Rehersal

101 0 0
                                    

Oo tama ang inyong nabasa marami sa aking mga kabarangay ang nawalan ng tahanan ng gabing iyon, ang pangyayaring nag bigay ng lakas ng loob sa aking mga kasamahan.

Chapter1;

Naghahanda kami nuon sa aming parokya para sa aming finale rehersal ng gagawing christmas concert kinabukasan tinawag kami nuon ni Paul, at inaya sa Multi para magpahinga at kumain sandali, ka-arawan din kasi nuon ng aming pari na si Fr. Sonny, kinuha ni paul ang mga pagkaing ibinigay ky Father ng mga taong nagmamahal sa kanya, sumunod kami ky Paul at ang mga kasama ko Mula sa aming grupo na sina Shery, Keyla, Lyce at Win, habang sa grupo naman ni Mickey na sina Clarrise, Champ, at si Mary, habang si Mickey ay abala din sa pagtugtog ng organ na siyang ginamit namin sa rehersal..
Isang tawag ang nadinig namin ky paul habang humahangos siyang tumakbo nuon pabalik sa loob ng Multi.

Guys, labas kayo dali sabi ni Paul sa amin na nuong una ay hindi ko maintindihan kung bakit, 2 beces na nagpabalik balik si Paul sa loob ng Multi at duon lang namin naintindihan ang kaniyang dahilan ng pagtawag ng kami ay tawagin niya ulit sa pangalawang beses.

Guys bilisan niyo dali.. ate Jen labas na kayo ang laki na, ano bang malaki yun? ahas ba iyan?
s

abi ko sa isip kong ganon, kaya naman ako si Clarise ang mga lalaking kasama namin sa Concert at ang aking mga ka choir group ay nag-madali na din sa paglabas ng Multi ng aming simbahan..
Nung kami ay lumabas na lahat kami ay nagulat at natakot sa aming nakita, dahil habang kaming lahat ay abala ay mayroon din palang mga taong abala din sa pag-iyak dahil ang aming nakita ay ang pagkapal at patuloy na pagkalat ng SUNOG.

Oo isang sunog ang gumimbal sa aming lahat at patuloy ito sa pagkalat sa buong sambahayan ng aming kalapit baranggay ng Malanday Valenzuela ang lingahan unti unti nakikita namin na my kung anong bigla na lamang sumasabog habang my sunog.
Lahat ay taranta at di malaman ang gagawin, my tumawag na ba ng bumbero? tanong ko nuon, wala pa bang bumbero? wala pa bang tumatawag ng bumbero tanong din ni Clarise nuon. Hindi ko alam ate Jen, sagot ni Paul, sa palagay niyo po ba kaya saan nagmumula ang sunog na iyan? ako na ang sumagot sa tanong ni paul.
Sa Lingahan, sigurado dun nang-galing ang sunog marami kasing mga jumper kaya iyon ang pinagmumulan ng sunog. Sino na ang taga lingahan? umuwi na kayo. Teka si April, tatawagan ko taga Lingahan yon siya. Uuwi na din ako, kailangan ko ng umuwi sabi naman ni Mary, sige..sige bilisan mo Mary mag madali ka na.
Si Mickey, taga lingahan din yun si Mickey., tinawag ko si Mickey na abala sa pagtugtog ng organ nuong oras na iyon. Mickey, Mickey.. po? sagot ni Mickey labas ka na bilis, umuwi ka na. po bakit po tapos na po ba tayo? Mickey nasusunog na ang lingahan umuwi ka na po sige.. sige sige uuwi na po ako.. Si Shery nasaan? Ikaw She., umuwi ka na din. wait lang ate Jen tinetext ko pa sila mama, sagot ni Shery sa akin, huwag mo nang itext sagot ko na halos naka sigaw na ako nuon sa sobrang takot at pangamba ko na halos nanginginig na ako kami ni paul sa pangyayari ng mga oras na iyon.

PARUSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon