin ng mga stock na pagkain.(nung huli ata e nung pagkaalis ni mama)
“oo kaya mag aayos tayo ngayon ng bahay. Para di nya naman sabihing pinabayaan na natin tong bahay nung umalis sya.”
Totoo naman e sabi ko nalang sa isip ko.
”sige po pa” with smile effect.
Si papa ang bahala sa kusina sala at paligid ng bahay. Ako lagi ang dehado sa paglilinis ng banyo at nung sobrang kalat nyang kwarto, pareho lang pala sa kwarto ko. Kuskos. Buhos ng tubig. Kuskos. Buhos ulit ng tubig. Pilit kong pinapaputi ung kulay kalawang na mantsa sa luob ng inidoro. Kuskos. Buhos. Kuskos. Pwe. Suko na’ko. Yo’ko na. Sinabit ko nalang ung bagong albatros bathroom freshener na binili ni papa. Solb. Natapos din ang kalbaryo.
Sumunod ang kwarto ni papa. Himala dahil medyo maayos un ngayon. Walang nag kalat na damit di gaya sa kwarto ko. Winalis ko nalang iyon. Nilagyan ng plorwax at nilampasuhan. Solb ulit. Next stop at final destination na ang kwarto ko. The last stand.
Maliit na kwarto na nasa gawing kaliwa ang pintuan kung saan bubungad agad sayo ang kama na bagama’t maluwang para sa isa ay sakto lang naman para sa dalawa na katabi ang isang kulay berdeng drawer( ung karaniwang ipinapautang ng mga bumbay ) na sinasandalan ng kulay itim na gitara, may bintana sag awing kanan at isang lamesa at upuan na ginagamit ko kapag nag susulat sa gai at kung saan din ako madalas makatulog. Yan ang kwarto ko. Wag nyo rin palang kalilimutan ung nagkalat na mga damit at mga pantaloon na mistulang paniki sa pagkakasabit sa mga nakausling pako. Bahala kanang mag imagine sa ibang detalye. Nakakatamad magtype. Simula na ng gyera. Payt!
Inuna ko ung mga nagkalat na damit. Inuulit ko kasing gamitin ung iba dun lalo na kung hindi naman gaanong kadumihan.(wag kang mandire, gawain mo rin yan) Itinupi ko nalangiyon at ipinatong sa drawer. Winalis ko ung ilalim ng kama. Tsk. Dami palang kalat. Winalis ko ulit. May sumamang isang patay na ipis na putol ang isang paa. Kawawang nilalang. Naisip ko tuloy.
Kung ang hayop ba namatay e may kaluluwa rin? San kaya sila pupunta? Sa langit o sa impyerno?
Ikaw? Pag namatay ka kaya ng di mo inaasahan. May kasiguraduhan kabang sa langit ka pupunta?
Naisip ko lang. Ano nga ba talaga ang pinag kaiba ng tao sa hayop gayong pareho rin naming silang nabubuhay at namamatay? Pareho ng hanging hinihinga. Ano bang pinagkaiba mo sa mga baboy na kinakatay at sa mga manok na ginigilitan ng leeg? Anu nga ba ang pinagkaiba ng mga sakim na lider ng bansa sa mga buwayang walang awing pinapatay at tinatanggalan ng balat? Ano nga ba ang pinag kaiba mo sa hayop?
Zzzzz
Winalis ko ulit ang kama ng mas malalim pa. Nakuha ko doon ung mga lumang papel na naglalaman ng mga drawing ko nuong high skul nung nagging cartoonist ako, at mga papel na naglalaman ng mga hilaw na konsepto ko nuong nag editor ako sa school publication minsan. MINSAN. Dahil dina nga naulit iyon. At kung bakit? Dahil narin iyon sa kakaibang tabas ng dila ko sa papel. At ang puno’t dulo ng lahat. Si Aika.
*ZzzzTT* flashback!*
Foundation day.
Walang klase.
Abala ang lahat sa pag aayos ng stage para sa gagawing programa. At ako? Bilang mabait at masunuring mag-aaral.. Nasa bahay lang at nakahiga sa sofa habang nanunuod ng Dragon Ball. Walang pasok diba? Sumusunod lang ako sa paaralan.
Maya-maya ay may kumatok sa pintuan. Si Aika. Di ko man nakita e alam ko naming isa lang ang tinuruan ko kung paano ihack ung gate namin ng di napapansin. At siya iyon.
“Pasok! Bukas yan!” sigaw ko nang di tumutingin sa pintuan.
“kako na andito ka e.” nakangiting bati nya.
“mukha bang wala ako dito? Nakikita mo naman diba? Hindi siguro ako to. Picture ko lang” sarkastiko kong sagot.
“nyenye” sabay irap ng mata.
Di ko pa sana siya titignan kung di ko napansin sa gilid ng mata ko na bihis siya at dala ang bag niya.
“saan ang lakad?” tanong ko
“sa iskul. Sama ka?”
“gagawin naman natin dun?”
“kasali ako sa slogan making e. samahan mo naman ako.”
“ayan. Masyadong masipag na mag aaral. Di naman mapanindigan” sarkastiko ko na naming sagot.
“Eeee. .(umupo sya sa sofa sa tabi ko saka yumakap sa braso ko) sige na kasi.. alam mo naming wala pa akong gaanong kakilala jan e sige na. samahan mo lang ako. Madali lang tayo promise” pagpupumilit nya.
“di pa ako nakaligo. At nakakatamad maligo.”
Lalo niyang hinigpitan ang hawak sa braso ko saka iniapit ang muka sa akin.
“please!!” pagmamakaawa niya na para bang batang nagpapakyut sa tatay para payagang gumala.
Sinagot ko siya ng walang emosyong muka. Dahilan para magkadikit ang muka namin. Saka niya dahan dahang inilapit ng lalo ang mukha niya.
“please’’
Iniatras ko ang muka ko saka yumuko.
“Oo na”
BINABASA MO ANG
Ang Alamat ni Totoy
MizahNuong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.. Kaliwa't kanan ang Nuclear Bombing sa mundo.. At isa sa mga binagsakan nito ay ang Japan. Kaya naman di nakaligtas sa Radioactive Radiation ang Pilipinas ng mga panahong iyon.Na nagresulta sa iba't ibang mutatio...