58

1.2K 68 26
                                    

Luhan

Hindi ko na naituloy ang ginagawa ko ng bigla syang sumigaw. Hindi iyon ang inaasahan kong reaksyon sakanya. Agad akong bumitaw sa pagkakahawak sakanya bago sya panuoring dumausdos pababa ng pintuan.

Nanginginig sya...

Ang tanga tanga ko. Lumapit ako para hawakan si Baekhyun.

"Wag mo kong hawakan! Wag! Lumayo ka sakin!!!!"

Umiiyak sya...

"Baek."

Nakakayakap sya sa mga balikat nya at umiiyak, looking so vulnerable, so scared. Hindi ko manlang inisip kung anong ginagawa ko. Nagpadala ako sa nararamdaman ko.

"Baek please..."

Pilit nya 'kong tinutulak palayo. Hinawakan ko sya sa muka at hinarap sakin. "Ako to si Luhan."

Napatigil sya bago tumingin sakin. "Lu."

I can't even look at him in the eyes. Hindi ako nag iisip. I of all people, did the very least thing I should have done. "Sorry Baek. Sorry. I'm so sorry."

We stayed in that position until he calmed down. "Bitawan mo ko please." Wala akong nagawa kundi bitawan sya. Bigla syang nagsalita...

"Pati ba naman ikaw?" Ang tanga ko. Hindi na dapat ako umabot pa don. Nasaktan ko nanaman sya.

"Sorry. Dapat hindi nalang ako nagpunta."

Nanatili lang akong tahimik...

Pinigilan ko ang sarili kong punasan ang mga luha nya. Gusto ko lang naman, ang itaboy sya dito. Ayokong nag mumuka syang tanga sa harap ni Sehun, dahil nasasaktan ako tuwing pinapanuod sya. Ayokong pumupunta sya dito dahil alam kong sinasaktan nya lang ang sarili nya...

"Bakit ba ang liit liit ng tingin mo sakin? Sa lahat ng tao Luhan, ikaw pa. Ikaw pa ang tumingin sakin ng ganon kababa. Hindi mo na ba ko kilala?"

He kept on wiping his tears but his face never gone dry. Parang gripo ang mga mata nya. Hindi ko alam kung kelan pa tatagal ang sarili kong mga mata pero ang sakit sakit na ng lalamunan ko sa pagpipigil non.

"Problema lang ang kaya kong ibigay sayo kumpara kay Sehun na kayang ibigay ang lahat ng gusto mo. Na kayang ibigay lahat ng kailangan mo. Masakit yung sinabi mo na hindi mo ko minahal, pero mas masakit yung sinabi mong bumalik ako kay Chanyeol."

Hindi ko alam Baekhyun... iyon lang ang kaya kong ibigay sayo... si Chanyeol.

"Bakit Lu? Dahil ba ikaw magiging masaya kasama si Sehun?" Hindi na ulit sya nagsalita, siguro hinhintay nya ang sagot ko.

It took me a while to answer a crook yes to him. "Masaya ako."

"Talaga." Tinignan ko sya at sinalubong nya ang mga tingin na yon. "Sinungaling ka. Ang sabi mo, sobra-sobrang mahal mo ko. Sinungaling. Sana una palang sinabi mo na sakin na laro lang pala lahat. Para hindi ko sineryoso lahat ng sinabi mong kasinungalingan."

"Sa lahat ba ng sinabi mo sakin, may kahit isa manlang bang totoo sa mga yon?" His eyes are searching at ayoko syang bigyan ng kahit katiting na pag-asa. Ayoko nang bumalik sya dito...

"Sorry..." dahil napakalaki kong sinungaling. Sinubukan ko syang hawakan pero lumayo sya. "Wag. Wag mo na ulit akong hahawakan. Mabuti pa si Chanyeol, may dahilan kung bakit nya yon nagawa. Pero ikaw... mas masahol ka pa sakanya."

Bumagsak ang balikat ko. Tumayo sya at saka nag paalam sakin... lumabas na sya ng pintuan pero hinawakan ko sya sa kamay.

"Baek... please, wag ka nang babalik pa dito. Ayoko na ulit makikita ang muka mo sa harap ng bahay na to."

Ngumuti sya ng mapakla saka hinatak ang kamay nya sakin. "Hinding-hindi na."

------

Pumasok na ulit ako sa loob ng bahay at sinalubong ako ni Sehun.

I was about to protest but he was already hugging me. "You did a great job. Magiging maayos na ang lahat Luhan."

Kumalas ako sa yakap at tinignan sya ng masama. "Ano?! Masaya ka na ba?! Masaya ka na ba ha?!"

Siguro nga mali ang desisyon ko. Siguro nga hindi tama na binitawan ko si Baekhyun. "Hindi ko masabi sakanya!!!! Akala nya naibibigay mo lahat!" I choked back the sobs.

"Kulang pa rin ako Sehun. Kulang parin ako, you can't even fill half of my heart. Ngayon wala na. Wala na tong laman."

Sinubukan nya kong halikan. Ganto nya ipakitang mahal nya ko. This is how he made me feel his love, through his body. Pero kahit kelan hindi ko binigay ang katawan ko sakanya.

"I love you."

"Stop."

Hinawakan nya ko ng mahigpit. "Please hyung? Just think of me as Baekhyun."

Hinalikan nya ulit ako. "Sehun please. Stop."

He stopped. "Hinding-hindi mo mapapalitan si Baekhyun." Umalis ako sa harapan nya pero bigla syang sumigaw.

"Pero sya kaya akong palitan?!?!"

Lumingon ako saka ibinato sakanya yung bagay na ibinalik sakin ni Baekhyun. "Ikaw ba Sehun? Ikaw ba ang nagtapon ng phone ko sa labas kagabi?" Hindi sya nakapagsalita.

"Ano pa ba?! Ano pa bang kulang sa ginagawa ko?! Masaya ka bang pinapanuod akong ganto?! Hirap na hirap na ko Sehun. Hindi ko manlang alam na naospital si Kyungsoo! Kahit makita sya hindi ko nagawa! Gusto mo bang muka akong walang kwenta? Nag-eenjoy ka ba?!"

"Ayaw naman na nilang makita ka, tingin mo ba sasaya si Kyungsoo kapag nakita ka nya? Atsaka nandito ka na. Pwede na nating ibalik sa dati ang lahat."

Tinignan ko sya ng masama. "Tingin mo ba mababalik pa sa dati ang lahat?! Niloko na kita! Sinaktan na kita! May mahal na kong iba! Bakit ba hindi mo nalang ako hayaang maging masaya?! Maawa ka naman samin ng anak ko." Tinalikuran ko sya at bumalik sa kwarto.

Binawi na ni Baekhyun... Binawi nya na ang puso nya. Ngayon wala na kong laman. Kahit katiting, wala nang natira sakin. Kaming dalawa nalang ng anak ko, ng anak namin ni Baekhyun.

Sana maging masaya sya kay Chanyeol. Kasi ako, hinding hindi na magiging masaya pa.

-----

950 words lang yan. Pasensya na. LATE PA! SABI KO MAY 8, ANONG PETSA NA. PASENSYA NA TALAGA KUNG NAGHINTAY KAYO. SALAMAT SA PAGHIHINTAY AT PATIENCE.

sehubo

BaekHan: Top or Bottom [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon