Kabanata 2

554 15 1
                                    

Kabanata 2

It's Okay




Napatingin ako sa kanyang mata. Nakatingin din siya sa akin. I can't believe she is staring at me like this at hindi ako pwedeng tumiwalag una sa titigang ito.

I know women who are challenging men with look, and I know somehow, she is challenging me with this.

Unti-unting kumurba ang kanyang labi at ngitian niya ako. Napamura ako sa aking isipan sa hindi ko malamang kadahilanan.

"I never wanted to be here." Aniya at umiwas una ng tingin sa akin. Napakagat labi ako. Come on dude! Think of something. You need a fucking conversation here!

"Me either." Sagot ko. Nakatingin lang siya sa malayo at dramatikong humangin ng malakas ang hangin sa amin. Nagulo ang kanyang buhok at hinayaan lang niya itong mas lalong guluhin ng hangin. She is... damn.

"But you're here." Ngumiti siya sa kawalan at tumingin ulit sa akin.

"I needed to be here." Sagot ko. Damn.

"Me too. You know, showbiz sucks. People here love to play the fairytale of every fan."

Napatango ako sa kanyang sinabi. I know that, of course. Ilang beses kong narinig si Mama at Papa na nagsasabi din ng ganyan. Good thing, they taught me and Deanne how to keep our shit together.

"Did your parents warn you about strangers?" napatingin ulit ako sa kanyang naging tanong.

Naningkit ang mata ko. "What do you mean?" tanong ko, nagtataka.

"You don't even know me yet you are talking to me. Aren't you scared?" hindi ko mapigilang mapangiti. Well, they warned me about strangers. But this woman right in front of me is... well, different.

"They did warn me about strangers." Nakita kong napaatras siya sa sinabi ko. Napalunok ako. "How about you? Did your parents warn you about talking to strangers?"

"Trust me, Ush. You're not a stranger to me." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kilala niya ako?

"W-what?" Unbelievable!

"I know your parents. Your mom's a great TV host. And your dad is also amazing."

I see. Of course. That's what I always hear. They know me because they know my parents.

"Of course." Matamlay kong sabi.

"I think life is all about choices. You either choose to run away and leave me or stay with me. And you choose the latter. Why Ush?" And my name sound so weird to her.

"I think you need a company tonight." Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ko. Oh fuck! Just... what the fuck I said there? There! Nice job, asshole. You just ruined the night.

"Oh trust me, Ush, I don't do hook-ups." Agad akong napailing sa sinabi niya. She misinterpreted it!

"That's not what I mean Helle."

"It's okay."

"Hel—"

"Kuya? Ate? Hinanap kayo ni Mommy sa loob. Ate Helle, your manager is freaking-out inside. Wala ka pa daw,"

Damn! Now I ruined it. Bakit ngayon ka pa bumalik, Deanne!

"Thanks Deanne. Papasok na ako. Niramdam ko lang saglit ang hangin." Aniya at umalis sa aking harapan. Sumabay ang aking kapatid sa kanya at naiwan na lang akong nagmumura ng malulutong.

I ruined it.

Bumuntong hininga ako at sumunod sa kanila. Binati ako ng ilang mediamen at hindi ko sila magawang ngitian. I feel like I mess something big earlier.

Humalik ako sa pisnge ni Mommy ng makalapit ako sa kanya. Wala si Daddy sa kanyang tabi. Si Deanne lang ang nakita ko. Inilibot ko ang aking paningin at nakita si Daddy sa harapan kasama ang ibang artistang matatanda.

"Thanks for coming kuya." Narinig kong sabi ni Mommy. Niyakap ko lang siya.

Of course. Upsetting her would be the last thing I will do on earth. Kahit labag sa kalooban ko ang pagsama ay okay lang. All for my mom.

Inilibot ko ulit ang aking paningin at hinanap ang babaeng bumabagabag sa aking isipan ngayon.

"Now, let's acknowledge the presence of the Best Female New Comer, People's Choice Awardee and Sweetheart of the Year, Miss Helle." Tumayo ang lahat nang tawagin ang pangalan niya. Napatayo din ako pero hindi ko magawang pumalakpak.

Ginabayan siya ni Daddy paakyat ng stage at kinuha niya ang mikropono ng emcee.

"Good evening everyone. I have no idea why I'm receiving weird awards such as this. But thank you." Nagtawanan ang lahat at mas lalong umingay ang palakpak ng karamihan.

"You are the number one choice of the media now. What can you say about your fans?"

"Thank you I guess. I never really wanted this but it is already here so thank you. May you have a good health guys." Nakita ko ang pag-iling ni Mommy sa kanyang sinabi.

Bumaba siya at parang wala lang sa kanya ang tropeyong natanggap niya at marahas niya itong inilapag sa mesa sa kanyang harapan. Niyakap siya ng isang matandang babae at nakita ko ang mukha niyang napipilitan.

"Marami siyang bashers. Pero mas marami ang kanyang supporters. Let me guess, issue na naman ito bukas." Ani Mommy sa akin. Tumango ako kahit hindi ko alam kung bakit.

I really wanted to talk to her now but I can't seem to find my balls. Gusto kong klaruhin ang nasabi ko kanina. Shit.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagmura ngayong gabi. I just can't seem to calm down. Laging bumabalik sa aking isipan ang mukha niya kanina sa nasabi ko.

Damn, Helle.


Enthralling Fire (Marian Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon