Kabanata 3

732 10 3
                                    

Kabanata 3

Everyone Plays


Inilibot ko ang aking paningin. Hinahanap ang isang taong kanina ko pa gustong makita. Nang mapatanto kong wala na siya sa loob ay para akong nanlumanay.

I really have to apologize. Hindi ko naman inakalang ganoon pala ang pagkaintindi niya sa sinabi ko.

Shit. Napaigting panga ako.

And now, I can't seem to find her.

"And now, to award the Best TV Host of Year, may I call in the ever-beautiful Ms. Shaneah Hycen."

Napatingin ako sa stage. Tinawag ang isang dalaga. She's wearing a red lacey long gown na siyang hapit na hapit sa kanyang katawan. Napalunok ako. Damn. She's sexy. Napatingin ako sa aking paligid at nakitang halos lahat din ng mga kasamahan namin dito sa loob ay nakatunganga sa kanya.

Dinaanan niya ako ng tingin.

She's an actress.

I know her.

Minsan na ata siyang nakapanayam ni Mommy sa kanyang show.

And she's a perfect definition of dessert. Beautiful yet costly.

"Thank you so much, Miss Mel. I am as excited as you guys here to know the winner of the five nominated amazing Host. So let's not make this longer, the 2016 Best TV Host is awarded to..."

Napatingin ako kay Mommy nang maramdamang humigpit ang pagkahawak niya sa aking braso.

"Madame Franciah Lae." Napangiti ako sa sabay sa pagsabog ng mga confetti sa venue. Mom won the award. Mom won the award! Napayakap siya sa akin sa kasiyahan kaya niyakap ko siya pabalik.

"Congrats ma!" masayang bati ko.

Bumitiw si Mommy sa akin at ginabayan siya ni Daddy paakyat sa stage. Inilabas ko agad ang aking cellphone at kumuha ng litrato kay Mommy. Deanne, who's beside me, is crying while taking mom a video. Simple lang ang naging speech ni Mommy.

Napapalakpak ako kasabay ng mga taong masaya para sa aking ina. I smiled.

"Ang galing..."

Unti-unti akong napatigil sa pagpalakpak nang may biglang nagsalita sa aking likoran. Halos tumigil ang mundo ko nang makita ko ulit ang maamo niyang mukha.

"Congrats..." aniya... sa akin.

"... sa Mama mo." pagpapatuloy niya sabay bigay sa akin ng isang matamis na ngiti.

"T-thanks," sa hindi ko malamang dahilan ay kinabahan akong kausapin siya. Natatakot akong magkamali nang sasabihin. Tang ina naman o.

"Your mom is really great. That's why I like her so much." Aniya na parang walang naalalang nangyari sa amin kanina.

Teka, saan ba siya galing?

But then again she's acting cool. Then the fuck it is, I need to act cool too. But first,

"I'm really sorry about earlier, Helle." Sinsirong sabi ko. Nagkibit balikat lang siya at ngitian ako ulit.

"I'm cool with you. No need to apologize. May iniwasan lang akong paparazzi kanina kaya hindi na kita kinausap at nilapitan." Bahagya akong natigilan sa aking nalaman.

"I see. Ayaw mong makita nila na kausap ako?" tanong ko. Umiling siya. Fuck! Ayaw ba niyang makita ng mga tao nakikipag-usap siya sa akin? Bakit?

"Yes."

Wow. Sakit naman sa ego.

"Ayaw ko kasing pakialam pa nila ang pakikipagkaibigan ko saiyo. You know how media works, Ush. Kapag nalaman nilang may kaibigan akong lalaki, mag-aassume silang may namamagitan. Gusto mo bang disturbuhin nila ang pag-aaral mo?"

Napailing ako. No way. Iyon ang pinakaayaw kong mangyari sa buong mundo ko.

"See? You get my point! Now, I have to go. Pretend you don't know me. Bye!" aniya at biglang umalis sa aking harapan.

Tatawagin ko na sana ang pangalan niya nang may biglang lalaki ang lumapit sa akin. Una kong napansin ang soot niyang i.d na may 'Press' na nakalagay.

Biglang bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Helle na Pretend you don't know me.

Fuck.

Here what it is then.

"Good evening po Sir. We have seen you were talking to miss Helle. How are you related to her by the way?"

Tang-ina naman ito.

"No. I'm not related to her. Nagtanong lang siya kung ina ko ba si Franciah. Sinagot ko lang ang tanong niya at saka siya umalis."

The guy nodded.

"Sorry for asking po Sir." Tumango na lang ako at binalik ang paningin sa mga taong nag chi-cheers. Nakababa na pala ng stage si Mama at ngayon ay nakikipagkamay sa mga malalaking tao sa industriya.

Pinalibot ko ulit ang aking paningin. Nahagip ng mga mata ko si Helle na ngayon ay nakaupo na at kinakausap ng isang sikat na basketbolista. Nakita ko sa mukha ni Helle na hindi siya interesado sa kanyang kausap. May iilang press pa ang nakapalibot sa kanilang dalawa at ang hindi ko makuha ay kung bakit bawat galaw ng dalawa ay kinukuhanan nila ng litrato.

This place really sucks. Everyone assumes. Everyone acts. Everyone plays.

I smirked of that thought. That's for me anyway. Napailing ako.

"Are you okay kuya?" napatingin ako kay Deanne sa naging tanong niya. Kinunutan ko siya ng noo. "Why?" tanong ko.

"Tahimik ka e."

Umiling ako. "Wala. Napagod lang ako. I wanted to sleep already."

"Ako din pero feeling ko hindi makakatulog si Mommy ngayon dahil sa award niya." napatango bilang pagsang-ayon. Alam kong hindi makakatulog si Mama. It's her first award.

"I'm so happy."

I am too.

"See? Talagang may namamagitan sa dalawa! Trending na sila sa twitter dahil sa mga litratong kumakalat na nag-uusap sila."

Sabay kaming napalingon ni Deanne sa mga babae na nasa likoran namin nakaupo.

"O.A! Look at the picture. Look at the actual happening. Interesado ba ang mukha niya? Hindi! O.A nito. Assuming!" may silent claps akong naririnig sa aking utak.

Good.

"Bitter ka lang kasi crush mo si Josh!"

"Assuming ka lang. Kaya ka nasasaktan dahil sa pagiging assuming mo e. Kahit tanga mababasa ang mukha ni Helle na hindi siya interesado sa kanyang kausap. Gaga!"

"Fine. But look at the pictures oh! They look like couple."

"Angle te. Ang tawag diyan, angle. Assuming!"

Very good. Very good.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Enthralling Fire (Marian Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon