Prologue
Tik..
Tok..
Tik..
Tok..
Nakakahinayang ang bawat segundo, lalo na kung naba-blanko ka katulad ko. Ako nga pala si Ray Collins. Ang cute diba?. Pero syempre gawa-gawa ko lang yan. Ang totoong pangalan ko ay Reynaldo Kulindang, 17-anyos at nagmula sa matalinhagang utak ng isang manunulat sa probinsya na aksidenteng nakakain ng Racumin kamakailan kaya't napagtripan ang ballpen at papel ng pinsan nya. Siya rin ang dahilan kung bakit ganito kabantot ang pangalan ko. Pero bat ko nga ba sya isinasali sa kwento ko? Ako ang bida dito kaya naman ako lang dapat ang laman ng bawat tinta ng ballpen ko. Bakit ballpen? Wala lang. Hindi kasi ako ganun kayaman para ibabad sa harap ng computer ang mukha ko at hayaang maubos ang oras habang nagiisip. At alam ko rin naman na walang siraulong manunulat ang magtitiis sa mga computer shop kasama ang mga kabataang naglalaro ng DotA at kasabay ng mga nagliliparang mura at sigawan. Makakapag-isip ka kaya ng matino nyan? Kaya naman mas panatag parin ang luob ko sa makalumang istilo ng pagsusulat. Ung pupunta ka sa isang lugar kung saan nakikipaglaro ang hangin sa mga damo, doon magiging malinis ang isip mo. Pero sa tabing ilog ang trip ko. Kasabay ng tugtog ng OPM musics at kasama ng mga nakataling kambing at baka at ng mga nagkalat na assorted goodies na galing sa iba't ibang dumi ng tao at hayop na nagagawi dito. Pero ok lang, mas maganda na ito kaysa magtiis sa ingay ng malulutong na P***ng In*! B*b*! at marami pang makasalanang salita.
Old School daw ako. OO. Alam ko, at asahan nyong ganyan rin ang magiging takbo ng kwento ko..
(END of Prologue)
![](https://img.wattpad.com/cover/6462748-288-k190103.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Alamat ni Totoy
HumorNuong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.. Kaliwa't kanan ang Nuclear Bombing sa mundo.. At isa sa mga binagsakan nito ay ang Japan. Kaya naman di nakaligtas sa Radioactive Radiation ang Pilipinas ng mga panahong iyon.Na nagresulta sa iba't ibang mutatio...