Letter

108 2 0
                                    

✍🏻 Hidden letter of "Elias and Salome (The Untold Story)"

.🌸. 🌸. 🌸.

February 27, 2015

Aking Elias,

Nasasabik na 'kong makita ka. Hindi ko man alam kung ano'ng hitsura mo. Hindi ko man alam kung kailan kita makikita. Naniniwala ako na makakasama kita habangbuhay. Madalas kong sabihin sa sarili ko na hindi na 'ko iibig pa, na kaya kong mag-isa, pero may bumubulong sa sarili ko na, "Huwag! Maghintay ka lang at darating siya!". Oo, maghihintay ako aking Mahal. Hihintayin kitang dumating sa buhay ko at sisiguraduhin kong magiging maligaya at puno ng pagmamahalan ang ating pagsasama. Sabay tayong bubuo ng mga pangarap at sabay din nating tutuparin ang mga ito.

Maghihintay ako aking Mahal. Hihintayin kita sa dalampasigan sa aking ika-27 na kaarawan. At doon magsisimula ang ating walang hanggan.

Mahal na mahal kita, Elias. Mahal na mahal.

Ang iyong,
Salome

.🌸. 🌸. 🌸.

CollectaneaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon