46

1.5K 83 30
                                    

This chapter is dedicated to LennyCorpuz I hope this is still the best story for you. Wo ai ni Ms. Chinese. Lovelots. Please continue supporting the story. Salamat sa lahat.

Maraming nang-eo-eonnie at noona sakin. HAHAHA! Ilan taon na ba kayo?

---
Luhan

"Miss, asan si Park Chanyeol?!" Nanginginig sya, habang umiiyak.

Nanggaling na kami sa emergency ward at wala na don si Chanyeol. "Sandali lang po sir."

Nagulat ako ng hatakin nya yung kamay nya na hawak-hawak ko. Wala akong nagawa kundi ipasok ang kamay ko sa bulsa ko. Ihinampas nya yon sa counter ng nurse station. "Pakibilisan naman!" Sigaw nya.

"Baekhyun kumalma ka nga!" -Kyungsoo.

"Nasa Room 214 po si Mr. Park Chanyeol."

Nagulat ako ng tumakbo agad sya sa elevator. Sumunod ako... nang makarating kami don, hindi sya nag dalawang isip na pumasok. Nasa loob si Yoora pati yung mga magulang ni Chanyeol, si Jongin at si Sehun.

Nakahiga si Chanyeol, may nakasaksak na oxygen sa bibig nya.

"Baekhyun?" Hinawakan sya ni Yoora sa braso at iniharap sakanya. Nagulat ako ng sampalin nya si Baekhyun. "Yoora!!!!" Sigaw ni Mrs. Park. Agad akong lumapit kay Baek. "Okay ka lang? Masakit ba?!" Hinawakan ko ang pisngi nya.

He kept on crying. "Anong ginagawa mo dito Baekhyun?" Paglapit ng tatay ni Chanyeol samin. Bahagya akong natulak dahil sinalubong nya ito. Wala na kong nagawa kundi humakbang palayo sakanya.

"Appa. Si Chanyeol... si Chanyeol, kasalanan ko. Kasalanan ko!" Iyak ni Baekhyun. Gusto kong yakapin sya, gusto kong punasan ang luha nya, pero pano ko gagawin yon... kung tuwing lalapit ako, natutulak ako palayo.

Umiiyak si Jongin. Umiiyak si Yoora. Umiiyak si Mrs. Park. Umiiyak si Baekhyun. Mahal nila si Chanyeol, kaya siguro ganon. "Baekhyun, alam mo bang may sakit si Chanyeol?"

Hindi ko nasabi kay Baekhyun, yung sakit ni Chanyeol o baka nga hindi ko na ginusto pang sabihin. Minsan kasi, hindi ko rin mapigilang matakot sa mangyayari pag katapos kong sabihin yon.

Tinitigan nya si Mr. Park, naghahanap ng sagot. "Sakit?"

"Hindi mo alam?"

Umiling sya. Kapag ba nalaman nya? Mapapatawad nya si Chanyeol? Babalik na ba sya kay Chanyeol?

"Magigising na sya maya-maya. Please, stay with him until then..."

Tinitigan ko si Baekhyun, walang pag-aalinlangan syang tumango. Lumapit sakanya si Yoora, bago sya yakapin, saying sorry, saka sya lumapit kay Chanyeol.

BaekHan: Top or Bottom [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon