C H A P T E R 4 -THE IMPACT IN MY HEART
3rD Person's PoV
Nakalamukos parin mukha ni Stephanie ng makauwi na siya sakanilang bahay.Magkahalong inis at pagod ang nararamdaman niya ngayon dahil bukod sa madami siyang ginawa sa school eh dumagdag patong pag-iwas ni Tylou.Buong maghapon niyang sinuyo ang kaibigan ngunit talagang matigas ang helmet nito sa ulo--este ung buhok niyang bao
"Rosell anak?Bakit ka malungkot?"nakasukbit lang ang maliit niyang bag na hello kitty sa balikat niya at parang hindi narinig ang sinabi ng Mama niya.Nagtataka naman siyang tisinundan ng tingin ng Mama niya habang siya patuloy sa paglalakad sa hagdan papuntang kwarto niya.
Isa lang ang tumatakbo sa utak niya:
I need to know whats going on with him!If he doesn't want to explain,I'll seek for the answer...
****
Inaayos niya na ang mga gamit niyang pampasok at kinuha ang clip niyang kulay pink sa may salaminan ng kwarto niya at inipit sa buhok niya.
May mga binuo na syang pakulo para magka-ayos sila ni Tylou kahit feeling niya wala naman talaga silang problema.
Bahala na nga.Sa isip-isip nito.
"Pa!Hatid niyo na po ako!"saka siya patakbong bumaba ng hagdan at pagkababang-pagkababa niyakap niya agad ang kanyang ina at sumunod sa kanyang Papa sa garahe.
"Hmmm.Mukang masigla ang princess namen ah."puna ng kanyang Papa sa kaniyang ikinilos.Parang kahapon lang napakalungkot nito,pero tingnan mo nga naman.Parang hangin lang na dumaan at masigla na ulit siya.
"Syempre,Papa!Maganda ako eh!"ay kung sabayan pa ng katopakan ang kanilang usan.Pambihirang bata 'to o.
Sumakay nadin sila at tinahak ang daan papuntang eskwelahan.Habang nasa daan walang ginawa ang maliit na si Stephanie kundi paglaruan ang mukha ng kanyang ama.
"Papa,bakit ang tangos ng ilong mo?"saka niya kinapa ang ilong ng kanyang Papa.Natawa naman siya pero patuloy paring nagmamaneho.
"Haha,eh ikaw?Bakit flat yan?"balik-tanong ng kanyang ama.Ngumuso naman siya at umayos ng upo bago hinawakan ang sariling ilong.
"Papa,may malapit ba dyang vulcanizing shop?"tanong nito.Patuloy naman siya sa pagkapa ng ilong niya.Saglit siyang binalingan ng kanyang ama saka ito nagtanong.
"Ha?Ano namang gagawin naten 'dun?"
"Papahanginan ko po 'tong nose ko."mabilis nutong sagot at sa pangalawang pagkakataon ito'y ngumuso.
"Hahaha."napailing na lang si Stephen sa inakto ng kanyang anak.Pambihira.Ayaw niya talagang mawalay dito.Kaya kung saka-sakali man.Gusto na niyang itakbo ang kanyang mag-ina sa paraiso.
Yung walang ibang tao kundi sila.Walang problema,walang kapahamakang hinaharap.
Yun lamang ang ninanais niya...
****
Maaga-aga pa nang makarating sila ng eskwelahan ni Stephanie.At ng makita agad ni Stephanie si Tylou na kabababa lang rin mula sa kanilang sasakyan,agad niyang hinalikan ang ama at nagpaalam dito.
"Bye,Papa."binuksan niya pintuan sa passenger's seat at dli-daling bumaba dito.
"Tylou!"sigaw niya sa batang malapit ng pumasok ng gate.Lumingon ito pero ibinalik ang tingin sakanyang dinadaanan.Nakakapagtaka pero nanatili lang siya sa kanyang pwesto.
"Tylouuuu!"muli niyang sigaw at tinakbo na ang maaking pagitan sakanila pero hindi pa nakakalahati si Stephanie ng muli siyang tawagin ng kanyang ama.
"Rosell!Yung baonan mo,nakalimutan mo!"sigaw nito.Tumigil siya at hinarap ang ama.
"Sige na Pa!May hinahabol lang ako!"It's now or never,bulong niya.Wala siyang pakialam kung magutom man siya,basta ang importante...maibalik niya ang dati niyang kaibigan na itinuturing na 'din niya kapatid.
Bumalik siya sa pagtakbo at tiningnan ang likod ng kaibigan.
Akala niya maaabutan niya ito.Akala niya makaausap niyang muli ang lalaking may buhok na bao.
Pero bago niya pa 'yon magawa...
Agad siyang tumilapon dahil sa isang malakas na pagsabog.Napaiyak siya dahil sa hapdi na kanyang nararamdaman sa may ulonan niya.
"ROSEEEELL!!"ang boses na iyon.Tylou..
Tumingin siya sa kanyang likuran kung saan nagmula ang pagsabog.Ngunit imbis na luha ang pumatak.Matinding kaba at pamimilog ng kanyang mata ang agad na rumehistro sa kanyang mukha.
Hindi maari..
Hindi ang kanyang ama..
"Papa..."naiiyak niyang bulong.Nais niya pa sanang puntahan ang ama ngunit hinahatak na siya ng kanyang mga mata patungo sa kadiliman.
****
Agad bumumungad sa mga mata ni Stephanie ang puting kisame.Ngauon nasa hospital siya at kasakukuyang nakahiga sa iaang kama.Mag-isa siya sa isang kwarto kaya noong bumalik ang kanyang huling alaala hindi niya maiwasang mapahagulgol.
"Anak?s-salamat nagising ka na.."doon niya nakita ang kanyang ina na papalapit na sakanya.
"Ma?nasan po si Papa?"tanong nito habang patuloy lang sa pagdaloy angbkanyang mga luha,Napatulala ang kanyang mama at mayaaya pa humagulgol din ito.
"A-anak..a-anak....ang papa mo..masaya na sa heaven."saka nag-angat ito ng tingin sakanya at binigyan siya ng isang malungkot na ngiti.Pero nabigo ang kanyang ina na patagalin ito ng kahit 5 segundo dahil sa sakit na nararamdaman sa kanyang puso.
"M-ma?"
"Ayos lang ako anak."
Pinagmamasdan lang niya ang kanyang ina na umiyak sa harapan niya.Siya naman ay nanatiling naka-upo sa kanyang kama,nakalamukos ang mga kamay.Patuloy tinatanong sa kanyang isip na..
Nasan na ang mga pangako mo sa Papa mo?
Hindi mo naprotektahan ang Papa mo..
Akala ko warrior princess ka?Pero ano bang nagawa mo?Ah..hinabol ang kaibigan mo.
Kapalit ng kaibigan mo ang ama mo,ganon?
Sinayang mo ang mga turo saiyo ng Papa mo.
Isa ka lang bata..
Bata...
Bata...
Bata...
Bata...
Isaa kang lampa!
"Hindi...hindi...hindi yan totoo.."bulong niya.
BINABASA MO ANG
Ms.Secret Agent(Revising)
RandomWhat will you do if someone ask you a job that is totally DISASTER for you? Do you grab the chance na makakatulong sayo? Pero pano kung sa kabilang banda maging magulo pa ito para sayo.... But Stephanie accept this terrible job for her reason. And s...