Chapter 12: Kaya ko pa.

70 1 0
                                    

Meghan's POV.

"Omygosh! Really?!" Napatingin lahat ng tao samin dahil sa lakas ng boses ni macy. hays, kahit kailan talaga. -.-

"Ano ba meysi! Lower your voice nga, nakakahiya oh." Inirapan siya ni alyssa.

"Tigilan mo nga yang pagiging conyo mo alyssa, kairita ka." Inirapan din siya ni macy.

"Ano mag aaway nalang ba kayong dalawa? uso tulungan ako diba." matamlay kong sabi.

"Seryoso besh? talagang talaga?" Tanong ni alyssa. Hanggang ngayon, hindi pa din sila makapaniwala.

"Oo nga!!"

"Ang swerte mo girl, ikaw na!" Masaya nilang sabi. Pakisabi nga sakin kung saang part ang pagiging swerte don.

"Swerte? Sige, ikaw nalang kaya." Pag bibiro ko.

"Oh why not?! Kung pwede lang eh. Super pogi at hot kaya ni Aethan. Jackpot ka na don besh!"

"Ayoko siyang pilitin, ayoko siyang itali. Pwede ba? Ayokong masaktan siya. Di naman pwede kung pareho naming ayaw."

"Pareho niyo nga bang ayaw? Oh baka siya lang talaga yung may ayaw?" sabay nilang sabi.

Aray naman diba. -____-

"Ang insensitive niyo!" Reklamo ko.

"Tsk." Umiling iling sila. "Alam naman nating lahat na sa loob loob mo, gusto mo din."

Aish.

"Hindi nga kasi!"

"Bakit wala ka bang gusto kay Aethan?" Tanong ni macy.

Wala nga ba?

Ang totoo niyan, Hindi ko din alam.

"Alam naming na fall ka na dun sa tao, besh." Sabi ni Alyssa.

"Aisha, Oo na." Inub-ob ko yung mukha ko sa table.

Ugh, hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin.

"Yow guuuuuys!"

Parang bumilis yung tibok ng puso ko nung narinig ko yung boses na yun. sht, nandito sila.

"Yow, Royal Prince!"

Ayokong iangat yung ulo ko. Lord please, wag ngayon huhu.

"Meghan babes!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.

Ayokong iangat yung ulo ko, huhu.

"Huy, Meghan." Inalog ako ni macy. No please, no..

"He's not here, don't worry future wife." He chuckled. Pag kasabi niya non, inangat ko na yung ulo ko.

"Future wife? What the fuck bro? Akala ko ba----"

"Shhhh!" Sabay sabay nilang saway kay Aldrin.

"Oh, Look guys i'm sorry. Okay?" Natatawa niyang sabi.

Tumingin ako sa paligid, wala nga siya.

"I told you, he's not here." Nakangising sabi ni Lance.

"Nakakabadtrip nga yon si Aethan eh, This past few days di na nagsa-sasama samin. Parang tanga." Sambit ni Carl.

"Hindi pa din pa ba kayo nag uusap?" Tanong ni Aldrin.

Napabuntong hininga ako at tsaka umiling. one week narin kaming ganon.

"Oh.. i see." Tumango tango siya.

Ano na kayang nangyayari don? Hay, namimiss ko na siya..

"Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Help me! Uwaaaa!" Feeling ko anytime, maiiyak ako. nakakainis naman kasi si Aethan eh!!

Arranged Marriage: The Campus Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon