Pagpasok ko sa room, nakita ko agad sya, napatingin siya sakin so inalis ko agad ang tingin ko.
"Mr. Torres and Ms. Rabaya, kayo ang partner." sabi nang guro namin.
May annual Math fair kasi samin, at eto na yung partnering para sa project.
"So... ano na ang gagawin natin?" nasa harap ko na pala siya, and shit, I can't utter any word! Bakit ba natulala ako sakanya?! I don't know but there's something.
* * *
Makalipas nang ilang araw, gumawa parin kami ng project sa major subject namin, since GM kami, kailangan hindi 'to basta-basta. (Group Mate)
"Our objective is to make people understand this!" sigaw ko, nagtatalo kasi kami.
"Oo nga, pero syempre, dapat mapaisip sila." Sagot naman nya.
Nasa bahay kasi kami. Since ayokong kumalat sa campus with him.
"Are you insane?! People who'll visit the fair don't have the same IQ as you!" sigaw na sabi ko sa kanya.
"Eh kaya nga nandun tayo para mag explain."
Bakit nagagawa nyang maging kalmado kahit galit na galit ako? Pano nya nagagawang maging mabait sakin?
"ARGH! You and I can't be together!" sagot ko sa kanya.
"Pwede, huminahon ka? Pasalamat ka, hindi ako katulad ng mga tao sa school na matsismis, kundi nasabi ko na sa buong mundo ang totoong ugali mo."
I shot him a look. Sakanya lang ako naging totoo. Di ko alam pero nagiging natural ako sakanya. Yung Lorraine na mataray, masungit at maingay. Di nya ako pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa nya. Habang ako tahimik lang.
* * *
"May party sa bahay niyo, madam." Sabi ng butler namin.
Pano na kami gagawa ng project nito?! Saan?! I looked at freako, nakatayo lang sya while cleaning his eyeglasses. I stared at him. He's better without that glasses. He looks... normal. Ugh. He looks... handsome.
My heart is beating so hard. Parang drumrolls. Shit. Why am I feeling like this.
"Lorence. Bakit hindi na lang sa bahay niyo?" I asked him.
This is it! Malalaman ko na ang identity nya!
"HINDI PWEDE!" sigaw nya. Nagulat ako. "I mean... uh... ano... unless... unless, gusto mo sa squatters! Diba maarte ka?"
Aray. Maarte ba talaga ako? That means, naturn off siya sakin? Ewan ko, involuntarily nag frown ako. Parang nasaktan ako. Ewan. Sanay na naman ako sa ganyan pero... iba eh. Iba ngayon. Siya kasi yun. Siya na. OO na! Aaminin ko, gusto ko na siya! Si Nerd! Di ko alam kung bakit, paano, at higit sa lahat kung bakit siya! Pero... hindi naman nadidiktahan ang puso diba?
"Sige... bukas na lang tayo gumawa ng project." Matamlay kong sabi tapos pumasok na ako sa bahay, hindi ko na siya tiningnan.
* * *
Ilang araw ko na ring iniiwasan ko si Lorence. Kaya wala nang progress yung project namin. Deadline na next week pero pinairal ko ang pride ko para hindi siya pansinin. Ginawa ko lang naman to para mapigilan ang sarili kong mafall sakanya eh. Pero hindi effective. Mas lalo ko ata siyang nagustuhan at namiss. Ugh. What am I even saying?
"Kung iniiwasan mo ko, tapusin naman muna natin yung project." sagot niya sa akin.
Nagulat ako. Nasa likod ko pala siya!
"Alam ko namang ayaw mo sakin, pero sana, marunong kang umalam kung anong importante kaysa sa pagiging ganyan mo. Pagiging maarte mo?!"
Aray. Talaga bang akala nya nag iinarte ako? Sabagay, unang impression na siguro niya sakin, maarte. Pero... hindi naman ako nag iinarte ah, at ayaw ko rin sakanya!!!
"Eh kasi hindi ka marunong makiramdam ng damdamin ng ibang tao!" sigaw ko.
Hindi ko na kinaya ang emosyon ko.
"Ikaw naging selfish ka sa feelings mo! Gusto mo, ikaw ang nasusunod! Kung ayaw mo sakin, pwede mo namang sabihin! Hindi yung nang iiwan ka sa ere!" ngayon ko lang siyang nakitang magalit.
Nakakatakot. Nakakaiyak.
"Ginawa ko lang naman to para hindi ako mafall sayo!!!" napatigil akung sumagot.
Ganun rin siya. Bakit ko nasabi yun?! Shit shit shit!!!
"Ano?" nabato ako't hindi makapagsalita.
Nagulat siya.
"Manhid na, bingi pa." bulong ko. Kainis!
"Ginawa mo yun para hindi ma fall sakin? Bakit?" sagot niya sa akin.
"Ang manhid mo!!!" naiiyak na ako. "Gusto kita Lorence!!! Hindi mo ba nahahalata?! GUSTO KITA!!!" tapos nag walk out na ako.
Gumawa kami ng eksena shit. Bakit ganun siya? Ang manhid nya! Ako naman tanga!
I know he'll never tell me that he likes me too. Syempre, he hated me since the first time we met. Naaartehan nga sya sakin... so iiyak na lang ako.
ITUTULOY . . . .
