Chapter 1(revised)

117 1 0
                                    

Linggo..

Gumising ako ng tuyo ang lalamunan. Kinapa ko sa tabi ng unan ang cellphone ko para tignan ang oras. "3 messages received".. (pindot.. CANCEL)

Time check: 7:28 am

SHEEEEET!!!! 30 minutos nalang ang layo ko sa oras ng misa. Agad na akong bumangon at dumiretso sa banyo. 15 minutos ang gugugulin ko sa pagligo at sampung minuto naman sa pagpili ng isusuot. Natapos na akong naligo pero hindi parin ako makapili ng tamang isusuot. Lahat ng susubukan ko e hindi tumutugma sa akin (siguro nga ay talagang pangit lang ako). Kinakabahan ako ng di ko alam kung bakit.

Ahh.. Oo pala. Sasamahan ko ngayong araw si Aika sa simbahan at maya-maya ay ililibre ko sya ng ice cream na nirequest nya sa akin kamakailan. Kababata kong maituturing si Aika. At siya ang di ko maaming kaligayahan ng buhay ko. Habang nagbibihis ay muling bumalik sa ala-ala ko ang nakaraan,noong kami’y bata pa lang.

Magkapit-bahay kami dati kaya naman palagi kaming magkasama. Mula sa halakhak ng paglalaro hanggang sa luha ng kalungkutan,kami ang magkaramay. Naging takbuhan nya ang bahay namin tuwing nagaaway ang mga magulang nya. Minsan nga ay ayaw niya nang umuwi at sa bahay na nagpapalipas ng gabi. Ayos lang yun, magkalapit rin naman ang mga magulang namin dahil kumare ng nanay ko ang nanay niya. At dahil dadalawa lang ang kwarto sa bahay(kwarto ko at kwarto nila mama’t papa),madalas ay kaming dalawa ang magkatabi matulog. Wala namang malisya ang lahat noon dahil pareho pa kaming bata. Inosente.

Pareho kami ng pinapasukang iskwelahan at magkaklase rin kami. Kaya naman mula pagpasok hanggang uwian ay kaming dalawa ang magkasabay. Magkakampi rin kami kung kelan papasok at kung kelan tatambay  sa ilog. Halos magkapatid na kami kung magturingan. “Kuya” pa nga ang tawag niya sa aking paminsan-minsan dahil mas matanda ako sa kanya ng ilang buwan. Ayos ang lahat. Hanggang isang araw, bigla nalang nagbago yung pagtingin ko sa kanya.

*(FLASHBACK)*

Grade 4 kami noon.. At naisipan kong magdala ng screw driver para higpitan ung mga maluluwag na turnilyo ng lamesa ko. Drawer un na pwede mong lagyan ng mga personal mong gamit at mga libro na ayaw mo ng iuwi. Pagkarating ko sa room namen e agad ko ng inilagay ung screw driver sa lamesa ko para dumalo sa isang banal na seremonya ng paaralan. Ang FLAG CEREMONY. Doon ko nalaman na kapag nasobrahan pala ang pag-angat ng flag e lulusot ito sa hook sa taas dahilan para bumaligtad ito. Hindi ako natuwa. Ang alam ko kasi kapag ang pula ang nasa taas e ibig sabihn may gyera. At ganoon nga ang nagyare. Pinatawag kami sa Principals office dahil sa naturang insidente. OO nga pala. Isa ako sa nagtaas nung flag nung araw na yun. Kaya naman hindi ako ligtas sa bagsik ng sermon ni Principal. Bumagsak na parang mga atomic bombs ang bawat salitang binibitawan sa aming dalawa nung kasama ko. Ako ang Nagasaki at sya ang Hiroshima. *(fast forward)*

Bumalik kami sa classroom namin ng puti ang mga mata. Manhid ang mga tainga namin sa mga naririnig namin na tawanan mula sa mga batang nadadaanan namin. Pagdating sa classroom, wala pa ang teacher. Ayos! Inilabas ko ang screw driver sa drawer ng lamesa ko at inumpisahang higpitan ang mga turnilyo nito. Nagkataon na nasa likod ko lang nakapwesto ang lamesa ni Aika. Medyo tinagalan ko ang paghigpit para mapansin nya ang ginagawa ko,baka sakali kasing gusto rin nyang magpahigpit ng turnilyo.. ng lamesa. At ganun nga ang nangyari. Hiniram nya ang screw driver ko para higpitan ang turnilyo nya.. ng lamesa nya pala.

"rey.. ginagawa mo jan?" sabi nya..

"wala, hinihigpitan ko lang.."

"ayy sakin nga rin ..pahiram ako, medyo natatanggal na kasi tong takip ng drawer ko ehh"

Ang Alamat ni TotoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon