Dream Boy

2 0 0
                                    

Tapos na ang mahabang panahon na aking hinihintay, fourth year college na ako at simula na naman ang pasakit sa ulo ng mga teacher dahil sa mga pasaway na mga kaklase at mga estudyante.

1st day pa lang nang pagiging fourth year college ay late na kaagad, naku hindi pwede ang ganyan. Grabe kung kaylan maganda ang panaginip ko doon mapuputol, ang cute pa naman ni Lorence sa aking panaginip. Tsssk!!! Bitin ang moment >.<

 Nagpunta na ako sa c.r para maligo. Gising na gising na ako dahil sa lamig ng tubig subalit parang nananaginip pa rin ako at parang ayaw mawala ko si Lorence sa panaginip ko. Parang engot lang noh =), pati panaginip pinapatulan. After maligo, kumain na ako ng b.fast tapos nagsipilyo at kinuha ang allowance and finally going to school na at excited na ako sa pagiging fourth college ko, syempre excited na ding makita si Lorence.

'Krringgg. Krringgg.' Ayon, tumawag na naman aking bestfriend na si Rose.

Speaking of my bestfriend, naalala ko susunduin ko nga pala siya at sabay kaming papasok sa school.

"Bestfriend! Saan kana?" Tanong ni Rose sakin.

"On the way na bestfriend."

"Wow. 1st day ng pagiging fourth year late kaagad?"

"Haha. Pasensya na. Napasarap kasi ang tulog ko."

"Sige. Take care at hihintayin nalang kita sa waiting area"


*KRIIIIIIING KRIIIIIING*

Naku po! Warning bell na yun! Malalate na ako!

Tumakbo ako nun. Hindi kami magkapareho ng klase ni Rose Ann. Sa kamalasan ko naman eh mas malayo yung classroom namin dun sa quadrangle. Grabe nga eh, parang sa araw na ito eh lahat na ng kamalasan eh sinalo ko.

Nalaman ko kasi na yung gusto kong lalaki na si Lorence eh may nililigawan na. :'((

Eh ang pananaw ko pa naman sa buhay eh kung taken na or soon-to-be taken na eh wag nang magustuhan. Ayoko kasi na magkagusto sa taong wala naman akong pag-asa.

Siguro sa sobrang pag-iisip ko eh hindi ko namalayang may tao na pala sa harapan ko.

*BAM!*

"Sorry! Sorry!"

"Sa susunod tignan mo yung dinadaanan mo para hindi ka mabangga."

Tinginan ko lang siya nun at medyo napanganga pa ako.

*KRIIIIIIIIING*

Waaah! Anak ng pitumpung tipaklong kuba! Late na ako!

****

Nung dismissal eh agad kong hinanap si Rose Ann.

Magandang balita ang kelangan kong sabihin sa kanya. Simula palang nung 2nd to the last subject namin eh kating kati na akong umuwi para makakwento na ako sa kanya.

Tiyak na good news itong sasabihin ko eh.

"Roseee Aannnn!"

"Miss Rabaya! No running in the hallway!"

Tinaas ko lang yung kamay ko nun para humingi ng sorry tapos tuluy tuloy parin ako. Ang bait ko no?

Dumating ako sa harap ng classroom nina Rose Ann.

Sakto eh biglang bumukas yung pintuan at una siyang lumabas. Nagulat nga siya kasi agad agad ko siyang hinatak sa tabi.

"Rose Ann! Nahanap ko na siya!"

Tinaasan ako ng kilay ni Rose Ann tapos nag-cross arms siya.

"Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I'm sure of it!"

"Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo pa kilala. Sasabihin mong meant to be kayo pero ni isang characteristic eh wala kayong pagkakapareho. Tapos in the end, you'll end up getting hurt."

"Hay nako bruha ka! wag ka ngang nega! Kaya minamalas ang mga tao kasi negative kung mag-isip. Think positive kasi diba!?"

"Think positive? Eh kahit naman nagthithink positive ka eh negative parin yung nangyayari! Isipin mo ha, yung mga una eh niloloko ka, nung sumunod eh bakla pala, nung pagkatapos nun eh muntikan ka pang mapahamak at yung kahuli-hulihan eh hindi ka pa nagsisimula eh wala na kaagad pag-asa."

"Rose Ann naman...sigurado na ako. Sure kasi talaga ako sa nararamdaman ko ngayon eh. I can really feel it!"

Napabuntong hininga siya nun tapos naglean nalang sa may wall.

"Oh siya. Sino ba siya? Classmate niyo? New student?"

Ngumiti ako ng malaki sa kanya.

"Hindi ko alam eh! tulungan mo naman akong malaman ang pangalan niya!"

*TOK*

At isang matinding batok na naman ang pinaramdam sakin ng aking pinakamamahal na best friend.

Pero isa pa rin ang nasa puso ko. Si Lorence pero mayron nang nagmamay-ari sa kanya.

Oh. Diba ang saklap nang "LoveLife" ko. Pero sana ito na nga si MR. RIGHT ang bago kung nakilalang lalake na hindi ko pa alam kung sino dahil nga sa saglit lang kami nagkita.

Hahay... Ang gulo ano! Pero sige nalang talaga bang sawi ako sa pag-ibig? O hindi parin ako maka "Move-on" kay Lorence. Buhay nga naman oh....

Sa pag-aaral ko nalang ibubuhos ang lahat ng atensyon ko lalo't fourth year college na ako.

Salamat nalang sa pagbasa nang aking kuwento na medyo magulo. ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meant To  BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon