37

1.3K 77 27
                                    

SHORT UPDATE

----

Luhan

"Wala po si Baek?" Tanong ko kay Halmoni ng makarating kami sa Bucheon. Hapon na ng makarating kami.

"Bakit? Saan ba pumunta si Baekkie?"

"Ah. Ano po kasi..." pakshet. Hindi ko naman pwedeng sabihin na naglayas si Baekhyun kay Halmoni. Sinong tanga ang magsasabi non? "...magbabakasyon daw po sya dito. Baka po nagbago sya ng plano."

Tumango si Halmoni saka ako nagpaalam. "Sandali Luhan."

"Po?"

"Dito na kayo maghapunan."

Napatingin ako sa langit. Baka gabihin kami. "Dito narin kayo matulog ng mga kasama mo kung sakali." Binaling ko ang tingin kay Halmoni. Tumango ako saka tinawag sila Jongnegs.

--

"Kumain pa kayo." Nagabot pa ulit si Halmoni ng kanin kay Jongin. Jusko. Bakit ba ang PG ng negrong to? Partida, beastmode pa sakanya si Kyungsoo nyan ah.

"Jongin mahiya ka nga sa balat mong maitim?" Irap ni Kyungsoo kay Jongin.

"Soo, gutom ako." Natawa naman si Halmoni sakanila.

"Edi sana ako nalang kinain mo! Pakshet ka!"

"Later nalang. I want you for desert babe."

Jusko po. Pagpalain nawa ang mga kaluluwa nila. Napatingin ako kay Halmoni, nakatingin din sya sakin. Ngumiti ako. "Kamusta na nga pala si Baekhyun? Kumakain ba sya ng maayos? Natutulog ba sya ng maaga? Malusog ba sya?"

Napalunok ako. "Ah, si Baek po." Tumingin ako kay Kyungsoo. Leche. Anong sasabihin ko. Agad ding nagiwas ng tingin sakin si Soo. Pakyu Kyungsoo.

"Ayos lang naman po. M-malusog po si Baekhyun, Halmoni." Pag-ayon ko sakanya. "Ganon ba. Mukang inaalagaan sya ng maayos ni Chanyeol."

Chanyeol?

"Mukang ganon na nga po."

Sumubo ako bago ulit sya nagsalita. "Matagal na rin ng huli silang bumisita dito. Napakabait na bata nyang si Chanyeol. Magalang pa. Nako yung batang yon. Di manlang ako tawagan. Buti nalang at inaalagaan nya ang Baekkie ko ng maayos."

"Inaalagaan huh." Bulong ni Kyungsoo. Biglang syang tumayo. "Tapos na po akong kumain Halmoni." Tuloy tuloy syang naglakad papuntang kusina. Alam kong galit sya kay Chanyeol. Pero sumusobra naman na ata sya.

Pagkatapos namin kumain, naglatag na kami at kanya kanya nang humiga. "Sige po Halmoni, matulog na po kayo. Salamat po sa pagkain." Nag-bow ako at hinintay syang pumasok sa kwarto nya saka ako pumasok sa kwarto ni Baek. Iyon ang pinagamit samin ni Halmoni. Magkakasama tuloy kaming tatlo ngayon dito. Tsk.

"Ano ba Jongin. Weg jen."

"Shhh. Sige na? Desert remember?"

"Tsege ne nge. Hihihi."

Puta.

Putangina.

Sinipa ko sila sa ilalim ng kumot. "Pakshet. Tigilan nyo nga yang kalaswaan nyong dalawa. Mga leche kayo!"

Narinig ko pang bumulong ng kung ano ano si Kyungsoo bago sila umayos ng higa. Jusko. Simbang gabi na, hindi parin sila nagbabago. Patnubayan nawa ng banal na espiritu ang mga kaluluwa nila.

Maya-maya, napatingin ako sa lamesita (maliit na lamesa) ni Baek. May naka-frame na picture don. Bumangon ako at kinuha yung picture frame.

Picture naming dalawa, nung highschool pa kami... napangiti ako. Hays. Ang kyot ko dito. Tsaka ni Baek. Nene days.

"Luhan! Yung phone mo!"

Sino namang tatawag ng dis oras ng gabi? Anong oras na ba?

"Hello?"

[Luhan-hyung.]

"Sehun?" Pabulong kong sagot. Tumayo ako at dahan dahang lumabas ng bahay.

[Na-mimiss na kita hyung. Asan ka ba?]

Napapikit ako.

"Wala ako sa Seoul eh. Kamusta ka na? Kelan daw ang labas mo?"

Bakit pakiramdam ko, sobrang mali ng ginagawa ko ngayon? Diba eto naman yung gusto ko?

[Bukas na ako ma-didischarge! Wala ka sa Seoul? Asan ka?]

"Nasa Bucheon ako."

[Nag-aano ka dyan? Kumain ka na?]

"Kumain na ko. Ikaw din kumain ka na."

Nasa daan ako habang palakad-lakad at nakahawak sa dulo ng damit ko.

[Kumain na ko kanina hyung. Anong oras na ba? Sana nga nandito ka eh. Para sabay tayong kumain—]

Napabuntong hininga ako.

"Ah. Sehun. Anong oras nadin kasi. I-inaantok na ko. Bukas nalang tayo mag-usap. Okay?"

[Ganon ba hyung? Okay sige. Goodnight. I love you.]

"Okay. Goodnight. I love you too." Agad kong pinatay yung tawag. Bakit ganon? I answered back, I know. But I answered back thinking about him?

Baekhyun. Bakit ikaw?

"So, nagd-date na ulit kayo ni Sehun?"

Agad akong lumingon.

"Kyung?"

Lumapit sya sakin. "Kelan pa?"

"Ha?"

"Bumalik na pala ulit ang ala-ala nya?"

Lumapit ako sakanya. "Hindi sa ganon Kyung. Kasi..." pano ko ba to ipapaliwanag.

"Luhan. Sana naman, si Baekhyun muna ang intindihin mo, kahit ngayon lang."

Iniwan nya ko at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay.

Napahilamos nalang ako sa muka. Bakit ba ang gulo gulo ng buhay ko?!

---

Nagising ako dahil sa ingay ni Kyungsoo. Pag-dilat ko ng mata nakita ko sya sa sulok ng kwarto habang may kausap sa phone.

"Okay Dara. Thanks sa pagpapatuloy sakanya. Buti nalang at dyan nya naisip magpunta. Minsan ang sarap nalang sabunutan ni Baekhyun."

"Okay. Uuwi na din agad kami. Sige. Bye."

Bumangon ako at lumapit sakanya. "Sino yon?" Tinignan nya lang ako atsaka tumayo.

"Mag-breakfast ka na Lu. Pagkatapos mong kumain, susunduin na natin si Baekhyun."

----

Lame. Napaka-uneventful ng chapter. Sorry. Stress ako lately, andami ko kasing pimple, nakaka-pimple ang bakasyon! Huhu. Magingat sa sakit!

Salamat sa lahat ng votes, comments at follow. Komawo po! Salamat!!!

Sing For You jjang!

sehubo

BaekHan: Top or Bottom [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon