Chapter 5: The Ice Prince Next Door.

149 7 0
                                    

Meghan's POV.

Sabado ngayon, buti nalang talaga walang pasok. Hays. Kasi naman eh, hindi ako maka move dun sa nangyari kahapon. Kaloka! Hindi ko alam kung anong mukha ihaharap ko sa campus huhu. Sigurado akong ako ang pag iinitan nila. Bakit ba kasi ang gulo gulo ng buhay ko? Uwaaaaa!

At ang masaklap pa dun, Wala na yung 1st kiss ko. T_T

Sana man lang naging romantic yung 1st kiss ko diba? Yung tipong may mga fireworks. Eh kaso ano? Wala! Walang ganun! At ang dami pang nakakita.

T_T

Bumaba ako kahit sobrang bigat ng katawan ko, feeling ko sobrang naiistress na ko.

Hays.

Nadatnan ko si mama na busy sa pag luluto at nakangiti pa ang bruha. Hehe joke lang po. Lab ko naman talaga yan si mama eh.

Lumapit ako sakanya at napansin kong sobrang daming pagkain yung nakahain. Anong meron? Fiesta?

"Ma ano pong meron? Bakit ang daming nakahain? Satin lang po yan?" Tanong ko.

"Ano ka ba! Syempre hindi. Makakain ba natin lahat yan? Common sense nak." Inirapan niya ko.

Ayu. Sorry naman po diba? Hehe.

"Eh para saan po yan?" Tanong ko.

"Alam mo yung bahay dyan katabi ng bahay natin?" Tanong niya.

Ah, Yung bahay na walang nakatira. Ang tagal ng walang nakatira dun eh. Maganda naman yung bahay at malaki. Ewan ko ba kung bakit walang nakatira dun.

"Hala ma! Wala namang pong nakatira dun eh. So ibig sabihin ibibigay niyo yan lahat dun sa bahay? Naku ma! Hindi naman kakainin ng bahay yan eh."

Si mama talaga kung ano ano naiisip. Tsk. Pakain daw ba yung bahay? Hindi pa naman matanda na super si mama pero nag uulyanin na ata.

*pak.*

"OUCH NAMAN MA! MAKABATOK?!" Napasimangot ako.

"Bobitus ka talaga. Syempre may titira dun. Bakit ko naman mag aalayan yung bahay?" Napailing siya.

"Oh talaga? May titira na ulit dun? Bata pa ko simula ng may tumira dun eh."

Napangiti siya ulit at halatang excited. "Yes, May titira na ulit dun. Kaya lang naman walang tumitira dun kasi may nag mamay ari naman talaga nun kaso nasa states nga lang. Pero ngayon, uuwi na sila!"

Kaya pala nung nakaraang linggo palang may nakikita na akong nag lilipat ng gamit dyan.

"So sakanila lahat to? Eh hindi mo naman sila kaclose eh!"

*PAK.*

"Ma naman eh! Nakakadalawa ka na ah!" Napapout ako. Child abuse na to si mama.

"Eng eng ka talaga! Syempre kaclose ko yung mga yun. Ipag luluto ko ba sila kung hindi ko sila kaclose?"

Oo nga no. Hahaha. "Sabi ko nga po eh. Hehe." Nag peace sign ako. "Ano mo ba sila ma?"

"Well, mag asawa kasi sila. Bestfriend namin sila ng daddy mo nung high school! waaaah! Excited na talaga ko!" Inalog alog niya ko.

"Anong oras po sila dadating?" Tanong ko. Well, nakakatuwa nga na may kapit bahay na kami pero hindi naman ako masyadong excited.

"Uhmmm sabi nila sakin, mga 3 hours pa daw nandito na sila." Sagot niya.

"Okay po." Aalis na sana ako ng bigla niya kong tawagin.

"Jamilah!"

"Po ma?" Tanong ko.

Arranged Marriage: The Campus Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon