Chapter 8: Hot And Cold.

131 5 0
                                    

Meghan's POV.

May practice daw si Aethan ng basketball kaya hindi niya ko masasamahan mag lunch. Tapos si Alyssa at Macy busy din sa pag papractice ng soft ball at cheerdance.

Okay lang naman sanang maging alone ako eh. Wag lang ngayong araw!

Pano ba naman kasi, Pag pasok ko palang kanina ng campus ang dami na agad nag tanong sakin. Kung kami daw ba talaga si Aethan, Kung kailan pa daw, Kung ano pinakain ko kay Aethan, Kung paano niya ko nagustuhan at kailan kami mag bebreak.

Sinabi ko namang totoong kami ni Aethan eh. Kaso bawat estudyanteng madadaanan ko tinatanong ako. At ang malupit pa, Pati mga teachers iniintriga ako! Aish, Ang sakit nila sa ulo.

Huhu. How can i escape this?

Kaya ito ako ngayon, nag iisa sa room. Ayokong lumabas! Paniguradong pag pipiestahan nanaman nila ako.

Napatigil ako sa pag muni muni ng biglang tumunog yung phone ko.

From: Aethan Scott
Pumunta ka ng gym, now.

Tss. Grabe naman makapag utos! Akala mo boss eh. Pero mas okay na to, Atleast kasama ko si Aethan.

Inayos ko yung gamit ko at lumabas ng room. Buti nalang walang masyadong tao. Hays.

Nag simula na akong mag lakad papuntang gym at pag dating ko doon, naabutan ko yung royal kings na nag lalaro.

Nung pumasok ako, lahat sila napatingin sakin.

"Hey Meghan babes!" Tumakbo palapit sakin si Carl at inakbayan ako.

Kahit pawis siya ang bango niya pa din.

"Kadiri ka, Wag mo siyang akbayan tignan mo nga itsura mo. Tss." Sita ni Aldrin sakanya.

"Wala kang pake! Pinapakielamanan pa kita ha? Ha?"

Para silang bata haha. Ang cute.

Napatingin ako sa direksyon nila Aethan at Lance. Pareho silang busy sa pag lalaro. Si Lance, Hindi pa din ako pinapansin.

Iniwan ko muna yung dalawa habang nag tatalo sila at lumalit kay Aethan.

"Bakit mo ko pinapunta?" Tanong ko. Siya, busy sa pag didribble at nakatingin lang dun sa ring.

"You'll be safe here." Sambit niya at sabay shoot ng bola dun sa ring.

"Safe saan?" Tumingin siya sakin. Feeling ko nilamig ako bigla.

"Tss, Pabo." Sambit niya at nag simula na ulit mag dribble ng bola.

Di ba siya nag sasawa na sabihan ako ng Stupid? Leche to.

Wala akong nagawa kundi umupo at panuorin silang mag laro. Mag isa lang ako dahil hindi sila nag papapasok ng estudyante kapag royal kings ang gumagamit ng gym.

Oo, Ganun sila ka Powerful.

Lahat sila halatang seryoso sa pag lalaro at lahat sila magagaling. Ang hot nilang lahat kahit sobrang pawis na pawis. Lalo na si Aethan. Mapapa woah ka nalang talaga.

"5 mins break." Sambit ni Aethan.

Tumigil sila sa pag lalaro lahat sila hingal na hingal. Para silang aso.

Lumapit si Aethan sakin. Sheeet! Oxygen pls. Para pala siyang kanta ni Katy Perry. Hot and Cold, Minsan hot madalas Cold. Hehe.

"Abot mo yung tubig ko." Utos niya sakin.

Okay, Sana ininform niya ko na kaya niya ko pinapunta dito para maging Personal Maid niya.

Sinunod ko nalang siya, Inabot ko yung tubig sakanya. Kinuha ko na din yung towel at pinunasan yung mukha niya.

Arranged Marriage: The Campus Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon